Chapter 5: The Montereal Empire

18.6K 578 29
                                    

(Justine)

Hindi pa man din kami nakakapasok sa loob ng building. Halos malaglag na ang panga ko. Paano ba naman kasi pati ba naman ang kulay ng building na ito itim pa din. Pero hindi siya mukhang haunted, nakaka-intimidate lang parang itong katabi ko.

"Let's get inside."

Para akong sira na tingin ng tingin sa paligid ko. Iba't-ibang tao ang nakikita ko, iba't-ibang lahi din. Nang makita nila si Sophia, lahat ng ginagawa nila ay inihinto nila. At lumuhod sila sa harap ni Sophia.

"Empress.."

Tinignan ko si Sophia napapikit siya at nakakunot ang noo niya. Bakit kaya?

"You can now stand."

Sumunod naman silang lahat.

"A pleasant morning to everyone. Have a good day."

Napataas ang kilay ko. Did she just greet her employees? Ngayon lang ako nakakita ng ganoong boss.

"Mr. Dela Vega, let's go. We have to meet them."

Them? Sino naman kaya sila?

Naglakad lang kami ng naglakad. Tinignan ko maigi ang buong paligid. Napakalinis ng paligid, hindi kagaya sa ibang opisina na nakakalat ang mga papel kung saan-saaan. At ang mga empleyado makikita mo talagang lahat ay seryoso sa mga trabaho nila.

Sunakay kami sa elevator. Ang elevator ay gawa sa glass. Kaya kitang-kita ang labas at loob. Nakasunod lang sa amin si Sebastian. Siya din ang pumindot ng destinasyon namin.

Habang umaakyat ang elevator nakatingin lang ako sa labas, may mga nakikita akong mga mansyon sa di kalayuan.

'May mga bahay sa bundok?'

Kung sabagay sa tuktok ng bundok nakatayo ang Montereal Palace.

"Sino ba ang kailangan nating i-meet?"

Tanong ko kay Sophia.

"Well the members of the Board. They wanted to meet you. Afterall ikaw ang makakasama ko na pamahalaan ang Montereal Empire."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako bigla.

"Remember, Justine. Ito ang preparasyon para sa mangyayari sa kinabukasan natin. You have to make sure they approve you or else.."

Kumunot ang noo ko.

"Or else what?"

Tumingin siya kay Sebastian.

"Empress, have to marry someone else chosen by them."

Nanlaki ang mga mata ko. Tinitigan ko mata sa mata si Sophia.

"Is it true?"

Tanong ko.

Bago siya sumagot bumukas na ang pinto ang elevator ng hindi ko namamalayan na ito na ang destinasyon namin.

"I trust you, Justine."

Yun lang ang sinabi niya at lumabas na siya. Sumunod ako. Sa tingin ba nila makakapayag akong mawala sa akin si Sophia? No way.

"Empress, i'll just fix everything for the meeting.."

Tumango si Sophia at umalis na si Sebastian.

Naglakad kami ulit hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang malaking pinto. At nakalagay doon ang pangalan ni Sophia. Siguro ito ang opisina niya.

An Angel Turned Into Devil 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon