Chapter 9

15.2K 423 193
                                        

(Julia)

"Ayaw talagang tumigil ng babaeng iyon! Nakakairita na siya!"

Sabay hagis ng mga papel sa lamesa, si Timothy naman ang pulot ng pulot ng kinakalat ko. Pasensya na lang siya mainit talaga ang ulo ko ngayon.

"Julia, hayaan mo na lang siya. Magsasawa rin ang babaeng iyon."

Mahinahon niyang sabi sa akin dahilan para mapatigil ako at humarap sa kanya. 

"Magsasawa? Timothy, nakita mo naman halos minu-minuto siyang nanggugulo! She even posted in her website, sa show niyang walang kwenta at kung saan-saan pa."

At biglang dumating ang apat. Nagulat sila sa itsura ng meeting room namin sa Royal Academy.

"What happened here?"

Tanong ni Clarissa.

"Well, mainit ang ulo ko kaya ayan. Sorry guys."

Umupo na sila sa pwesto nila.

"Anong gagawin natin kay Selena? Should we just kill her?"

Tanong ni Alexa. Mainit talaga ang dugo niya sa babaeng yun.

"You know we can't do anything like that. Masama iyon!"

Sagot naman ni Daniel.

"I guess we should consult Sophia about this. Alam naman natin na alam ni Sophia ang ginagawa ni Selena."

Sabi naman ni Clarissa. i guess i'll agree on Clarissa's answer.

"Pero aalis si Sophia.."

Biglang singit ni Acel.

Nagkatinginan kaming lahat. 

"Anong gagawin natin?

Sabay-sabay na tanong namin.

"Kill her."

Tumingin kami kay Alexa.

"Alexa!"

Bigla itong nag-taas ng dalawang kamay na para bang sumusuko.

"Suggestion lang!"

(Sophia)

Nakadungaw ako sa balcony ng kwarto ko at pinapanuod ang tatlo kung paano "pahirapan" si Justine. Akala mo nasa military camp sila sa suot at train nila kay Justine. Sa totoo lang nakakaawa ng pagmasdan si Justine pero hindi pa naman siya naghihingalo kaya hindi ko muna siya ililigtas sa kamay ng tatlo.

Maya-maya pa nasa tabi ko na si Sebastian.

"He will be fine with them, right?"

Tanong ko kay Sebastian. Narinig ko pa ang mahina nitong tawa.

"Mabubuhay siya."

Biro niya sa akin.

"He's being trained by three greatest soldiers. Kung alam lang niya kung sino talaga ang tatlong iyan."

Hindi ko man ipakita kay Justine pero sobra akong natutuwa sa effort na ginagawa niya para maging parte ng komplikado kong buhay. Kung ibang babae ang inalok niya ng kasal hindi niya ito pagdadaanan. Kung hindi ko siya nakilala, ano kaya ang ginagawa ko ngayon? Probably kung saan-saan na naman akong lupalop ng daigdig nandoon.

"Sophia baby! I have the list na!"

Biglang na naman sumulpot si Jacob. Iniabot niya sa aking ang itim na folder. Binuklat ko ito, nilalaman nito ang mga prospect destination ko. Hindi ko pa man nakikita ang ibang lugar, alam ko na kung saan ako susunod na mag-gagala.

"I choose this one. My new jewelry designer will come from this place."

Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at ipinakita sa kanila ang disguise na gagamitin ko.

"Everything settled. Kailangan ko na lang kausapin si Justine about sa pag-alis ko. And Jacob?"

Tumingin sa akin si Jacob.

"You know your role right?"

Tumawa ito at biglang sumeryoso. Lumuhod ito sa harap ko.

"Your wish is my command, Empress."

Kinalabit naman ako ni Sebastian, tumingin ako sa kanya at may itinuturo sa labas ng bintana. Sumilip ako at nakita kong nakatingin sa pwesto namin si Justine.

"I guess he's jealous now. Oh well, babatiin ko muna ang mortal kong kaaway."

Sabi ni Jacob sabay labas sa kwarto ko. I hope they don't fight.

"He'll be the ticket to your downfall and he will be the target."

Napangiti ako.

"Hindi sila makakapasok dito. Pero kapag nangyari iyon, they'll regret that for the rest of their life."

Maraming nagtatangkang pumasok dito simula pa noon. Hindi dahil gusto nila akong patayin, kundi dahil sa sinasabi nilang nakatagong kayamanan ng Montereal dito. Kung alam lang nila kung ano ang pinagkakaingatan naming kayamanan dito.

"Where's Olivia?"

Tanong ko kay Sebastian. Parang biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Sebastian. Sana hindi niyo nakalimutan si Olivia.

"Empress, i'm here."

Biglang naman siyang sumulpot. I can sense the tension in the room.

"Magpakasal na kayong dalawa."

Nagulat naman silang dalawa sa sinabi ko.

"Hindi na kayo bumabata at isa pa, i can feel the tension between the two of you. Sebastian, make your own family, sayang ang lahi mo. Ikakasal kayo as soon as possible. I'll ask for Clarissa's help for that."



An Angel Turned Into Devil 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon