Not a Special Chapter. Sinulat ko sa maikling chapter na 'to ang kwento ni Noelle, Patrick, at Mikael. Patrick was introduced in the previous chapters as a guest (na pinagselosan ni Levi), but I didn't write the reason behind why he had really visited Alegre. Nasa utak ko talaga ang reason ng character ni Patrick pero hindi ko maisulat sa loob ng kwento kaya ginawan ko na lang ng ibang chapter. And so you can read Noelle's POV.
Enjoy! Unedited.
_
NOELLE'S heart lurched as she hugged Mikael tightly. Paulit-ulit niya itong binulungan ng mga salita. She kept on saying sorry as her tears were falling from her eyes. Ang dami niyang kasalanan sa anak. Pumikit siya habang inaalala ang nangyari kanina sa Alegre's Peak. Nanghihina pa rin siya habang iniisip na maaaring napahamak si Mikael kanina. Kung hindi lamang niya kailangan ng pera ay hindi naman siya tutungtong sa lupain na ito.
Kapwa may sakit ang kanyang mga magulang. Ang mama niya ay may cancer at iyong papa niya ay may kidney failure na kailangan ng dialysis which both of them needed medicine maintenance. Noelle was a struggling businesswoman and a law student. Ilang hakbang na lang ay matatapos na niya ang pag-a-abogasiya pero sinusubok talaga siya ng kapalaran. Nagkakape siya ng pag-aalala tuwing umaga habang tinitingnan ang mga bills na kailangan niyang bayaran.
She didn't have the pure intention to bring trouble to Levi. Hind na niya kaya pang dagdagan. Kahit hindi maayos ang pagtatapos ng kanilang relasyon ay wala na siyang balak na bumalik sa Alegre. Ang kanilang paghihiwalay ay hindi dahil sa tiyaga ni Katarina na paghiwalayin sila ni Levi, kundi pati na rin sa nagbabaga niyang konsensiya because she had cheated on him. Damn it. Sobrang natatakot siyang ikumpisal kay Levi ang kasalanan kaya nagpasya siyang hindi na talaga babalik, at hahayaan na kung anuman ang nangyari noong naghiwalay sila. Natuto na siya at hindi na niya uulitin pa ang nagawa.
That was why she didn't commit to a relationship after her sins. Saka wala na rin siyang panahon doon dahil milyon-milyong problema ang kinahaharap niya kada araw. Dagdag aalahanin na naman ang pagkaroon ng jowa.
But when Katarina had approached her to be an actress of her evil schemes, Noelle had accepted it after one week of deep thoughts. Syempre hindi niya tinanggap agad kasi ayaw niyang makakaharap si Katarina araw-araw, ano pa kaya ang pagiging kasabwat nito sa mga demonyo nitong mga plano.
However, Noelle badly needed the money. For her business, for her school tuition fee, for her parents, for their basic needs and bills, and everything in her life that needed money. Three million just to act.
At ngayon halo-halo ang kanyang nararamdaman. Nakakagaan pala ng pakiramdam na nasabi na niya kay Levi ang kanyang mga nagawang kasalanan. She wasn't proud of it, never been proud of it, but she never thought it was relieving even though she didn't get his forgiveness. Well, Noelle deserved it naman. Cheating didn't deserve forgiveness, ever.
Pag-aalala kasi nasali pa si Mikael sa mga maling desisyon niya sa buhay.
Pagkamuhi sa tuwing naalala niya ang demonyitang Katarina na 'yon. Ipagdadasal niya na sana gabayan si Diwata ng mga santo at anghel sa langit dahil kailangan nito ng mas mahabang pasensiya kapag kaharap si Katarina. Mabuti nga nagmana si Levi namayapang ama nito.
Nag-angat siya ng tingin ng biglang may naglapag ng isang tray ng refreshments sa mesa na inuupuan nila ngayon sa Clarkson. Hinihintay niya ang kanyang uncle na dumating para kunin sila ni Mikael.
"Are you okay?" tumango siya sa tanong ni Javier. "I'm so sorry kung kailangang mangyari ang lahat na ito. And Mikael..." masuyo itong ngumiti kay Mikael. "...is such a fine boy. I wish he is mine, but I still want to have you back."
Pumikit si Noelle. Ilang beses na niyang pinaliwanag kay Javier na hindi na gaya noon ang nararamdaman niya. Pinapatay siya ng konsensiya sa kanyang mga nagawa at itong taong ito para man lang walang pakiramdam.

BINABASA MO ANG
Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)
RomanceHacienda Alegre Series 4 -Lessandro Vincent Verdejo||Matured Contents Si Levi Verdejo ay ang tagapagmana at nagma-may-ari ng isa sa napakagandang hacienda sa Visayas. After a traumatizing heartbreak, he was afraid to commit to a relationship again...