(SOPHIA)
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
Tanong ni Justine.
"Well... Justine I have something to tell you."
Tumingin naman ito sa akin at maya-maya pa ay huminto na ang sasakyan.
"I'll be leaving for a few months."
Kumunot ang noo nito.
"Why?"
Tanong pa niya.
"Because I have to look for my new jewelry designer."
Pero kita pa rin ang pagtataka sa mukha niya.
"At bakit ikaw ang kailangang gumawa nun? Ang dami mong tauhan to do that."
Umiling ako sa nagging sagot niya.
"I have to do this my own. Isa pa, pagkakataon na rin ito para mas makapag-focus ka sa training mo."
Napasandal naman siya sa upuan ng sasakyan.
"Iiwan mo ako sa tatlong yun! Baka pagbalik mo patay na ako!"
Inirapan ko siya.
"Don't overreact! Those three aren't that bad at isa pa Jacob will be there to help you."
Nang banggitin ko ang pangalan ni Jacob, para siyang bulkan na sasabog.
"What?! Are you out of your mind? Talagang sa mortal ko pang kaaway mo ako iiwanan. Those three plus Jacob, talaga yatang hindi mo na ako aabutan ng buhay."
Napabuntong hininga ako.
"Justine, you have to understand. Mas mayaman, mas maraming responsibilidad. I want to be with you pero I have responsibility sa ibang tao. Maybe chance na rin natin ito to really know kung kaya natin ang ganitong sitwasyon. Besides, Jacob promised me na hindi ka niya pababayaan. He cannot defy a promise he made to me."
Saglit na tumahimik si Justine at alam kong pinag-iisipan niya ang mga sinabi ko.
"Alright. Kailan ba ang alis mo?"
Tumingin ako kay Sebastian na nag-aantay na sa labas ng sasakyan.
"Ngayon na."
Nanlaki naman ang mga mata niya at saka napahilamos sa mukha niya.
"Kaya ganyan ang suot mo. Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo minsan. "
Ngumiti lang ako at niyakap siya.
"I know and I'm sorry about that. Just don't give up. I'll be back as soon as I can."
Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
"I won't give up easily. I have to please the Empress, right?"
Maya-maya pa binuksan n ani Sebastian ang pinto ng kotse.
"Empress, kailangan na natin umalis bago pa dumilim."
Tumango ako at bumaba na ng kotse. To match naman ang outfit ko dapat magpalit din ako ng sasakyan.
"Sophia, mag-iingat ka."
Bigla naman sumulpot si Jacob. Saglit akong tumingi kay Justine, nakasimangot na naman ito.
Lumapit ako kay Jacob at may sinabi.
"Selena Miller, beware of that woman."
Tumango siya.
"I don't have to remind you kung ano gagawin mo habang wala ako di ba?"
Ngumiti ito at tumango-tango.
"Yeah I know."
I gave Jacob a hug at halik sa pisngi. Narinig ko naman ang sigaw ni Justine.
"Sophia! Bakit siya may halik at yakap! Ako yakap lang!"
Hindi na ako lumingon at kumaway na lang.
"Pervert ka kasi!"
Sumakay na ako ng jeep at si Sebastian ng driver. Now, we looked like a normal person.
"Empress, handa na po ba kayo makasagap ng alikabok at usok?"
Natawa ako sa sinabi ni Sebastian.
"I'm not your Empress now. My identity from now on will be Ysabelle."
(Justine)
Ako? Pervert?! Hindi kaya! Ang gentleman ko nga sa kanya. Hindi ko siya basta-basta inaakbayan o kaya hindi ko naman madalas hawakan yung kamay niya.
Pinapanuod ko lang na umalis si Sophia sakay sa jeep. Hindi ko rin talaga maintindihan ang babaeng ito minsan.
Naramdaman kong may umakbay sa akin.
"Tsk. Justine, isa lang ang ibig sa sabihin nun. Mas gwapo ako kaysa sayo."
Nakakainis talaga itong Jacob Lee na 'to. Inalis ko ang akbay niya sa akin at saka sumakay sa sasakyan. Hindi ko alam kung bakit kami nakasasakyan, parang ang layo-layo ng pinuntahan naming. Andito pa rin naman kami sa loob ng Montereal Palace.
Maya-maya pa nakarating na kami sa main house. At syempre nakaabang na ang tatlo doon.
"Alright Dela Vega! Let's get this party started!"
Excited na sabi ni Victor. At si Simon naman ay confetti poppers.
"Handa ka na ba?"
Sabi ni Thomas at inilabas ang sniper rifle.
==
Please read FATE, my new wattpad story.
Thanks
![](https://img.wattpad.com/cover/19281496-288-k689637.jpg)