Chapter 1: "Mag-sama na tayo.."

42.8K 913 55
                                        

(SOPHIA)

First of all, wala akong time magkaroon ng introductions. Dahil busy ako in this very moment. I have a meeting on-going and I expect na matapos ito ng maayos at walang—-

"Good morning, my Angel!"

—-Istorbo. Kasasabi ko pa lang, pasaway talaga! Alam kong napalingon lahat ng ka-meeting ko sa pintuan. Here comes prince charming...

"Did i interuppt something?"

Tumingin ako sa kanya. At tinaasan ko ng kilay. Kung hindi ko lang talaga mahal a ng lalaking ito, baka naipatapon ko na siya sa Mt.Everest.

"Let's take a break first. Then after 10 minutes we will resume."

They all stand up and face me.

"Yes, my empress."

Then they all bowed and leave the room silently. Naramdaman kong niyakap niya ako.

"I miss you.."

Then he kissed my forehead. Tumayo ako at humarap sa kanya. Akala niya makakalusot siya sa kalokohan niya.

"Ouch! Bakit mo naman ako pinitik sa noo?"

Naningkit naman ang mata ko.

"Tinatanong mo pa? Pasaway ka talaga Justine Dela Vega! You know i'm having a meeting."

At tignan mo ang loko, nakanguso pa. Parang bata talaga. Pero ang cute niya! Syempre hindi ko ipahahalata. Lalaki na naman ang ulo nito.

"Kasi naman hindi mo sinasagot ang tawag ko. Hindi ka rin nagrereply, kahit sa mga tweets at pm ko. Nag-aalala lang naman ako, baka kasi itakas ka ni Jacob Lee."

Napasapo na lang ako sa noo ko.  Heto na naman tayo.

"Justine, i'm sorry. Kung hindi ako nakakareply sayo. After this meeting, we could go wherever you want. And si Jake ay nasa France na  at may inaasikaso doon."

Bigla naman niya akong niyakap at nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko.

"Wag mo ng tapusin ang meeting mo. Umalis na tayo, mamasyal naman tayo."

Hay. Para akong may alagang bata. Pero teka nga, speaking of meeting.

"May meeting ka ngayon di ba?"

Tanong ko. Bigla naman siyang nanigas. Oh. Pasaway talaga.

Lumayo siya sa akin at hindi makatingin ng diretso.

"Justine.."

I give him my warning tone. I saw him gulp.

"Ahm. Tapusin mo na pala ang meeting mo!"

At kumaripas ng takbo. Napailing na lang ako, babalik na dapat ako sa pwesto ng may humitak sa akin at may naramdaman akong dumampi sa labi ko.

"Muntik ko ng makalimutan. Bye, my angel!"

Hindi agad ako nakareact. Nanigas lang ako sa pwesto ko. Napahawak ako sa labi ko, pasaway talaga.

"Ibang klase talaga.."

So tutal hindi na naman ako busy dahil naistorbo ako ni Justine. Magkukwento muna ako sa mga nangyari.

After ng proposal ni Justine sa akin, they decided na mag-prepare na sa kasal. And hindi man lang ako nakapag-protesta. Kalaban ko kaya silang lahat! Si Clarissa, Ate Nat, Alexa at  Julia ang punong abala.

Si Daniel naman itinuon ang atensyon kay Daniella at sa negosyo nila.

Si Alexa nabalik na sa tamang niyang pamilya at syempre masaya na silang dalawa ni Acel ngayon.

An Angel Turned Into Devil 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon