Chapter 6: The Montereal Dominus

18.8K 539 51
                                        

(Sophia)

Kanina pa ako hindi mapakali. Palakad-lakad ako dito sa loob ng opisina ko. Paano ba naman kasi nasa loob ng conference room si Justine. Hindi ko nga alam kung makakalabas ng buhay ang lalaking iyon.

"Young Mistress, relax lang po kayo.."

Sabi ni Sebastian. Tumingin ako ng masama sa kanya, ngumiti lang siya sa ginawa ko.

"How can i relax? Baka hindi na makalabas ng buhay ang lalaking iyon! Kilala mo sila, Sebastian."

Lumapit sa akin si Sebastian at pilit akong pinaupo sa sofa. Nag-salin siya ng tiyaa sa cup at inabot sa akin.

"Drink it para marelax po kayo.."

Kinuha ko iyon at ininom. Bahagya akong na-relax.

"I can sense his fear kanina bago tayo lumabas."

Pagpasok namin, pinakilala ko lang siya at pinalabas na ako nung mga lalaki na yun. Alam ko naman kung bakit gigisahin nila si Justine.

"But did you see his eyes?"

Umiling ako sa tanong ni Sebastian.

"His eyes are full of determination. Yes, he's afraid but for you Young Mistress, he have to endure it all. Sinabi niyo sa kanya na you trust him. You have to prove it."

Napabuntong hininga ako. Tama siya, i have to trust him. Maya-maya pa bumukas ang pintuan at pumasok si Justine. Looking pale.

"What happened?"

Agad kong tanong. Tumingin lang siya sa akin na para bang may nalaman siyang hindi kapani-paniwala. Tapos napatingin siya kay Sebastian.

"Justine?"

Bumalik ang tingin niya sa akin.

"Tao ba sila?"

Seryoso niyang tanong. Kumunot ang noo ko.

"Ano bang tanong 'yan? Of course they are."

Umiling-iling siyang napaupo sa sofa. Napahilamos siya sa mukha.

"Hindi. Hindi sila tao! Sophia, akala ko kakainin na nila ako ng buhay? Bakit may ganoong mga tao dito sa Montereal Empire?"

Napatingin ako kay Sebastian. At binigyan ko siya ng 'i-told-you look'

"I'm sorry, Justine. Dapat hindi kita hinayaan mag-isa sa kanila. Don't worry kakausapin ko sila."

Tumayo ako at nag-lakad sa conference room. Alam kong nandoon pa sila, hindi naman agad umaalis ang mga iyon. Pumasok ako. At hindi nga ako nagkamali. Seryosong-seryoso sila ng pumasok ako. 

Kung ako ang pinakakinatatakutan, silang tatlo ang sumunod sa akin. Ang haligi ng Montereal Empire. 

The Montereal Dominus.

"Young Mistress.."

Tumayo sila. Tinignan ko sila isa-isa.

"Anong sinabi niyo kay Justine?"

Seryoso kong tanong.

"Things he must know, Young Mistress.."

Sagot ni Lord Victor Astor. Among the three siya ang pinakaseryoso. 

"Then why did he looked like you threaten him or something.."

Narinig ko natawa si Lord Simon Morgan. 

"We didn't threaten him, Young Mistress. Maybe he just can't grasped the things he now know."

Kumunot ang noo ko. Sa sinabi ni Lord Simon. Kaya ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. Sinong mag-aakala na ang isang to ay isa sa mga haligi ng Montereal Empire. Kung titignan mo siya akala mo may sira sa ulo na lagi na lang nakatawa pero ang laki-laki naman ng katawan.

An Angel Turned Into Devil 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon