Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko nang sabihin niya ang mga salitang 'yon.
Sobrang layo ng distansya ko sa kotse. Talagang isiniksik ko na ang sarili ko sa dulo ng shotgun seat dahil ilang na ilang ako kay Private.
Nakarating kami agad sa reception since malapit lang naman. Nandoon na rin ang iba pang bisita ng kinasal.
Paalis na sana ako sa presensya ni Private nang hawakan niya ang kamay ko. "Where are you going?" He asked me.
Tiningnan ko muna ang kamay namin tapos tiningnan ko siya. "CR lang hehe." Pagdadahilan ko.
Totoo naman eh. Doon ako pupunta.
Tumango tango lang siya't binitawan rin ang kamay ko. "Okay. I'll just sit there." Tinuro niya ang isang vacant sit doon. I nodded at him tapos iniwan siya doon.
Papasok na sana ako ng CR nang makita ko nanaman yung babae.. Umiiyak siyang umalis ng reception.
Napatigil ako saglit kasi may nahulog siyang panyo. Kinsley ang nakalagay na pangalan don. Binaligtad ko pa at may nakasulat pa nga. Kinkin love Janjan.
Hala. Pa'no ko babalik sa kaniya ang pan'yong 'to? 'Di naman kami close. Napakamot ako ng ulo tapos pumunta na ng CR. Itinago ko na lang sa bag ko ang panyo.
Baka sakaling magkita pa kami in the future edi maibibigay ko.
Nagretouch retouch ako ng kaunt sa mukha ko para laging fresh. Binasa ko na rin ang kamay ko dahil sobrang lamig.
"Ano bang nangyayari sa'yo, Misty? Don't tell me naiinlove ka na rin sa Private na 'yan?" Aniya ko sa saking sarili habang nakatingin sa salamin.
Lumabas ako ng CR at nakita si Jander na may kasamang babae. Kalalabas lang nila ng isang authorized room.
Nagulat siya nang makita ko at iniwan ang babae. "Hi Miss! It's nice to see you again!" sabi nito sa akin. Inirapan ko na lang siya tapos nilampasan.
Siya yata yung janjan na tinutukoy nung Kinsley..
Umupo ako sa tabi ni Private. May kasama kami sa table. Hindi ko kilala ang mga ito. "Oh Mr. Ledesma this is my new assistant. Misty Gonzales." Pagpapakilala sa akin ni Private sa Mr. Ledesma kuno niya.
Nginitian ko na lang siya at nakipag-kamay. Sakto non ay dumating na ang kinasal. Masayang masaya sila na pumunta sa entablado.
BINABASA MO ANG
He's Private [KN] [Completed]
Romance"I'm a very private person. You don't ask, I don't tell."