HP25 - Tara vs Misty

13.8K 434 42
                                    

After 4 days of modelling, nailabas ko ng hospital si Mama at nabibili ko na ang gamot na kailangan niya.



Ngayon on the way ako sa office ni Theo para tingnan ang mga litrato na kinuhanan sa akin sa page-endorse ng kaniyang pabango.



Pagkalapit ko sa kaniya ay binigay niya sa akin ang folder at binuksan ko ang mga iyon. Tiningnan ko isa isa ang litrato ko at magaganda siya.



"Can I take this home?" Pakita ko sa isang litrato na candid. Tumango siya at natuwa naman ako.



Kinuha ko na 'yon at binalik ang folder sa kaniya. "I need to go na. May shoot pa kami nila Madam Pres. Bye Theo!" Paalam ko kay Theo and then nagpatuloy na lang siya sa trabaho.



Busy si Theo ngayon linggong 'to kasi nga na-adjust ang schedule at napaaga dahil sa akin hahaha. Okay lang naman daw sa kaniya 'yon.



Sumakay ako sa van na maghahatid sa akin sa set. Natulog lang ako sa biyahe papunta doon dahil kulang na ako sa tulog.


Ginising ako ng isa naming kasama nang makarating na kami sa set. Pumasok na lang ako sa loob ng dressing room.



"Para sa'n po ba 'tong next shoot?" Sa loob ng apat na araw nakakapag-shoot na ako ng maraming magazines.



Si Theo kasi ang nagp-promote sa mga magazines at kinukuha naman ako. Well wala naman ako magawa kasi eto na eh.



"FHM daw 'te, Misty." sabi sa akin ni Stacy. Ang make-up artist ko at mas bata pa sa akin.



"Wow? FHM? Whoah.." Napaisip ako. Bigatin 'to ah. Kakayanin ko ba 'to? Teka sexy ba ako? Bigla tuloy akong na-concious sa sarili ko.



"Keri 'yan 'te! Ganda at sexy mo kaya!" sabi pa ni Melissa na hair stylist ko naman.



Tahimik kaming tatlo na nag-aayos nang bigla kaming nakarinig ng nagtatalak sa labas. "Sino ba 'yun? Ingay niya ah." sabi ko.



Pinatigil ko muna sila sa pag-aayos sa akin at lumabas ako ng dressing room. Nakita ko doon ang galit na galit na si Tara.



Omg this is the moment! Lumapit ako kay Madam Pres na kausap si Tara.



"Anong hindi na ako ang model?! Bakit sino na ba ha?! Ako ang pinakamagandang model ng Pilipinas now you're telling me na pinalitan ako?!" Singhal ni Tara kay Madam Pres.

He's Private [KN] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon