(Justine)
"Teka, saan ba talaga tayo pupunta?"
Tanong ko sa tatlo. Kakaalis lang ni Sophia pero heto na ako tangay-tangay na ng tatlo. Basta pagkadating ko agad na hinatak ako at pinasakay sa isang military hummer. Sa tagal naming na bumabyahe iisipin kong nakalabas na kami sa Montereal Palace.
"Wag kang mainip dyan, malapit na tayo."
Sabi pa ni Simon. Maya-maya pa ay huminto na ang sasakyan. Bumaba na kami at naguat ako dahil hindi lang isa o dalawang sasakyan ang nandun kundi mga nasa 20 mahigit. Lahat sila naka-fully equipped na ng mga armas.
"Para naman tayong lalaban giyera nito."
Sabi ko sa tatlo.
"Thomas, what's the status?"
Tanong ni Victor. Si Thomas naman busy sa pagkakalikot ng maliit na tablet.
"5 minutes."
Maigsing sagot nito. Sumipol si Simon.
"Alright men. Take your positions."
Utos nito sa lahat. Biglang Nawala ang iba naming kasama at kaming tatlo na lang natira.
"Anong gagawin ko?"
Tumingin pa sa akin si Victor.
"Ikaw Dela Vega. Sasama ka sa akin."
Tapos hinatak ako sa likod ng isang malaking bato. Inabot niya sa akin ang isang military binoculars.
"Gamitin mo yan at sabihin mo sa akin kung ano ang nakikita mo."
Ginamit ko naman ang binoculars. Ang una kong nakita at puro dagat lang pero nung ilipat ko ang tingin ko. Nakakita ako ng mga yate.
"Maraming yate. Ay hindi sobrang daming yate."
Ano ba to? May dadating ba dito?
"Men. Let's take them down."
Narinig kong sabi ni Victor.
Ang bilis ng pangyayari puro putok ng baril ang naririnig ko. Halos gusto ko ng atakihin sa puso sa mga nangyayari.
"Wag niyong hayaan makaalis sila sa dagat."
Patuloy pa rin ang putok ng baril pati pagsabog sa bandang dagat. Maya-maya pa ay biglang tumahimik ang lahat.
"Tapos na ba?"
Nanginginig kong tanong kay Victor. Tinignan naman ako nito.
"Gamitin mo sinabi yang binoculars."
Pansin ko ang panginginig ng kamay ko. Ginamit ko ang binoculars kung kanina sobrang daming yate ngayon puro mga nasusunog o sumabog na ang mga ito.
"Wala na."
Pagkasabi ko nun. Lumabas na kami sa pinagtataguan namin.
"Good work men. Enemy has been terminated."
Kaswal na sabi ni Thomas. Tapos isa-isa na silang umalis.
"What the hell is that?"
Narinig kong tumawa si Simon.
"That's what we do, Dela Vega. We keep the Empress safe and her Kingdom."
Sagot naman ni Victor.
"You kill people!"
Halos pasigaw kong sabi sa tatlo. Umiling lang sila.
"Yes, to keep her safe. Sa tingin mo ba madali ang buhay ng Empress? Yes, she's the most powerful person in the world. Pero may mga taong gusto ang lahat ng meron siya. Hindi mo naman siguro nakakalimutan ang nangyari noon, hindi ba?"
Alam ko ang tinutukoy ni Simon. Si Lia.
"You want to marry the richest and most powerful person because you love her. But the question is, are you ready for all this sh*t?"
Tanong ni Thomas. Hind ko kailangan mag-dalawang isip dahil I'll do everything for Sophia.
"Yes, I'm ready."
Bigla naman akong inakbayan ni Victor.
"That's our boy! Sabi ko naman sa inyo, matapang itong si Dela Vega!"
Natutuwang sabi niya sa dalawa.
"We can't tell yet hangga't hindi sila ikinakasal ng Empress."
Seryosong sagot naman ni Thomas.
"Thomas, my man. 'Wag ka nan gang kontrabida. Kapag hindi natuloy ang kasal nila ng Empress, we have to kill him kasi nakita na niya ang iba pang nangyayari sa loob."
Bigla naman akong nanigas sa sinabi ni Simon.
"Oh Dela Vega, 'wag kang mag-aalala hindi naman mangyayari iyon kasi alam ko na pakakasalan mo ang Empress namin."
Sabi ni Victor. Napangiti na lang ako at tumango-tango.
"Anyways, let's go back. Pagpahingahin muna natin itong si Dele Vega. Baka tayo pa ang malagot kapag umatras ito dahil sa ating tatlo. At kailangan ko pang baguhin ang location natin."
Tatawang sabi ni Simon. Sumakay na kami ulit sa sasakyan at nagbiyahe pabalik sa main house. Wala pa man din isang araw wala si Sophia, ganito na ang sitwasyon dito.
Pagdating namin, nakaabang doon sila Timothy.
"Yo! Anong ginawa niyo dito.?"
Seryoso ang mga mukha nila.
"We need you sa Royal Academy."
Kumunot ang noo ko.
"Bakit?"
Tanong ko.
"We received a death threat for Sophia."
![](https://img.wattpad.com/cover/19281496-288-k689637.jpg)