Chapter 8

13.8K 435 59
                                    

(Justine)

Hindi umiimik si Sophia simula ng umalis kami sa meeting. Hanggang samakasakay kami sa helicopter at ngayon sa kotse papunta sa Montereal Palace. I can sense na may problema siya at alam ko ako na naman ang dahilan.

"Look, Sophia. Alam kong hindi mo nagustuhan ang pagtatanggol ko kay Selena--"

Hindi pa ako tapos magsalita ng sumingit siya.

"Its Miss Selena or Miss Miller. Hindi kayo close para mag-first name basis."

Malamig na sabi niya sa akin.

"Okay. Alam kong hindi mo nagustuhan ang pagtatanggol ko kay Miss Miller kanina. Pero sana naman sinabihan mo siya sa maayos na paraan. Para tuloy siyang napahiya kanina."

Nakita kong naikuyom niya ang kamao niya. Galit ba siya?

"She's staring at you!"

Sigaw niya. Nagulat ako sa sinabi at pagsigaw niya. Kaya nasigawan ko din siya.

"But that's not a reason for you to be harsh to her!"

Natigilan si Sophia.

"Stop the car!"

Malamig sa sabi niya pero nakatingin pa din sa akin. Ihininto nga ni Sebastian ang kotse. Dali-daling bumaba si Sophia pero sinundan ko siya.

"Sophia, sandali!"

Ang bilis niyang maglakad kahit na naka-heels pa ito.

"Ne pas oser vous suivez-moi!" (Don't you dare follow me!")

Sigaw niya pero syempre hindi ko naman siya maintindihan. Kaya sunod lang ako ng sunod. Napatingin ako sa paligid namin, sa dinami-dami naman ng hihintuan namin malayo pa kami sa entrance ng palasyo!

"Fine! Hindi na ako lalapit sa kahit na sinong babae pwera sayo! I won't even stare or talk to them!"

Nagsisigawan kaming dalawa sa gitna ng gabi. At hindi ko alam kung saang lupalop na kami ng parte ng Montereal Palace andun.

"Pero hindi ko naman siguro kasalanan na magandang lalaki ako!"

Bigla siyang napahinto at marahas na lumingon sa akin. Namumula siya sa galit but still ang ganda pa rin niya.

"Ang kapal ng mukha mo! Pinagmalaki mo pa! At pwede ba ang sabi ko wag mo akong sundan!"

Kumunot naman ang noo ko.

"At kalian mo iyon sinabi?!"

Kumunot din ang noo niya.

"Kanina!"

Sabay talikod at naglakad na naman siya ng mabilis.

"Yun pala ang ibig sabihin nun! Ang hirap naman intindihan ng french parang siya! Kainis!"

Tumingin ulit ako sa pinuntahan ni Sophia pero hindi ko na nakita kahit ang anino niya.

"Mahirap na nga intindihan, bigla-bigla pang nawawala!"

Biglang may umakbay sa akin. Ilang beses akong nag-chant sa isip ko na sana hindi ang tatlong iyon!

"Ganyan talaga ang mga babae mahirap intindihin. Pero sa kaso mo, Dela Vega dapat kaya mo silang intindihin. Babae ang paborito mong laruan di ba?"

Dumoble naman ang brasong umakbay sa akin.

"Pero alam naman namin na iba ang Empress sa mga laruan mo noon."

An Angel Turned Into Devil 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon