Hinawakan ko ang dibdib ko't pinakiramdamaan ang pintig ng puso ko. Ang bilis bilis ng tibok. "Shit, Misty! Interview lang 'yan." I chanted to myself.
Today is my interview with Mr. Gonzales. Prett awkward because we have the same surname.
"Okay na ba? Maganda na ba ako?" Tanong ko sa mama ko habang nakatingin sa salamin. Nakita kong tumango siya sa pamamagitan rin ng salamin.
"Oo naman. Maganda ka naman lagi eh." Ngumiti sa akin ni mama at niyakap siya.
"Alis na po ako, Ma!" Pagpapaalam ko at bumitaw sa yakap. "Ingat ka at sana naman matanggap ka sa trabaho." Dagdag ni mama.
Umalis ako ng bahay na may ngiti sa mukha. Kailangan ko magkatrabaho para makaraos sa buhay. Mahirap lang kami at kami na lang ni mama ang magkasama. Bata pa lang ako iniwan na kami ni Papa. Kaya eto, sariling kayo sa buhay.
Nakatapos naman ako ng kursong information technology at ngayon.. Nagbabakasakaling makapasa ako sa interview.
"Uy, bespreng! Pasakay naman. Dun lang sa Premestrice Corporation!" aniya ko nang makita ko ang bespren kong si Erwin.
Nginitian niya ako at isinakay sa tricycle niya. "Naks bigtime! Anong meron?" Sinimulan niya ng padyakin ang tricycle at pinaandar.
"Interview eh. Kailangan ko ng matinong trabaho. Tag-hirap hahahaha pati kailangan ko ng magbayad ng utang." sabi ko.
"Eh ganyan talaga buhay." Yun lang nasabi niya kaya tumahimik na ako.
Kaya nga ako'y nagpapasalamat at nakaraos ako sa kurso ko kahit sobrang hikahos kami sa buhay. Umiling iling ako sa isip isip kong magtrabaho sa bar. Yung tita ko kasi doon ako pinagt-trabaho pero ayoko. Hindi ako ganoong babae.
Nakarating naman ako agad sa lugar na 'yon ng payapa. Bumaba ako ng tricycle at lumapit kay Erwin. Kiniss-an ko siya sa pisngi. "Yan na bayad ko hahaha." Tumakbo ako papunta sa loob at nilingon siya.
"Hahaha sige na nga." Natatawang sabi nito.
Mahigit isang taon na rin akong nililigawan ni Erwin pero hindi ko sinasagot. Para sa'n pa? Hikahos rin sila sa hirap pa'no niya ako bubuhayin kung sakali man.
"I'm here for an interview with the CEO." I said while smiling.
"Oh.. Ms. Gonzales right?" tanong niya.
"Yep. Misty Gonzales." Binuo ko na para hindi hassle sa pagtatanong.
"Right. Just wait for a couple of minutes. Mr. Private is still on a meeting." The assistant said to me.
Tumango na lang ako at umupo sa malambot na upuan na nandoroon. Kinuha ko ang pocket book ko at pinagpatuloy ang pagbabasa.
BINABASA MO ANG
He's Private [KN] [Completed]
Romance"I'm a very private person. You don't ask, I don't tell."