Chapter 10 - Business and Kisses

1.6K 64 18
                                    

Thank you for waiting! Please share!

Unedited. Typos and grammatical errors. 

__

IT TOOK Leah long minutes to finish applying make up on Diwata. Ni hindi niya kilala ang ibang gamit ni in-apply ng kaibigan sa kanya. Lipstick, foundation, at eyeshadow ang yata ang kilala niya pero iyong mga ginamit ni Leah ay sobrang dami.

Nag-me-make up tutorial ang kaibigan niya sa Tiktok. She was really expert on this field. May pagkaka-kikay at fasionista ang kaibigan niyang ito lalo pa at Tourism ang kinuha nitong degree program. Nasa abroad ang mga magulang nito kaya kahit anong gusto ay nabibili nito lalo na 'yong mga skin care products, make up at cosmetics products and etc na ginagamit pampaganda.

Kaya isa si Leah sa pinakamaganda sa kanilang sitio dahil marunong mag-ayos.

"Hindi ko naman kailangan 'to, Leah," pagpupumilit niya nang pumalakpak ang kaibigan saka inabutan siya ng salamin. "Di ako confident sa makakapal na make up. Saka hindi ko talaga kailangan 'to."

"Kailangan mo 'to at natapos na tayo! Tingnan mo ang finish product!" hesitant pa siya noong una pero tiningnan niya naman sa huli ang sarili sa salamin.

Leah was really impressive. Medyo namangha siya kasi hindi niya nakilala ang mukha niya. Hindi na niya napansin ang mga pores niya sa mukha. Totally, natabunan na talaga.

Medyo dark red ang labi niya. Kurbada ang mga kilay. Mataas ang mga pilikmata. Naging makinis ang pisngi niya na may pagka-pinkish na ngayon.

"Saan ba ako pupunta? Sa kasal? Bakit ganito ginawa mo sa mukha ko?"

"Sol, sa lahat ng pinapaganda ko, ikaw ang pinakamaingay. Syempre, haharap ka sa manliligaw mo, dapat presentable ka!"

"Hindi naman kailangan maganda talaga sa harap ni Sir Levi," hinga niya nang malalim. Kinakabahan sa ginawa ng kaibigan. "Natitingnan naman ako ni Sir Levi kahit haggard na haggard na ako."

"May potential ka pang gumanda kaya inilabas ko lang, Sol. Alam kong hindi ka komportable na maging girly type pero isa sa isang taon mo lang naman 'to gagawin. May mga babae na hindi komportable sa make up, and that's okay. May mga babae ring confident kapag may make up, and that's okay also. Gusto ko maging confident ka sa dalawa."

Hindi siya sumagot. Nandito na naman ito kaya wala na siyang magagawa. Kahit anong tanggi naman niya kay Leah ay namimilit naman ito talaga.

"Ito ang susuutin mo ngayon! Charan!" presenta naman nito sa isang light blue dress. Ruffled ang sleeves, may ribbon straps sa may dibdib, above the knee ang taas kung susuutin niya. Nakakanganga siyang natutula sa kaibigan.

"Dress? Pasusuutin mo ako ng dress? Hindi pwede!"

"Please, ngayon lang..."

"Na makikita ang legs ko? Alam mo bang uneven ang skin tone ko, may stretch marks pa, dry na dry pa ang balat ko. Ayaw ko, Leah," sumamo ko sa kanya.

"Lagyan natin ng lotion para hindi maging dry. At 'yong uneven skin tone at stretch marks ay normal lang sa babae. Hindi 'yan flaws. Ibandera mo, Sol. Masyado kang confident sa jeans mo kaya maiilang ka talaga sa dress. Subukan mo lang ngayon."

Isang malalim na buntong-hininga bago niya hinablot ang dress mula sa kaibigan. Magtatalo lang ulit silang dalawa kung ipipilit niya gusto niya. Minsan talaga, ginagawa siyang barbie doll nitong si Leah eh.

Tumalikod siya sa kaibigan na umupo na sa kanyang kama. Hinubad niya ang kanyang t-shirt saka sinuot ang dress. Shit. Sana hindi magiging klaro ang stomach fats niya nito. Si Leah na ang sumara ng zipper sa likod at tinali niya ang silbi ribbon sa harap.

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon