(Justine)
"Saan nga ba iyon? Sa kanan o sa kaliwa?"
Napakamot na lang ako ng ulo. Kanina pa kasi ako paikot-ikot sa bahay ni Sophia, hindi ko alam kung saan ang way papunta sa dining room.
Sakto may nakasalubong akong isang maid. Kaya lang mukhang foreigner ng maid na ito at hindi lang iyon parang model pa. Kung hindi lang dahil sa uniform nito hindi ko malalaman na maid siya.
Nag-bow ito sa akin.
"Bonjour, Jeune Maître." (Good Morning, Young Master.)
Kumunot ang noo ko ng mag-salita siya ng French. Ano daw ang sinabi niya?
"Hello. What's your name?"
Sabay ngiti. Nakita ko naman nag-blush siya.
So malakas pa din pala ang appeal ko sa mga babae.
"Sandra, YoungMaster.."
Nahihiyang sagot nito.
"Ahm.. Sandra? Can you please show me the way to the dining room?"
Ngumiti si Sandra.
"Of course, Young Master. Please follow me."
Nag-simula na siyang maglakad at sumunod naman ako.
Bakit naman kasi ang laki-laki ng bahay na to. Tapos wala man lang akong mapa.
Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"We're here."
Tumingin ako sa likuran niya at nakitang nandito na nga kami sa dining area.
"Thank you for your help, Sandra."
And then i winked at her. Muli na naman siyang namula.
"It's my pleasure. If you need anything just tell me, Young Master."
Nag-bow ulit ito at umalis. Sinundan ko pa siya ng tingin.
Naramdaman kong may nakamasid sa akin. Tumigin ako sa loob ng dining area at nakaupo na doon si Sophia at diretsong nakatingin sa akin.
Actually, she's glaring at my direction.
Lumapit ako sa kanya.
"Good Morning, my angel!"
Hahalik dapat ako sa pisngi niya pero umiwas siya.
"Angel? As of the moment I'm a devil."
Kinuha niyang table napkin sa lamesa at inilagay iyon sa lap niya. Nagsimula na siyang kumain.
"What's the matter? Wala ka sa mood?"
Bahagya siyang tumingin sa akin ay ipinagpatuloy ang pagkain.
"Sit down and eat. May pupuntahan pa tayo."
Pagkatapos nun hindi na siya umimik. Ano na naman kaya Ng problema niya?
No choice umupo ako at kumain. Maya-maya lang sumulpot na si Sebastian.
Tumayo na si Sophia.
"Sebastian, hintayin mong matapos si Mr. Dela Vega saka kayo sumunod sa akin. May kakausapin lang ako."
Pagkatapos nun umalis na siya. Nakanganga lang ako. Bad trip talaga siya?
Tumingin sa akin si Sebastian sabay iling.
"What happened?"
Tanong niya sa akin. Nagkibit balikat lang ako.
"I don't know. Nagpahatid lang ako kay Sandra dahil naligaw ako pagdating ko dito badmood na siya. Hindi tuloy ako nakakuha ng good morning kiss."