Chapter 15

4K 104 24
                                        

(Justine)

Kanina pa masama ang tingin sa akin nila Julia. Paano ba naman kasi nandito na ang crew ng show at si Selena mismo. Pero hindi naman namin ipinadala ang napirmahan kong sulat kasi nga for sure mag-wawala si Sophia kapag nalaman niya ang kapalpakan ko.

"Selena, we want to apologize but we cannot grant your request to film here. "

Bigla namang nagbago ang mukha ni Selena. Kung kanina abot langit ang ngiti niya ngayon parang papatay na. 

"What?! You signed those papers and sent it to us! Tapos sasabihin mong hindi niyo kami pinapayagan? Are you kidding me?"

Napatingin ako kay Julia. Wala itong emosyon. 

"We didn't sent any letters."

Biglang natigilan si Selena sa sinabi ni Julia. 

"Then who sent this to us?"

Sabay labas ni Selena ng isang sulat at saka inabot sa akin. Binasa ko ang nilalaman at pati ang ang pirma ko ay nandoon.

"Let me see."

Sabi ni Clarissa. 

"It has the seal of Royal Academy."

Napasapo ako sa ulo ko.

"How can that be kung andito sa atin ang pirmadong papel?"

Biglang natahimik ang lahat at nakatingin sa akin. Saka ko lang na-realize kung ano ang sinabi ko.

"So you did signed the request."

Lagot ako.

(Third Person)

Nakatayo si Sophia sa harap ng isang napakalaking portrait ng isang babae. 

"She's scary."

Sabi ni Sophia kay Sebastian na tahimik lang nakatayo sa isang sulok.

"And so are you, Montereal."

Hindi mapigilang mapangiti ni Sophia sa boses na nagsalita. Humarap siya sa taong nagsalita. Mula sa napaka-engrandeng hagdanan ay bumaba ang reyna ng entertainment industry. Ang nag-iisang Eve Deville. Nakasuot lang ito ng asul na pantalon at puting t-shirt. Wala itong suot na sapin sa paa.

"You're a lot scarier in person."

Tinaasan lang ng kilay ni Eve si Sophia sa sinabi nito. Umupo na ito sa sofa at tumingin kay Sophia.

"What can i do for you, Empress?"

Sumenyas si Sophia kay Sebastian. Tumango lang ito at lumapit kay Eve at inilapag ang tablet nito at umalis.

"Ah Selena Miller. What do you want from her?"

Nag-kibit balikat si Sophia at saka umupo sa tapat ni Eve at saka tumingin ng diretso sa mga mata nito.

"Get rid of her? What can you do to help me?"

Seryoso ang pagkakatanong ni Sophia. Saglit na natahimik ang dalawa.

"I have every means to help you. But what do i get from this?"

Seryoso din ang pagkakasagot ni Eve. 

"I know where he is."

Nakita ni Sophia ang pag-kislap ng mga mata nito. She's really in love with her husband.

"Believe it or not she hates people like us. That's why she likes exposing some secrets we have. It can destroy us in some way especially our credibility or image. Ginagamit niya sarili niya to get critical informations  then passed it  to the enemies."

Tahimik na nakikinig si Sophia kay Eve.

"How about family?"

Saglit na nag-isip si Eve.

"Family? No infos about her father but her mother is Charlotte Miller,  Miss Universe 1983. After her reign, bigla na lang siyang nawala. Many believed na naging kabit siya ng isang makapangyarihang negosyante kaya hindi maipaalam sa publiko ang katauhan ng tatay niya. Probably the reason she's targeting powerful families and now the Royal Academy where all the heirs and heiress are."

Napahilot sa sentido si Sophia sa mga narinig niya.

"Alright. That's all for now medyo sumasakit na ang ulo ko. I'll call you I have other questions."

Inabot ni Sophia ang isang kapirasong papel.

"Here's my payment. Sinong mag-aakala na mababaliw ka ng ganyan sa isang lalaki?"

Inabot ni Sophia ang tablet at may ipinakitang mga litrato kay Eve. Eve touched the ring on her finger and took a deep breath. Tumingin ito sa litratong nasa isang sulok.

"Pareho lang tayo, Montereal. Maybe we are in a different situation pero aminin mo mahirap para sa atin ang ganito."

Hindi kumibo si Sophia sa sinabi ni Eve.

"We are more powerful than the men we love.  It's not in their nature to bow down to a woman because their ego can't take it. Pero tayong mga babae gagawin ang lahat para sa kanila, para lang manatili sila sa tabi natin."

Nakaramdam ng awa si Sophia kay Eve.

"You didn't tell him."

Apat na salita pero may malalim na kahulugan.  Isang malungkot na ngiti ang ibinigay ni Eve kay Sophia.

"Will that change everything?"

Tanong ni Eve.

"Maybe. Hindi mo malalaman kung hindi mo gagawin."

Tumayo na si Sophia.

"Anyway, aalis na ako. May hinahabol akong oras. Mag-kita na lang tayo ulit."

Papalabas na si Sophia ng mag-salita ulit si Eve.

"Mag-iingat ka kay Selena Miller. Baliw ang babaeng iyon, she's targeting people like you."

Humarap si Sophia kay Eve at nagbigay ng nakakakilabot na ngiti.

"I will just kill her, then?"





An Angel Turned Into Devil 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon