Chapter 34 - Home

2.2K 78 16
                                    

Sorry for late update! Been busy hehe Unedited. 

Warning: May contain mature scenes. Read at your own risk.

"DINNER is ready. Mamaya na 'yan, Di. I will help you with that later," Diwata heard Levi from the dining area. Ilang araw na siyang babad at stress sa research, at ilang araw na rin siyang inaalagan ni Levi ng ganito. Ilang araw na rin siyang namamahay dito sa condo unit na bagong bili.

She was really grateful. Minsan kasi kapag babad na sa mga school works, nakakalimutan na niyang kumain. Ang presensiya ng asawa niya rito was her reminder to eat. Hatid-sundo siya sa school. Madalas ay maaga itong bumabangon kaya pagkagising niya ay may nakahanda nang umagahan. Gestures that she really appreciated.

Alam naman niyang hindi ito marunong magluto kaya na-a-appreciate niya talaga. Gumawa ng mga veggie salad ay kayang-kaya nito pero ang magluto ng mga Filipino recipes na parati niyang kinakain ay hindi.

Flowers, chocolates, and dates might work for other courtship, but for her this is much nicer.

Tumayo siya para lumapit sa hapag kainan. Nangingiti siyang pork chop at lumpia ang ulam pero may nakikita pa rin siyang green leafy vegetable kaya pababayan niya. Kaya naman nitong magprito that explains the ulam.

"Thank you for cooking dinner. Ako naman bukas sa breakfast," sabi niya sabay upo.

"You're very much welcome. But no need na. Mas maaga akong gumigising kaysa sa'yo. Hindi naman problema ang pagluluto. Just be my princess, I'll do everything you need." Tawa nito saka umiling-iling siya.

Umupo na rin ito sa silya sa kanyang harap. "Sira ka talaga. Hindi pa ako nasasanay sa mga pag-ganito mo. Siya nga pala, hindi mo ba na-mi-miss si Mikael?"

"I miss him, but I was talking to him this afternoon. Sabi ni Noelle, uuwi muna sila ng Manila for how many weeks. Baka kapag babalik sila ng Alegre ay siya ring pagbalik ko doon."

She smiled, satisfied that a mere mention of Noelle didn't bother her anymore. Buo na ang tiwala niya kay Levi. At tanggap din naman niya si Mikael. Willing siyang mag-aalaga sa bata kapag nasa puder ito ni Levi. She wanted to be Levi's forever, so come what may...she would accept all of him, including Mikael.

"Okay." Kumagat siya ng lumpia na medyo sunog ang balat pero hindi niya sasabihin kay Levi 'yon kasi parang para kay Levi, normal lang naman ang itsura ng lumpia.

Isinawsaw niya na lamang ng sobra sa ketchup para hindi malasahan ang pagkasunog.

"How's your day went? Pagkadating mo, laptop agad inatupag mo. Sa tuwing kumakain lang tayo nakakapagpahinga ka," he said gently.

"As usual, normal day as a student. At chi-neck ko 'yong research namin baka makalimutan ko ang dapat gawin. May mali sa survey questionnaire namin so need to edit. Marami ring e-re-review na lessons for oral recits. Advance study. Outputs and everything. Pasensiya ka na talaga kapag hindi kita napapansin."

"It's okay. I totally understand like I said before. Napagdaanan ko rin ang pinagdaanan mo so I won't bother you and ask you to have time because I do support your priorities in life. Sapat na sa aking magkasama tayo rito."

Napangiti lamang siya. Hindi na talaga magrereklamo sa sunog na lumpia. Hindi rin naman niya nalalasahan. Ganito pala feeling magka-jowa ng mature na mature mag-isip.

"Let's talk for one thirty minutes after dinner. Kung sapat na sa'yo ang presensiya ko, para sa akin hindi. I'll make time for you pero sa ganitong paraan muna."

Masaya itong ngumiti. "Ano pag-uusapan natin?"

"Random things. Or we'll watch documentaries or anything you want to do." A wicked grin appeared on his lips. "No sex. Napapagod ako the next day."

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon