(Justine)
Pinapanuod ko si Julia na palakad-lakad sa loob ng meeting room dito sa Academy. Kanina pa siya ganyan kasi hindi niya alam ang gagawin dahil unang-una may death threat si Sophia. Pangalawa, wala si Sophia dito at nag-ala Dora. At pang-huli, nakarating sa media ang death threat.
"What am I supposed to do? Saan ako nagkamali?"
Well yeah. That's Julia, talking to herself.
"Well don't you think it's that Selena Miller's doing?"
Sabi ni Alexa. Napahinto si Julia sa sinabi ni Alexa.
"Sophia already talked to her. I think makikinig siya sa warning niya."
Sagot naman ni Timothy.
"Then sino ang maglalakas loob na bantaan si Sophia Montereal?"
Tanong naman ni Acel. Well point siya pero naalala ko ang sinabi ng Montereal Dominus. May mga taong gusto pa rin makuha ang meron siya.
"Mabuti pa ay ipaubayan na lang natin ito sa Montereal Dominus. Those three will make sure nothing happens to Sophia. I've seen it, kung paano nila protektahan si Sophia at ang kaharian nito."
Sagot ko. Hindi naman ako nagsisinungaling. Ang tatlong yun...
"I agree with you, Justine."
Sabi naman ni Clarissa.
"Pero gawin natin lahat ng makakaya natin to protect Royal Academy. Ito ang bagay na ipinagkatiwala sa atin ni Sophia. Dahil ito ay hindi sa kanya, kundi sa ating lahat. This is our own kingdom, our haven."
Tama si Clarissa. Para sa kanila, ang Academy ang kailangan nilang protektahan pero ako, si Sophia at ang buong Montereal Empire ang kailangan kong pangalagaan.
Napatingin ako sa papel, na naglalaman ng banta para kay Sophia.
SOPHIA MONTEREAL WILL DIE. NO ONE CAN STOP HER DEATH THIS TIME.
"Do you think Sophia, knows this?"
Tanong ko sa kanila.
"Who knows. Kahit saan naman lupalop siya andun. She'll make sure na inform siya sa lahat ng bagay. Lalo na tungkol sayo Justine."
Mayam-maya pa ay may tumunog ang telepono sa meeting room. Nagkatinginan kaming lahat, sino naman kaya ang tatawag dito?
Lumapit si Julia at pinindot ang speaker para marinig naming lahat.
"Hey Royalties!"
Kumunot ang noo ko.
"Jacob Lee!"
Sabay-sabay naming sigaw.
"Oh! I missed you too guys!"
Tapos narinig pa namin na tumatawa siya.
"Bakit ka tumawag? At paano mo nalaman na andito kami sa meeting room."
Tanong ko.
"Justine baby! I have the same privilege as Sophia. So, everything na nangyayari ay nalalaman ko din."
Napasimangot ako. Ang daya naman!
"Anyway, since si Sophia ay naka-leave for hindi ko alam kung gaano katagal. Pinapasabi niya na si Justine muna ang bahala sa Royal Academy kaya every decision will be made by Justine. Pero, gusto rin ni Sophia na magtulungan kayo."
Ako?! Sa buong Royal Academy!
"That's Julia's work!"
Sabat ko.
"May ibang trabahong nakaatas kay Julia. A more critical work."
Sagot naman ni Jacob Lee. Tumingin ako kay Julia at seryoso ang mukha niya.
"At nakarating kay Sophia ang pangyayari. Ipinapasabi din niya na 'wag niyo siyang alalahanin. She specifically assigned you to do some work for her kaya gawin niyo na lang. Alright?"
May iniwan siyang trabaho sa aming lahat. Ano kaya ang sa iba?
"Yeah."
Sabay-sabay naming sagot.
"Alright. Bye guys."
(SOPHIA)
Finally, nakarating din. Bumaba ako sa jeep na si Sebastian ang driver. Agad namang nakasunod si Sebastian sa akin. Humarap muna ako sa kanya.
"Ano sa tingin mo?"
Sabat turo sa itsura ko. Bahagyang natawa si Sebastian.
"You look normal."
Napangiti ako sa sagot ni Sebastian. Nakasuot kasi ako ng simpleng asul na tshirt at itim na pantalon. Naka-sneakers din ako. Naka-suot ako ng wig na kulo-kulot.
"No English, Sebastian."
Saway ko sa kanya.
"Sige, Ysabelle."
Naglakad na kami papunt sa bahay na tutuluyan namin. Ang daming batang naglalaro sa kalsada pero hindi talaga maiiwasan na may mga taong mapatingin sa amin.
Nakarating na kami sa tapat ng bahay. Normal lang ito, hindi ganoong kalaki. Pang-normal na tao.
Maya-may may lumapit sa amin na isang matandang babae.
"Ay kayo pala ang bagong titira dyan?" Tanong pa nito.
Ngumiti ako at saka sumagot.
"Opo 'nay. Ako nga po pala si Ysabelle at ito naman po ang Tito Bastyan ko."
Okay. New character mode is on.
"Kay ganda mo namang, hija."
Nahiya naman ako sa sinabi ng matanda. I know maganda talaga ako, pero sa itsura ko ngayon parang hindi.
"Salamat po."
Tumingin ako kay Sebastian hindi ito kumikibo.
"O siya, sige. Iwan ko na kayo. Magkikita pa naman tayo dyan sa tabi-tabi."
Umalis na ang matanda at tumingin ako kay Sebastian.
"Tito Bastyan? Really, Empress? I thought it's Tito Seb."
Natawa ako.
"It's cute isn't? Ano na lang ang sasabihin ni Olivia sa new name mo?"
Natatawa kong sagot at pumasok na sa loob ng bahay.
I'm Ysabelle for now.
