Thank you for waiting!
Unedited. Typos and grammatical errors ahead.__
THREE in the morning, dilat na dilat pa ang mga mata ni Diwata. Hindi siya makatulog dahil paulit-ulit na lang na umaandar sa utak niya ang lahat ng sinabi ni Sir Levi. Madalas sa ganitong oras, nakakapagsaulo na siya ng mga batas sa Taxation. Nakakapag-review na rin siya sa accounting kaso iba ngayon, wala siyang maintindihan kahit ni isang salita!
Benefits of saying yes to this marriage deal according to Sir Levi:
1. She would still feel her freedom. He would totally understand her passion and dreams so no intimate scenes behind cameras. She needed not to act as wife.
2. Free meals at Clarkson's Diner, Costa Alegre. Free check in any hotel rooms in Costa Alegre. And she actually dreamed to dine at Clarkson's every meal of the day.
3. 20 percent bonus of the total salary every month if she would nail her character.
4. Free hatid at sundo.
5. There's a big possibility that Madam Katarina would not publicize their relationship because his mother was a total mata pobre and a beast.
She wouldn't like Diwata kaya mas lalong ginaganahan si Sir Levi na e-hire siya. That means this acting would only happen in front of his mother. Really.
6. Fifty to a hundred thousand a month.
There would be more to the list kapag pumayag na siya, according still to Sir Levi.
Kinaumagahan, kaharap ang kanyang gatas at tinapay ay hindi nararamdaman ni Diwata ang energy niya para magtrabaho. Her body was totally stressed out. Isang oras na tulog. Pakiramdam niya ay babagsak ang katawan niya kahit anumang oras. Halatang-halata ang mabibigat na dark shadows sa ilalim ng kanyang mata.
Sinirado niya ang kanyang compact mirror nang umupo sa kanyang harap ang kanyang Lola. Mas lalo siyang naging balisa. She felt as if anytime she would throw up something from her weak body. Kumakaba ang kanyang dibdib lalo nang magsalita ang kanyang Lola.
"Hindi mo ako sinagot nang maayos kahapon patungkol sa paghahatid ni Sir Levi sa'yo rito, Sol. May ginawa ka bang hindi maganda sa hacienda? Naku, sabi ko naman sa'yo, apo...mag-iingat ka parati doon. Huwag kang gagawa ng masama."
Hindi pa siya handa kahapon sa maaaring maging tanong ng Lola niya kaya nang makapasok sa bahay ay dumiretso siya sa kanyang klase.
Napalunok na lamang siya sa maliliit na piraso nang tinapay na sinusubo niya. Nakayuko kasi hindi magawang matitigan ang matanda.
"Wala naman po akong ginawang masama. May pinag-usapan lang po kami ni Sir Levi patungkol sa trabaho."
Kaya niya bang magsinungaling sa Lola niya? Doon na siya napatingala sa matanda. May pag-aalala sa mga mata nito at kuryusidad.
"Ganoon kayo magkalapit sa isa't-isa?"
At dahil hindi niya kayang magsinungaling sa Lola niya ay napagdesisyunan niyang sabihin dito ang totoo. Nagsimula siyang magkwento sa totoong pakay ni Sir Levi sa kanya. Umaasa na sana ay maintindihan ng Lola niya ang kanyang pinapahiwatig.
Marahan ang pagkakabigkas ng kanyang kwento pero iyong reaksyon ng kanyang Lola ay pareho sa reaksyon niya kahapon. This would not work! Agad-agad siyang kumuha ng baso at nagsalin ng tubig rito.
"Lola, tubig oh! Ayos ka lang po?" nakahinga siya nang maluwag nang tumango ito kahit nakanganga at namimilog ang mga mata.
"Ganoon ka komplikado ang buhay ng batang 'yon?"
BINABASA MO ANG
Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)
RomanceHacienda Alegre Series 4 -Lessandro Vincent Verdejo||Matured Contents Si Levi Verdejo ay ang tagapagmana at nagma-may-ari ng isa sa napakagandang hacienda sa Visayas. After a traumatizing heartbreak, he was afraid to commit to a relationship again...