Nagising ako sa isang malinis na kwarto. Maganda at puro puti ang paligid. Umupo ako ng maayos at tiningnan mabuti ang paligid.
Wala akong katabi at may kumot ako na nakabalot sa akin. Tinanggal ko agad ang kumot at tiningnan kung may saplot pa ako. Nakahinga ako ng maayos nang malaman kong iyon pa rin ang suot ko.
May biglang kumatok sa pinto at pinagbuksan ko naman ng dahan-dahan. Isang maid ang bumungad sa akin. May dala-dala siyang mga damit.
"Suotin n'yo daw po sabi ni Sir Private." Binigay niya sa akin ang damit na haawk hawak niya kanina.
"Wait.. Nasa'n ako?"
"Na kila Sir Jail po." Tumango tango na lang ako pagkasabi niya non. Ano bang nangyari kagabi? Sinapo ang noo ko't pilit inaalala pero lasing na lasing ako kagabi.
Grabe 'tong si Private!
Isinara ko ang pintuan at tiningnan ang damit. Damit pang opisina ito. Wala na akong nagawa kundi pumasok sa CR at maligo. Ibinihis ko ang damit na binigay sa akin ni Private.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa malaking hagdanan pababa. Mabuti na lang nakita ko agad si Private na nakaupo sa living room. Pinaupo niya ako sa katabi niya't may binulong. "Eat your breakfast first." He said.
Pinapunta niya sa ko sa kitchen at pinakain ng pagkain doon. Whoo sarap talaga ng mga pagkaing mayayaman. Pagkainom ko ng tubig ay pumunta na rin ulit ako sa tabi ni Private.
Kausap ni Private si Jail. "That's good hahaha, that's good man!" Utas ni Private habang tumatawa.
Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya at napatigil sila sa pagtatawanan. "Yes. Soon enough I'm planning to merge our company with you.." Sabi ni Private kay Jail. Ano bang pinag-uusapan ng mga 'to?
"Oh, Mr. Private, this is my fiance, Jaile Devera." Hinigit bigla ni Jail ang kaniyang fiance. Maganda ito at mestisa. Pinaupo ni Jail ang fiance niya sa tabi niya. Ay ang cute. Nagbulungan pa silang dalawa kaya kinilig ako.
"Hello, Ms. Devera, I'm Private Gonzales and this is my assistant, Misty Gonzales." sabi ni Private at tumango lang ako kay Ms. Devera.
"Nice to meet you Mr. Private, and Ms. Misty." She said with formality. Taray.
"Jander 'wag kang maarte!!!!" Sigaw ni Kinsley at napalingon kaming lahat sa kanila. Higit higit niya ang kwelyo ni Jander at may pinasusubo yatang pagkain.
"Is that Miss Kinsley Pojadas?" Private asked Jail pero si Jaile ang sumagot.
"Yes, She's my brother's girlfriend hehehe."
"Ohhh, her father is one of my business partner." He stated but I don't care hahahaha ang sama ko naman hays. Kaliit ng mundo.
BINABASA MO ANG
He's Private [KN] [Completed]
Romance"I'm a very private person. You don't ask, I don't tell."