Chapter 14

4.2K 109 62
                                    

(SOPHIA)

Ilang araw na ako namamalagi sa lugar na ito pero hindi pa rin ako nakakakita ng potential new designer ko. Pero malakas ang pakiramdam ko na andito lang ang hinahanap ko, kailangan ko lang talagang mag-tiyaga.

Alam niyo bakit ako ang gumagawa nito? Pwede ko naman iasa kay Sebastian o sa iba ko pang empleyado. But this one should be picked by me because that person will design the most expensive diamond in the world, Le Bleu de France o ang Hope Diamond.

Kaya ngayon, naisipan kong maglakad-lakad sa buong lugar kung nasaan ako. Hindi ko kabisado ang lugar pero makakauwi naman ako, siguro?

Hindi ko alam kung saan na ako nakarating pero habang tumatagal napapansin ko ang makukulay na pinta sa mga pader. I think they call this Murals. At napansin kong hindi sila basta-basta mga murals lang, the person who designed it tells a story.

Napahinto ako sa isang design sa pader. It's 1 km jewel mural. It shows the most expensive jewels of the world, including the Hope Diamond pero hindi pa tapos.

Nakita kong may papalapit na lalaki.

"Excuse me, kilala mo ba kung sino ang gumawa nito?"

Hindi ko masyadong napansin ang itsura ng lalaki dahil ang tingin ko ay nasa mural pa din. Hindi ito agad sumagot kaya tinignan ko ang lalaki. Nakatingin din ito sa akin.

Halos magkasing tangkad sila ni Justine, maganda ang pangagatawan, maputi at singkit ang mga mata. Mukhang hindi taga rito ang lalaki.

"Pasensya ka na. Hindi ka yata taga dito, ikaw pa ang natanong ko. Mauna na ako."

Sabi ko saka ngumiti.

I guess i'll ask Sebastian to look for this person for me. Kailangan ko ng makabalik, alam ko kung sino man ang gumawa ng mural siya ang taong hinahanap ko.

"Sandali lang."

Nilingon ko ang lalaki. Mukhang nahihiya siya dahil hindi ito makatingin sa akin ng diretso.

"A-ako ang gumawa niyan.."

Sabay kamot sa ulo nito. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya sa akin. Nakita ko naman na bigla itong namula. Hinarap ko na siyang tuluyan.

"Ikaw si?"

Umayos pa ito ng tayo.

"Juan Bernardo."

Inilahad ko ang aking kaliwang kamay.

"Hi Juan, I'm Sophia."

Inabot nito ang kamay ko para makipag-kamay.

"And you'll be my new designer."

Nakangiti akong nakabalik sa tinutuluyan namin ni Sebastian. Pagpasok ko doon nakita si Sebastian na nakasimangot.

"What's wrong?"

Inabot nito sa akin ang isang tablet. Binasa ko ang nilalaman noon at nawala ang ngiti sa labi ko. It's a news article about Justine. May mga photos na kumalat na nasa isang bar ito at kasama si Selena Miller. The article states that bumalik na ang dating Justine na babaero at hindi na matutuloy ang kasal.

"Hmm.. Interesting."

Binalik ko kay Sebastian ang tablet. Pinag-aaralan ni Sebastian ang laman ng isip ko. 

"May sagot na ba si Eve?"

Tanong ko.

"It's Yes, Empress. She wants to meet you as soon as possible."

Napangiti ako. We all have our weaknesses.

"Then, what are we waiting for? Selena Miller is starting her game. I might as well start mine."

(Justine)

Kanina pa ako sinesermunan nila Julia. Dahil kasi sa kumalat na news article online about sa photos namin ni Selena Miller.

"Are you damn sure na hindi mo nakasama ang babaeng 'yan?!"

Sigaw na tanong ni Julia.

"Oh god! For 100th time, hindi nga."

Naiirita na ako pero at the same time natatakot din. Paani na lang kapag nakita ni Sophia 'yan? Tiyak nun masasaktan iyon! Paano na lang kung ma-cancel ang kasal namin? Paano kung piliin niya si Jacob Lee?

"Sophia not better know this or else we're dead!"

Sabi pa ni Alexa. 

"Did you approve the filming of Selena Miller's show here?"

Tanong ni Clarissa sa aming lahat. Umiling kaming lahat.

"Then why did Justine sign this paper?"

Inilapag ni Clarissa ang hawak nitong papel sa harapan ko. Parang naubos yata lahat ng dugo ko sa katawan.

"We're all dead."

Sabi ni Timothy.

"Paanong nandito ang pirma mo Justine?"

Tanong pa ni Acel.

Napasabunot ako sa buhok ko. Paano nga?

"Sa dami kasi ng pipirmahan ko yung iba hindi ko na nabasa. HIndi ko naman akalain na isnag bundok ang documents na binabasa ni Sophia araw-araw."

Nag-ring ang telepono sa meeting room. Kinakabahan ako, baka kasi si Sophia iyon. Si Clarissa na ang sumagot. Nakita ko ang pag-seryoso ng mukha nito. Maya-maya pa ay inilagay niya sa speaker mode ang telepono.

"Dela Vega, you better fix this mess before Sophia knows about it. Wala pang nakakarating sa kanya because i asked Sebastian and the others not to tell her. This one is for all of you, do something before the Empress destroy us all."

Si Jacob Lee. The seriousness in his voice, ngayon ko lang ulit siya narinig magsalita sa ganoong tono. 

"I'm in a deep mess aren't I?"

Sabay-sabay silang tumango.


An Angel Turned Into Devil 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon