(Sophia)
"Empress, are you really sure na hindi masamang tao si Juan Bernardo?"
Napairap na lang ako sa tanong ni Sebastian. Kanina pa kasi niya iyan tinatanong. Ilang beses na rin akong sumagot sa kanya na hindi masamang tao ang lalaking 'yun. I decided to meet him to discuss some of the details for his first project.
That's why andito kami sa eatery na malapit sa tinutuluyan namin. Busy ako sa pagbabasa ng
"I think we need to investigate his background. Before everything else, right? May background ba siya sa jewelry designing? Alam ba niya gawin ang trabahong 'yun? Paano tayo makakasiguro na hindi niya pag-kakainteresan ang Hope Diamond? At dito pa sa isang carinderia mo naisip makipagkita sa kanya!"
Oh. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol sa Hope Diamond. Malapit nang dumating ang isa sa pinakamahal na diyamante sa mundo.
"Tumahimik ka na nga lang dyan. Kung magka-interes man siya doon, walang problema. Lahat naman ng tao magkaka-interes talaga sa isang bagay na may estimated value na $ 200 to $ 350 million USD."
Ibinaba ko ang librong binabasa ko at tumingin sa hello kitty watch na binili ko nung isang araw. Napaaga ata kami ni Sebastian, 7 am ang oras ng kitaan pero 6:20 pa lang.
"Anyway, have you heard any news from the Academy and Justine?"
Biglang natahimik si Sebastian sa tanong ko. May hindi ba ako alam? Mag tatanong pa sana ako ng dumating si Juan. Nakita niya kami kaagad, syempre kami pa lang ang tao.
"Good morning, Juan!"
Nginitian niya ako. Nakasuot siya ng asul na t-shirt at naka-maong na pantalon. Ang gwapo naman nito kahit sa umaga.
"Good morning, Sophia."
Siniko ako ni Sebastian.
"Ah nga pala. This is Sebastian my assistant."
Assistant? Sebastian is more than my assistant.
"Napag-isipan mo na ba ang offer ko?"
Tanong ko sa kanya. Napansin kong medyo nahihiya pa siya dahil hindi ito makatingin sa akin ng diretso.
"Ahm. Parang hindi ko kaya yung offer. Kasi nag-research ako kung ano ang trabaho ng isang jewelry designer. Akala ko kasi parang pag-pinta lang ng mural. Nakakatakot magkamali, sayang ang diamonds."
Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Sa halip ay may inilabas akong mga litrato ng iba't-ibang litrato ng mga alahas at inabot sa kanya. Kinuha niya iyon at tinignan.
"Hindi ko kayang gumawa ng ganito, Sophia. Ang gaganda ng mga gawa at sigurado akong professional jewelry desiner sila."
Hindi ko mapigilang hindi matawa sa sinabi niya.
"Yes they are professional 'after' they designed those jewelries."
Napatingin sa akin si Juan.
"May mga taong tutulong sayo para maging familiar ka in terms of jewelry designing. I can hire a professional but where's the fun in that?"
May inilabas ulit akong litrato at ipinakita sa kanya.
"I think this one is familiar to you. Hindi mo pa kasi tapos i-pinta sa mural mo. And i want you to find a new home for this lonely diamond."
(Justine)
Ilang araw na akong hindi mapakali. Hindi na nga ako makatulog ng maayos, paano ba naman araw-araw nandito si Selena Miller. And worst pa doon, araw-araw din akong gustong patayin ng mga kasama ko dito lalo na si Julia.
"Sa tingin niyo ba kailangan natin pagbakasyunin ang mga estudyante dito ng isang taon? Para hindi na pumunta dito si Selena?"
Sabi ni Timothy.
"At walang siyang makukuhang informations tungkol sa Academy at sa mga estudyante. Tapos hindi na ako malalagot kay Sophia. Isang---"
"Hindi magandang plano iyan!"
Sabat ni Julia.
"Naisip niyo ba na kapag ginawa natin iyon, lalo lang tayong gugukuhin ni Selena? Sa long history ang academy never pa tayong nagpabakasyon sa mga estudyante ng isang taon! What will Selena say? Na may tinatago tayo dito?"
Sagot naman ni Alexa. Pansin ko lang medyo tumatalino na ang babaeng ito.
"It's best if we will tell Sophia."
Sabi naman ni Clarissa.
"NO!"
Sigaw ko. Napatingin sila sa akin.
"Justine, if you're trying to prove something then this is not the right situation. Selena is up to something hindi para sa Academy kundi kay Sophia mismo. She's targeting us, yes, but Sophia is the main target. If this won't end well..."
Sabi ni Clarissa.
"Kaya natin lusutan ito. We'll try everything we can then tell her if wala talaga."
Nagkatinginan sila.
"Fine."
I hope magawan ko ng paraan bago pa makabalik si Sophia. Cross fingers!