HP23 - Sorry?

13.8K 440 32
                                    

"Nope." 


"We're already full."


"We don't need a technician."


"You're not qualified."



'Yan ang naririnig ko mula sa mga pinag-a-apply-an ko sa iba't ibang kumpanya rito. Isang linggo na rin akong naghahanap ng bagong trabaho  pero wala akong makita.


Isang linggo na rin ang nakalilipas simula nang umalis ako ng Premestrice. Unang trabaho ko, unang experience ko ng pagmamalupit.


Nakakainis talaga 'tong mayayaman na 'to. Porket mayaman sila grabe na sila mang-maliit ng mga mahihirap. Tao rin kami.


Napa-iling iling na lang ako sa naiisip ko at sumipsip ng softdrinks na nabili ko sa tindahan na malapit sa amin. Dala-dala ko ang iba ko pang papeles na dadalhin ko para makapag-apply ng trabaho.


Naglakad na lang ako sa bago kong a-apply-an na trabaho. Hindi na ako nagt-tricycle o kung ano pa man, sayang rin ang pera. Kaya ko pa naman maglakad. At isa pa, walang binigay na pera sa akin si Tara. Ano pa nga bang inaasahan n'yo?


Alam niya bang bagay sa kaniya ang pangalan niya? Tara? TARAntado siya?


Pumasok ako sa isang tea shop na ang name ay "BesTEA". Bumungad sa akin ang babaeng nakauniporme at nginitian ako. "Yes ma'am?" sabi nito sa akin.


Ngumiti ako pabalik bago sumagot. "Uhm, naghahanap po ba kayo ng bagong trabahador? Kahit anong posisyon. Gusto ko mag-apply." Lumingon sa akin ang kasama niya at tinaasan ako ng kilay.


Taray naman nito. Parang si Jollibee na sa kapal ng make up. Trabaho ba pinunta ng isang 'to o isang bar? Hays bakit ko ba naiisip 'to?


"Wala. Hindi kami naghahanap." sagot nito sa akin at itinuon pa ang dalawang kamay sa counter. Umatras na lang ako't nagpaalam na. Edi 'wag, keri lang.


Nagsimula nanaman akong maglakad at napunta ako sa isang simbahan. Pumunta ako sa loob panandalian at nagdasal.


"Bakit po ba nangyayari sa amin 'to? Naghihirap kami masyado. Ang hirap kalabanin ng mga mayayaman. Maduduga silang lahat. Dinadaan sa pera ang usapan kaya lagi silang panalo. Big'yan n'yo na lang po ako ng disenteng trabaho. Please.." Marami pa akong idinaing sa Panginoon.


Pagkatapos ko ay tumayo na rin ako palabas ng simbahan. Nakakita ako ng mga batang pulubi sa tabi-tabi. Kinuha ko ang bente pesos ko sa aking bulsa at iniabot sa kanila. Nilisan ko na rin agad ang lugar pagkabigay ng kaunting tulong.


Dinala ako ng aking mga paa sa isang mall malapit sa tea shop na nakita ko. I think I should refresh myself a little bit. 


Naglibot-libot lang ako sa loob ng mall at hanggang tingin na lamang ako. Gusto kong kumain sa isang mamahalin restaurant na nakikita ko sa loob pero tiniis ko na lamang 'yon.

He's Private [KN] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon