(Sophia)
Andito ako ngayon sa Royal Academy. May importante daw na sasabihin sa akin ang mga Royalties. Naiwan ko tuloy si Justine sa kamay ng tatlong nakakatakot na lalaki.
Hindi muna ako agad dumiretso sa meeting, gusto ko munang puntahan si Nics. Baka magtampo na ang isang iyon sa akin at multuhin pa ako.
"Nics, how are you? Alam mo ba na nameet na ni Justine yung tatlo. Natakot ata si Justine kasi pagkatapos niya silang makausap nanginginig siya. Kaya pwede ba akong humingi ng favor sayo? Bantayan mo naman si Justine sa mga oras na ito baka kasi pagbalik ko sa bahay nilamon na siya ng buhay ng tatlo."
Naaala ko na naman ang itsura niya kanina nung nalaman niyang aalis ako. Parang gusto niyang sumama sa akin. Kaya lang andun na ang Montereal Dominus so naiwan siya.
Naramdaman ko ang pag-ihip ng hangin. Napangiti ako, alam kong natatawa si Nics sa kinukwento ko sa kanya.
"Sophia?"
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Clarissa.
"Hi, Clarissa. Dumaan muna ako dito baka kasi multuhin na ako ng kapatid ko. Mahirap na."
Lumapit siya sa tabi ko.
"Ganun ba? Hayaan mo nang multuhin ka niya. Namimiss ka lang niyan."
Nakangiti niyang sagot.
"Kamusta naman si Justine?"
Tanong niya.
"Hayun, under siya ng tatlo doon. Hindi ko alam kung ano ang pinapagawa sa kanya. Sana lang pag-uwi ko buhay pa siya."
Natawa siya.
"Nagparamdam na naman pala ang Montereal Dominus. Let's just pray Justine can make it alive. Naalala ko sila lagi ang pinoproblema ni Yves noon. They're too aggressive sometimes sa safety niyong dalawa. Kaya nga nakipag-deal si Yves sa kanila na ikaw na lang ang bantayan dahil naiirita siya sa tatlo. So that's why they always monitor your moves noong wala pa si Yves dito sa Academy."
I can sense na nalulungkot si Clarissa. Lalo na't si Nics ang pinag-uusapan namin.
"You really love my brother."
Napangiti si Clarissa.
"I will always love him. He's the only man that owns my heart."
Nakita kong hinaplos niya ang singsing na galing kay Nics.
"Wala ka bang planong magpakasal sa iba? Alam ko kung gaano mo kamahal si Nics pero you also deserve to be happy with your life. I know Nics wanted that too."
Tumingin siya sa akin.
"I told you, he's the only man that owns my heart. Sinubukan kong ibaling sa iba ang pagmamahal ko pero i always ended up thinking about him and only him. And to tell you the truth, masaya ako. Mahirap paniwalaan pero pakiramdam ko wala na akong hahanapin pa. Naniniwala kasi ako na si Yves ang true love ko. And isa pa, you're here. Tuwing nakikita kita para ko na din nakikita si Yves. At kontento na ako sa buhay ko."
Nakatingin lang ako sa kanya. No wonder why my brother fall in love with her. Naramdaman ko na naman ang ihip ng hangin. Parang may bumulong sa akin na yakapin ko siya kaya ginawa ko. Alam kong andito siya.
--
"Ano bang sasabihin niyo sa akin?"
Tanong ko sa kanila. Nandito na kami sa meeting room. Nagulat ako ng biglang sumulpot si Justine, pinapunta daw siya ng tatlo dito.
"Kilala mo ba si Selena Miller?"
Tanong ni Timothy. Kumunot ang noo ko kakaisip kung may kilala ba akong ganun ang pangalan.
"Selena Miller? I don't know her. Sino ba siya?"
Tanong ko sa kanila.
"Siya ang famous reporter in terms sa mundo natin. She has her own show, The Life of an Elite.""
Sagot ni Daniel.
"And?"
Nagkatinginan sila. Magsasalita pa sana si Julia ng biglang may kumatok. Tumingin ako sa kanila.
"May darating ba?"
Tanong ko. Nakita ko ang pag-ismid ni Alexa.
"May darating kasing demonyita."
Sabi niya na nagpagulo sa isip ko. Ano bang sinasabi ng babaeng ito e siya lang naman ang demonyita sa amin lahat.
Tumingin ako kay Sebastian. Sinenyasan ko siyang buksan ang pinto. Pagkabukas ng pintuan ay pumasok ang isang babae.
Nakatingin lang siya sa amin. Tumikhim si Justine.
"Qui es-tu?" (Who are you)
Tanong ko. Nabaling ang tingin niya sa akin. Tinitigan ko siya sa mga mata niya. Pero hindi nagtagal bigla siyang nag-iwas ng tingin at napayuko.
"Empress she is Selena Miller."
Sabi ni Julia. Nakita ko na naman ang pag-ismid ni Alexa. Gusto kong malaman kung bakit naiinis si Alexa sa babaeng ito.
"Prendre un siège." (Take a seat)
Sabi ko kay Selena. Umupo naman siya.
'Hmm. Naintindihan niya ako..'
"My answer is no Ms. Selena Miller. Royal Academy is not for entertainment."
Matigas kong sagot. Ayokong magtagal siya dito, lalo na't hindi siya ko alam na may papasok na iba dito.
"But Empress, this will benefit you many ways. You'll have good publicity. They'll know more about facts about Royal Academy and you. "
Napangisi ako sa sinabi niya.
"Do you think we need good publicity? Baka naman ikaw ang interesadong malaman kung anong meron dito? Afterall, the most powerful people in the world are here. And i think the one who needs publicity is you. "
Nakita kong nanigas siya sa sinabi ko.
"Sophia, i think you're being too harsh on her."
Sabi ni Justine. Tumingin si Selena sa kanya, that look on her eyes. I hate it. Matalim akong tumingin kay Justine. Biglang kumulo ang dugo ko.
"Am i now?"
Hindi makatingin ng diretso sa akin si Justine. Ibinalik ko ang tingin sa iba.
"My answer is no. And i hope Ms. Miller, naintindihan mo."
Tumingin ako sa kanya.
"Yes, Empress."
Alam kong hindi niya gusto ang naging sagot ko. Did she expect me to just let her enter Royal Academy and do her thing? Pinoprotektahan ko ang mga bagay na hindi na dapat makalabas mula sa gate ng Royal Academy. Tahimik na kami dito, ayoko na ng gulo.
"Sebastian.."
Nag-bow lang si Sebastian sa akin. At lumapit kay Selena.
"Miss Selena?"
Dahan-dahan itong tumayo at naglakad palabas ng meeting room. Pero bago ito makalabas may sinabi muna ako. A woman like her won't back down easily.
"Don't try what you had in mind, Miss Miller. Or you'll have a show that you won't forget."