(Third Person)
Bumukas ang pintuan at hindi alam ni Justine kung ano ang dapat niyang maging reaksyon. Dahil ang tumambad sa kanyang harapan ay ang naglalakihang mga portrait ng iba't-ibang mga tao. Kagaya ito ng naka-display doon sa may entrance ng palasyo ang kaibahan lang hindi si Sophia ang nakalagay doon. Maski ang silid mismo ay sobrang laki para magkasya ang mga naglalakihang mga litrato.
Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Kumpara sa disenyo ng Montereal Palace iba ang sa kwartong ito. Dahil ang kabuuan nito ay kulay pula, kasing pula ng mga rosas at kulay ginto. Hindi niya alam kung totoong ginto pa rin yun.
Pero may iba pa siyang napansin, ang amoy ng kwarto. Amoy rosas. Naalala tuloy niya ang isang insidente noong maiwan siyang mag-isa sa hardin noon, na minumulto siya.
"Sumunod ka sa akin, Justine."
Sabi ni Sophia. Naglakad ito at sumunod naman siya.patuloy pa rin siya sa pagtingin-tingin. At lalo siyang namangha ng nadadaanan nila ang mga naka-display na iba't-ibang klase ng alahas. Para tuloy siyang nasa isang jewelry gallery. Pero napahinto siya sa isang alahas na nakakuha ng atensyon niya.
"If I'm not mistaken, this is the Pink Graff."
Saglit na tumingin si Justine kay Sophia para makumpirma ang sinabi nito. At bilang sagot ay tumango si Sophia
"I thought Harry Winston selled it to Laurence Graff, paanong andito ito?"
Nagkibit-balikat lang si Sophia.
"Sebastian told me that the Pink Graff was given as a gift for my mother in her 18th birthday by Laurence Graff himself. Yun lang ang alam ko kasi hindi pa naman ako pinapanganak noon."
Napanganga lang si Justine sa sinagot ni Sophia.
'Damn. A $ 50 Million worth diamond ring and considering the greatest diamond ever discovered is just a gift?'
Napalunok si Justine sa iniisip niya. At muling tumingin sa paligid, mas lalo niyang pinagmasdan ulit ang silid at pinagpawisan siya sa mga nakikita pa niya.
'Totoo nga ang lahat. Laruan lang sa mga Montereal ang mga mamahaling mga alahas at pati na rin ang mga family heirloom ng royal families sa buong mundo. Pati yata ang mga alahas noon unang panahon andito.'
Napapansin ni Sophia ang pagiging uncomfortable ni Justine. Kaya hinawakan niya ang kamay nito.
"Nevermind that. Halika ipakilala na kita sa mga ninuno ko."
Hinatak siya ni Sophia sa dulo ng silid, kung saan may isang napakalaking portrait doon ng isang lalaki na nakatayo at may katabing upuan. Huminto sila doon.
Pinagmasdan niya ang itsura ng lalaki. Masasabi niyang malakas ang dating nito. And he looks like Sophia in a way.
"Ang nagsimula nitong lahat, ang unang head master ng pamilya Montereal. Lord Samuel Martin Bertrand Montereal."
(Justine)
"Base sa mga kinukwento sa akin noon ni Papa, ang apelydong Montereal ay nabibilang sa mga mababang-uri ng antas sa lipunan noon sa England in 1901. The parents of Lord Samuel was just an ordinary farmer in a flower farm. Pero pinag-aral nila si Lord Samuel para hindi matulad sa kanila na ganun lang ang trabaho at isa pa matalino naman ito. Kaya lang sadyang mahirap talaga ang buhay nila, kaya nagkabaon-baon sila sa utang. Ayaw pahintuin sa pag-aaral si Lord Samuel, pero mapilit siya dahil gusto niyang makatulong sa mga magulang niya. Nagtrabaho siya sa flower farm, natutuwa sa kanya ang may-ari ng farm dahil sa kasipagan nito."
