HP22 - Leaving him

13.4K 457 41
                                    

Iniwan ako ni Tara sa CR na umiiyak. Iniisip ko si Private. Tama si Tara.. Mukhang pinaghirapan ni Private ang trabaho at pangalan niya sa publiko tapos masisira lang dahil sa isang issue.



Handa sana akong sumugal kung hindi kami pareho ng apelyido ni Private. Mas nakakahiya kaya 'yon.




Kinalma ko na muna ang sarili ko at tiningnan ang sarili sa salamin. Nagsimula ng pumasok ang ibang babae sa CR kaya dali-dali akong nag-ayos.



'Di ko alam kung pupunta pa akong office ni Private o hindi eh. Nasa lobby ako at nag-iisip. Bahala na nga!


Pinindot ko ang elevator at huminga ng malalim. 'Di kawalan ang trabahong 'to okay? Tutal wala lang naman sa akin yung pagpasok ko rito eh. 2 weeks pa lang ako dito sa Premistrice yet ang dami ng nangyari. Umiling iling ako. Grabe.



Nakapasok ako sa elevator at kinakabahan na umakyat sa floor ng office ni Private. Kinapa ko ang dibdib ko para pakiramdaman ang tibok nito. Hoo ang bilis bilis niya.



Nagbukas na ang elevator at napalunok ako ng laway. Parang ayaw ko na pumasok.. For sure nandoon si Tara. Yung babaeng 'yon pa!



The plan is ibalik ang coat then alis na kahit wala ng sweldo. Jusko hindi naman ako ganoon nahirapan eh. Parang 'di ako gumastos nung nagtrabaho ako dito eh. Pero kung gumastos man ay kaunti lang 'yon.



Huminga ako ng malalim at dahan dahan na naglakad. Nalaglag ang panga ko ng makita ko ang nanay ni Private doon at si Tara. Nandon rin si Private at hawak hawak ang noo. Halatang iritado ang pagmumukha.



Pumasok ako ng matapang at tumigil sila sa kakasigaw kay Private. Tiningnan nila akong tatlo.


"Ang kapal naman ng pagmumukha mo para pumunta pa rito!" Susugurin na sana niya ako ng hawakan siya ni Private sa magkabila nitong kamay.



"Mom.."



"Ano nanaman Private?! Pagta-tanggol mo nanaman ba ang mahirap na babaeng 'yan?! Pera lang ang habol sa'yo n'yan!"



"Mom stop it." Tahimik na sabi ni Private sa nanay niya.



"No I won't stop hanggang 'di mo napapalayas ang babaeng 'yan dito! Why did you hire an assistant like her?! Tapos ka-apeliyido pa natin?! Ang tanong, kalahi ba natin 'yan? Looks like no." dagdag pa nito habang tinitingnan ako.


Umiling iling pa siya at umupo rin sa tabi ni Private. Napatungo ako sa sobrang kahihiyan na ginagawa niya.

He's Private [KN] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon