Pagkatapos ng madibdib-an naming pag-uusap ni mommy ay pumayag rin siya. But that's my REAL name for Christ Sake! 'Wag mag iinarte ang babaeng 'yon kapag pinalitan ang pangalan niya ha!
I stormed out my room at pumunta sa veranda ng second floor. Kitang kita ang fountain mula dito at ang gate namin na pagkalaki laki. Inilabas ko ang telepono kong nabili sa sweldo ko. Samsung lang naman 'to at for sure makakawifi ako.
Sakto hinahanap ako ni daddy dahil kakain na raw pero tinanong ko muna kung anong wifi password. "Fb agad? Hahaha." sabi nito at ibinigay sa akin ang telepono ko. "Baba ka na rin ah? Kakain na." Tumango na lang ako at umalis na siya.
Sinearch ko yung issue about Chelsea and Private, 'di ko pa nababasa ang article na 'yon eh.
"Private Gonzales and Chelsea breakup?" yun ang title niya't salamat naman nabasa ko.
"The hottest businessman was rumored depressed because of his girlfriend, Chelsea Ayala. Some says they broke up and some says they just had a fight."
Nakita ko pa ang attached picture nila together. Halatang paparazzi lang ang kumuha nito. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa at sure akong hindi ako ang babaeng 'yon.
Natapos ko ang pagbabasa ko ng may magtext sa akin.
Madam Pres;
It's been 1 week, Misty!! Where are you??? No sign of you everywhere! Theo's looking for you too. Lahat ng projects mo naghihintay sa'yo. Ang dami mong upcoming photoshoots!
'Yun ang laman ng message niya. Inikot ko ang mata ko't pinatay ang telepono ko. Wala pa ako sa mood magtrabaho.
Bumaba na rin ako at nakita ko sila doon na kumakain. Umupo ako sa kalapit ni mama na tahimik kumakain. Katapat ko ang mahaderang step sister ko at hindi ko pinapansin.
Mga 1 week ang nakalilipas simula nung tumira kami dito sa magarang bahay namin. Ganun pa rin naman, nagbabait baitan ako sa harap ng kapatid ko pero sa kaloob loob-an ko galit ako.
'Di pa rin ako nagpapakita kila Theo at Madam Pres dahil nahihiya pa ako at fresh pa sa isipan ko ang ginawa sa aking katarantaduhan ni Theo.
"Fine! Okay fine! When's the next shoot? At anong theme?" I asked Madam Pres nang tumawag na siya.
BINABASA MO ANG
He's Private [KN] [Completed]
Storie d'amore"I'm a very private person. You don't ask, I don't tell."