Chapter 23 - Birthday

1.6K 83 25
                                    

Salamat sa pagbabasa! Unedited. May contain typos and grammar errors.

_

MAINGAY na ang bahay ni Diwata pagdating ng hapon dahil gabi ang oras ng kainan. Madilim na ang ala sais. Buong araw siyang pagod dahil tinutulungan niya si Mang Ambo at Aling Alesa sa pagluluto ng mga ulam. Ito ang mag-asawang hina-hire ng mga kapitbahay niya kapag may malalaking handaan gaya ng piyesta, binyag, o birthday.

Walong putahe ng ulam, spaghetti, mango float, cupcakes at buko salad naman sa panghimagas. Nangako si Leah at Nenett na ambag na ng mga ito ang cake kaya hindi na siya bumili. True to their words, dumating ang mga kaibigan niya na may dalang tatlong boxes ng Red Ribbon. Ngunit umalis ulit dahil may bibilhin pa.

Medyo marami-rami ang kanyang naimbita sa kaarawan na ito dahil sa mga kaibigan at kilala niya sa mango plantation. Nagtabi siya ng pera noong unang tanggap niya ng sweldo. Napag-ipunan niya ang kaarawan niyang ito kaya nangimbita siya.

Iyong mga kaibigan niya sa youth organization, iyong scholars sa Alegre na mga matatalik din niyang mga kaibigan, sila Mang Teddy kahit parati itong bad trip sa kanya, at sila Manang Risa na mismong binisita niya sa mansyon para imbitahan. Sana nga dumating ang mga ito.

"Happy Birthday, Soledad!" umingay ang labas dahil sa halakhakan. Sumilip siya sa labas kasi nasa loob siya naghahanda ng mga pinggan.

Tumawa siya nang makita ang mga kasamahan niya sa youth organization na may dalang dalawang cases ng Red Horse. Iyong iba naman ay may mga bote ng San Mig Light, at Emperador. Hay jusko.

"Kung sino ang may kaarawan ngayon ay hindi dapat tumanggi sa grasya ng pulang kabayo!" tawanan ng mga ito. Alam kasi talaga ng mga ito na hindi siya umiinom kahit kailan, pero baka mapapasabak siya mamaya.

Birthday niya naman.

Lumabas siya para salubungin ang mga ito. Umiinom ang mga ito kapag may okasyon, pero mababait at matulungan talaga.

"Ang dami naman niyan! Wala ba kayong klase bukas?"

"Para sa'yo mahal naming Diwata ay maaga kaming dadalo sa iyong kaarawan," biro ni Jedd na siyang palabiro talaga sa grupo. Hindi niya ito barkada pero mabait na mga kaibigan. Apat na lalaki at limang babae.

"Para maaga rin kaming matapos, Sol."

"Ang dami niyo naman kasing dinala. Mauubos niyo ba 'yan?"

"Syempre naman! Kulang pa nga 'to eh!"

"Ewan ko sa inyo. Kapag humandusay kayo mamaya, walang tutulong sa inyo ah!" tawa niya rin.

"Anong akala mo sa'min, Diwata...weak?"

"Sige na. Umupo muna kayo," turo niya sa mga monobloc na nasa bakuran nila.

Napatingin din siya sa ugong ng isang tricycle na huminto mismo sa harap ng bahay. Binabati siya ng mga papasok niyang mga kapitbahay. She said her thanks habang lumalabas para salubungin ang tatlo niyang mga kaibigan sa hacienda.

Unang lumabas sa tricycle si Dette at Cindy. Mula sa likod ng driver ng tricycle ay si Leon na pusturang-pustura. Doon niya napansin na nahihirapan ang mga ito sa pagdala ng isang lechon na nakabalot pa ng manila paper at nasa isang karton.

"Hoy!"

"Oh Diwata! Gandang gabi!" nagbigay ng pamasahe si Leon habang nahirapan ding dalhin ang tatlong regalo at ang pambabae nitong bag.

"Ang aga niyo naman. Hindi niyo tinapos trabaho sa planta? At bakit kayo may dalang lechon? Biro lang naman kasi ang sinabi kong dapat may regalo! Kayo talaga!"

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon