(Justine)
Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Sophia. Did she just said that?
"Y-You mean, titira na tayo sa isang bahay. Parang live-in? Ganun?"
Nag-isip naman saglit si Sophia saka tumango.
"So parang mag-asawa na tayo? Pwede na nating gawin ang ginagawa ng mag-asawa?"
Oh come on! Hindi naman masamang tanungin ko yun di ba? Malay niyo magkaroon na kami ng isang set ng kambal?
Sandaling tinitigan ako ni Sophia at biglang nanlaki ang mga mata niya.
"Not that! I mean, you have to live with me to experience the life of a Montereal."
Ah. Akala ko naman this is the moment na! Sayang.
Pero teka?
"Para saan pa Sophia? Ano pa bang pinagkaiba ng buhay ko, sa buhay mo? I know that you are richer than me but what's the difference?"
Huminga siya ng malalim.
"A lot. Marami ka pang hindi alam. Nakikita mo lang na ganito ang buhay ko pero gusto kong maintindihan mo, Justine."
Gusto kong sabihin sa kanya na hindi na kailangan kasi naiintindihan ko naman pero alam ko may mas mabigat pa siyang dahilan.
"Tell me Sophia. Ano pang ibang dahilan para gawin natin ito?"
Pagkarinig niya ng tanong ko. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Pero ilang sandali muli siyang tumingin sa mga mata ko.
"Justine.. May tiwala ako sayo, but this has to be done. To see if you will really stay by my side until the end. Dahil baka kasi sa oras na harapin na natin ang hirap ng buhay, bigla mo akong iwan sa ere. Kailangan mong patunayan sa mga taong nakapalibot sa akin na karapat-dapat ka para maging asawa ko."
Natahimik ako. Maski ako sa sarili ko, tinatanong ko kung karapat-dapat ako sa kanya. I'm about to marry the most powerful person in the whole world. Pero tuwing sinasabi niyang mahal na mahal niya ako. Nawawala ang pagdududa ko sa sarili ko, dahil sino ba naman ako kumpara sa babaeng nasa harapan ko pero kahit ganun mahal na mahal niya ako.
Kayang kong gawin lahat para sa kanya. Kahit ano basta makasama ko lang siya. Kung ito lang ang hinihingi niya sa akin, why not? Alam ko naman na kaya ko. At isa pa, nangako ako sa puntod ni Young Master Yves. Mahirap na baka multuhin ako nun.
"Justine.. If you don't want--"
"Okay lang. Wala namang mawawala at isa pa alam ko naman na kaya ko."
Ngumiti siya. Ang ngiting yun na laging tumutunaw sa akin. Ang totoong ngiti ni Sophia Montereal.
"So.. ano bang dapat kong gawin?"
-
Mas mukhang excited pa si Sophia sa akin. Paano ba naman kasi kanina lang nag-uusap kaming dalawa tungkol sa gagawin ko at hindi ko namalayan na andito na pala kami sa Montereal Palace. Kaya tuloy hindi ko pa rin alam ang way papunta dito.
"So.. This will be you room."
Nilibot ko ang tingin sa silid. Mas malaki pa ito sa kwarto ko sa mansyon ko. Pero sa totoo lang ang nakapukaw ng atensyon ko ay yung stone wall. Parang kakaiba kasi.
"Ahm. Sophia, saan ba gawa itong dingding?"
Tanong ko.
"Ah, yan ba? Sa diamonds. Well halos lahat naman ng walls dito doon gawa. Diamonds are known to be the hardest metal known to man. Kaya nga ilang century na ang nagdaan at matibay pa rin itong Montereal Palace."
Napanganga lang ako. Pagpasok mo pa lang sa entrance makikita mo na yung mga precious gem stones na nakadesign na dingding sa baba tapos ito dingding na gawa sa diamonds?
"Nagustuhan mo ba?"
Tanong ni Sophia sa akin.
You have no idea, Sophia.Tama ang sinabi niya kanina, malaki ang kaibahan ng buhay namin.
"Hey, are okay?"
Tumango lang ako.
"Are you sure?
Tumango lang ulit ako. Dahil sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Okay. Mamaya na lang ulit tayong mag-usap. You need to rest mahaba ang naging biyahe natin on the way dito. I'll talk to you later."
Hinalikan niya ako sa pisngi. At saka umalis.
(Sophia)
Isinarado ko ang pinto sa kwarto ni Justine paglabas ko.
"Young Mistress.."
Tumingin ako kay Olivia.
"Is he okay?"
Tanong niya at tumango ako.
"I think so. Na-overwhelmed siya sa kwartong pinaglagyan ko. Afterall, ito ang kwarto ni Lolo dati nung kabataan pa niya. Paano na lang kapag ipinakita ko na sa kanya ang pagmamay-ari ng Montereal. Baka himatayin na 'yun. I don't know were to start para hindi siya masyadong mabaliw sa mga malalaman niya."
Napailing si Olivia sa sinabi ko.
"Don't worry, Young Mistress. Just believe in him. Pero siguro para makatulong na makarelax siya dito, bakit hindi niyo po ikwento sa kanya ang mga history ng Montereal Clan hanggang sa mga magulang niyo? Doon niyo po simulan."
Oh? Oo nga noh?
"I like your idea, Olivia. Well, its throwback time."
(Justine)
Kanina pa kami nag-lilibot ni Sophia dito sa loob. Ipinapakita niya sa akin yung mga dapat na alam kong lugar sa loob ng Monteral Palace para hindi ako maligaw.
Kaya lang sa dami ng pasikot-sikot hindi ko naman maalala lahat.
"Gaano mo katagal kinabisado ang bawat pasiko-sikot dito?"
Tanong ko sa kanya.
"Ahm. I think when i was 5 years old. Lagi kasi kaming itinitour ni Sebastian sa buong bahay kasama si Nics. Para mas mapadali yung pagkakabisado namin, pinagawan kaming dalawa ni Nics ng puzzle ng lay-out ng buong Montereal Palace. At saka dinodrawing din namin ang lay-out ng walang kopyahan."
WTH!
"Nakaya niyo yun?"
Tumango siya.
"Yeah. Para lang kaming naglalaro noon. Actually, yun na yung pinakalaro namin kasama pa yung ibang mga ginagawa namin."
Kailan pa naging laro ang pagkabisado ng lay-out ng palasyo? Sige nga. Pero ngayon ko lang nalaman ang mga ganitong bagay sa kanya. Mas mainam narin siguro na ganito ang sitwasyon namin kasi mas nakikilala ko pa siya ng lubos.
"We're here."
Huminto kami sa isang napakalaking pintuan. Well not just an ordinary door because it is a golden door na may nakadesign na mga roses sa pinto. May nakabantay doon na dalawang Black Crown Guards. They bowed down as they see Sophia.
"Err. Anong meron sa loob nito?"
Ngumiti siya sa akin.
"Bago ang lahat gusto kong ipakita sayo kung saan at paano nagsimula ang pamilya namin at kung bakit kami ngayon andito sa kinalalagyan namin. Ito na ang simula, Justine."
Lumapit siya sa pinto at nagsalita.
"Rose.."
At unti-unting bumukas ang pintuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/19281496-288-k689637.jpg)