Thank you for waiting!
__
"I THINK it's better if we take the car," binaliwala ni Diwata ang sinabi ni Sir Levi, pinagpatuloy niya ang paghila nito papunta sa terminal ng mga jeep papuntang downtown.
"Mahihirapan kang maghanap ng safe na parking area 'don. Magje-jeep tayo kasi mura at mas madali."
Sosyal talaga ang date nitong si Sir Levi. Laking mayaman at sanay sa five star restaurant kapag inaaya ang girlfriend mag-date. Hindi niya binitawan ang lalaki hanggang sa makasakay sila ng jeep na halos puno na. Sa may exit sila sumakay kasi 'don na lang ang bakante.
'Yong matandang kaharap nila ay napatitig sa kasama niya na may ngiti sa mga labi. Halos yata lahat na nakaupo sa kanilang harapan ay nakatingin sa kasama niya. Masisisi ba niya ang mga ito kung agaw pansin ang kwagapuhan nitong si Sir Levi na animo'y iniluwa ng isang magazine.
"First time mong magpublic commute?" bulong niya sa lalaki, dahan-dahang binitawan ito para kumuha ng pamasahe.
"Yeah?" amuse na amuse siya sa iritado nitong sagot. "Sabi ko sa'yo mag-kotse na lang tayo."
"Magasgasan pa' yong kotse ni attorney eh. Akin na cellphone at wallet mo. Safety first..." agad naman nitong kinuha ang wallet nito sa bulsa, manipis lang 'yon halatang mga cards lang ang laman. Nilagay niya lahat sa kanyang bag ang mga ito. "You'll be okay. Para maranasan mo rin minsan maging mahirap."
Umandar na 'yong jeep. Normal naman sa pakiramdam niya na sumakay ng jeep kasi malayo rin ang apartment niya noon mula sa eskwelahan. Ito ang nakasanayan niya sa isang taong paninirahan dito sa Cebu. Two rides pa siya kada-araw. Hindi pwedeng taxi kasi mahal.
Sanay na sanay itong si Sir Levi sa comfort ng mga sasakyan eh, at first time nitong mag-jeep. Edi go.
Nangingiti siya habang nakatingin dito na hindi talaga bagay na sumakay ng jeep. Kahit simpleng pananamit, mapapansin talagang mayaman ito.
"Sukli mo..." abot ng katabi niya. Magsasalita na sana siya ng pasasalamat ay namilog ang mata niyang nang makita na si Isaac 'yon. Katabi nito ang isang babae na magkahawak ang mga kamay.
Sa lahat ng lugar, dito pa talaga sila magkikita. Sa lahat ng lugar ha.
"Sol..." may gulat din na sambit nito sa pangalan niya. Bahagya siyang umirap at tumingin sa kanyang harap.
"Isaac. Buhay ka pa pala." Wala siyang ganang makipagkumustahan sa gago na 'to. Kinuha niya ulit ang kamay ni Sir Levi at doon humawak na kay higpit.
"Classmate mo, babe?" narinig niyang tanong ng katabi nito.
"Ah yeah, noon," mahinang sagot ni Isaac. Mabuti naman ganoon ang isinagot dahil hindi niya ito kikilalanin bilang ex-boyfriend niya.
Pilit siyang lumingon sa babae para ngumiti. Maganda nga ito. Maliit ang mukha at fashionable kung manamit. Halatang galing sa movie date ang dalawa. May mga night festivities kasi sa Ayala dahil Christmas season.
"Hannah," matamis ang ngiti nitong inabot ang kamay sa kanya. Tinanggap naman niya saka nagpakilala. "Sol..."
"Nice meeting you, Sol." She was soft and sweet. Hindi niya masisisi kung pinagpalit siya agad ng gago na 'to. She didn't know. She was irritated because she just felt betrayed by her friend.
"Boyfriend mo?" tanong naman ni Isaac. Bakit hindi na lang ito manahimik? Naiirita siyang makita ang lalaki.
"Asawa ko," she smiled and looked at Sir Levi with a hint of annoyance or amusement of his face. Para yatang kanina pa ito nakikinig sa kanila. Hindi niya alam kung ano ang totoo na nasa mukha nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/307973802-288-k480910.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)
Любовные романыHacienda Alegre Series 4 -Lessandro Vincent Verdejo||Matured Contents Si Levi Verdejo ay ang tagapagmana at nagma-may-ari ng isa sa napakagandang hacienda sa Visayas. After a traumatizing heartbreak, he was afraid to commit to a relationship again...