Sorry for the late update! May training ako from Monday to Friday kaya walang time makapag-online. Ngayon na ako mag-a-update.
Unedited. May contain typos and grammatical errors.
_
MASAYA ang pagbabalik ni Diwata sa mansyon. Maaliwalas ang awra ng paligid. She could see fresh flowers in every vases on each corner of the house. May masayang ngiti kina Manang Lisa nang sinalubong siya. Binati rin siya ng mga ito ng happy birthday at may mga regalo pa ang mga ito sa kanya. Gabi na silang dumating dahil medyo pagod siya sa pag-aasikaso sa kanyang kaarawan ng nagdaang araw. Pinatulog siya ni Sir Levi buong umaga habang nandoon ito tumatambay sa kanila.
"Hindi kami nakadalo sa party mo, hija dahil naging abala sa mga gagawin sa mansyon." si Manang Risa.
"Okay lang po 'yon."
"Pero pinaghanda ka namin ng pagkain, ma'am!" masiglang sambit ni Miguel. Kitang-kita nga niya ang maraming pagkain sa hapag. Sakto lang para sa isang little celebration. Mukhang ngayon lang yata niya ma-e-enjoy ng husto ang kanyang birthday dahil kahapon sobrang busy niya sa pag-a-asikaso sa mga bisita. "Tinawagan kami kanina ni Sir Levi na babalik ka na raw po. Magiging masigla na ulit ang mansyon!"
"Sana ayos na po ang Lola ninyo," may isang nagsabi. Naalala niya na 'yon pala ang sinabing alibi ni Sir Levi sa pagkawala niya sa mansyon ng mahahabang buwan.
"Oo, ayos na po siya. Masigla na at kumakayod."
Sir Levi has a small smile on his lips, but his face projected so much delight. Nakatingin habang tinatanong at kinukumusta siya ng mga housemaids.
Pagkatapos nang maikling interkasyon na 'yon ay umakyat na sila ni Sir Levi sa kwarto para ayusin ang mga dala niyang mga gamit kasama na 'yong mga regalo niya kagabi.
Habang naliligo si Sir Levi, si Diwata naman ay nilalanghap ang katotohanan na nakabalik na siyang talaga sa mansyon. Isa sa mga maliit na dahilan kung bakit gusto niya sa mansyon ay 'yong pagiging malapit nito sa plantasyon.
She was all smile as she changed her clothes. Pagkatapos makapagbihis, inayos niya ang kanyang laptop at mga libro sa nakasanayan niyang study table ang center table ng living area ng kwarto.
Ilang sandali pa ay lumabas na si Sir Levi. Agad na lumukob sa buong kwarto ang manly nitong bodywash at shampoo. Hindi na siya lumingon malapit sa wardrobe dahil alam niyang nagbibihis ang lalaki. She just didn't know why sometimes he felt comfortable changing clothes while she's around. Ang ginagawa na lamang niya ay ang hindi lumingon. Siya ang mag-a-adjust.
Kahit minsan kapag ginagawa ni Sir Levi 'yon ay parang sumisikip ang buong kwarto. She would just remain silent and let him talk first. At kapag nagsasalita na ito, ibig sabihin ay okay na siyang gumalaw o lumingon.
"How's your classes by the way?" doon na niya pinakawalan ang pinigilang hininga nang magsalita na ito.
"Okay lang po, sir. Sa awa ng Diyos, fourth year na po this August."
"Do you have any plans in going to Cebu? Like focus on your courses application or something..."
"Pag-iisipan ko pa po, Sir Levi. Internship ko na rin po next school year."
"Yeah, it is better if you'll have it on large cities. You can learn and develop more about your career in large companies. I'm still firm on my stand that you'll be able to use your brilliance outside this small town, Diwata."
Umangat ang sulok ng labi niya sa isang ngiti. Na-appreciate niya rin ang pagiging supportive ni Sir Levi sa ganitong bagay. He always believed that she could be something great outside Alegre. She could explore more about her career in cities where large and established companies thrive. Naniniwala rin siya na doon niya mahahasa at makakamit ang kanyang mga pangarap.
![](https://img.wattpad.com/cover/307973802-288-k480910.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)
RomanceHacienda Alegre Series 4 -Lessandro Vincent Verdejo||Matured Contents Si Levi Verdejo ay ang tagapagmana at nagma-may-ari ng isa sa napakagandang hacienda sa Visayas. After a traumatizing heartbreak, he was afraid to commit to a relationship again...