Chapter 13

3.8K 107 8
                                        

(SOPHIA)

"I have a death threat? That's fascinating."

Napangiti ako habang binabasa ang death threat sa akin. After few years, ngayon lang ulit may naglakas loob na pagbantaan ako.

"Don't you think na bumalik na lang muna tayo sa Montereal Palace?"

Tanong ni Sebastian.

"No. Besides no one knows kung saan lupalop na naman ako ng mundo nandoon. However, paanong nakarating sa media ito? At sinong ang papayag na ilabas ito ng media?"

Tumingin ako kay Sebastian para sa sagot na hinahanap ko.

"Empress, sinimulan ni Selena Miller ang pagka-interes sa Royal Academy. Siguro naging interesado na rin ang media kung anong meron sa loob ng matataas na bakod ng Academy. At isa pa, Sophia Montereal received a death threat, don't you think hindi ito pagpipiyestahan ng media?"

May punto si Sebastian.

"I don't think I know anyone from the Media and Entertainment companies."

Nag-isip ako ng mga pangalan na maaring makatulong sa akin pero parang wala akong kakilala sa kanila dahil sa ayoko nga sa mga taga-media.

"You do."

Sagot ni Sebastian. Kumunot ang noo ko.

"Chairman Eve De Ville."

Nanlaki ang mga mata ko.

"De Ville family owned the World's Top Media and Entertainment company. And the new Chairman which is Eve ay ang kalaban mo dati sa chess World Championship na natalo mo. Kaya hindi ka niya kinakausap."

Napakamot ako sa ulo ko.

"I need to talk to her. Can you set us an appointment as soon as possible?"

Yumuko si Sebastian.

"Yes Empress."

Lalabas na sana si Sebastian sa maliit na dining room ng bumalik ito sa harapan ko.

"About the Hope Diamond. It will arrive in a month, do you think makakabalik na tayo nun sa Montereal Palace?"

Kumunot ang noo ko at nag-isip.

"I guess so. Basta walang problemang mangyayari within a month makakabalik na tayo."

Tumango lang si Sebastian at umalis na. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Jacob Lee. Ilang ring pa lang ay agad itong sumagot.

"Hey yo! Sophia my loves! Namiss mo ba ako?"

"Hindi."

Narinig ko naman na parang umiiyak ito.

"Jacob, do you know Eve De Ville?"

Nakarinig pa akong ingay sa kabilang linya na para bang may hinahanap siya.

"Ah, yes the new Chairman of De Ville Group. Na natalo mo sa Chess World Championship."

Bakit ang big deal naman kung natalo ko siya. Malaki bang kasalanan ang nagawa ko?

"May alam ka bang vital information na kailangan kong malaman tungkol sa kanya?"

Tanong ko.

"You're lucky I know her father. Nakakasama ko siya sa ilang party na pinupuntahan ko at nasabi niya sa akin na may problema ang anak niya sa asawa niya na sikat na actor which goes by the name of Kaede Perez."

Asawa?

"What is it?"

I really to know this if ever na hindi siya pumayag na makipagkita sa akin.

"Nawawala ito. Alam mo na shotgun marriage, that guy is hiding from her. And hindi niya alam kung saan hahanapin ito."

Now, I must find this guy. Kailan ba ako hindi magiging busy? Kailangan ko din humanap ng bagong jewelry designer in a month.

"Alright. Thank you, bye."

At pinatay ko na ang tawag.

Kaede Perez, an actor. No, I've heard it somewhere but not in media. Biglang nag-vibrate ang cellphone ko, may text galing kay Jacob.

Hindi pa ako tapos, pinatayan mo pa talaga ako ng tawag. Si Kaede Perez ang tagapagmana sa Perez Airways. That's all. XOXO

Anong XOXO? Anyway, I guess mas magiging madali sa akin hanapin ang asawa ni Eve. Tumawag ako sa alam kong makakatulong sa akin.

"Thomas, do you know the location of Kaede Perez?"

Tahimik ang kabilang linya pero alam kong ginagawa nito ang tinatanong ko. Ilang sandali pa ay nagsalita na ito.

"I found him. I'll send you the location, Empress."

Bigla namang sumulpot si Sebastian.

"Ayaw makipag-usap ni Eve De Ville."

Napangisi ako.

"I know. Pero makikipag-usap siya sa akin sa ayaw at sa gusto niya. Tell her, na alam ko kung nasaan ang hinahanap niya."

An Angel Turned Into Devil 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon