HP20 - Proposal

15.8K 428 38
                                    

Nagising ako bigla sa malagim kong panaginip. Hapong hapo ako at napatingin ako kay Private.


Normal lang naman siyang nagd-drive doon at ganun pa rin naman ang daan. Gabi na at nasa biyahe pa kami.



"Are you okay?" Tanong ni Private sa akin. Tiningnan ko naman siya at mukhang worried siya sa akin.



"Stop the car." I said to him. Palingon lingon lang siya sa akin at hindi pa rin itinitigil ang kotse.



"I SAID STOP THE CAR!" Biglang nag-brake si Private at tsaka ako lumabas ng kotse.



Sininghap ko ang malamig na hangin mula sa labas. Rinig lumabas rin si Private mula sa kotse at lumapit sa akin.



Sisinghalan sana ako ni Private ng mapatigil siya. Tiningnan ko lang ang sudden reaction. Ewan ko ba, hindi ko ma-explain. Feeling ko naiiyak siya eh.


Agad agad siyang pumasok ng kotse at ganun na rin ako. "Sorry sorry If I'm over reacting." Sabi ko agad pagkapasok ko.



Nagsimula nang paandarin ni Private ang kotse at hindi na nagsalita. Gising ako buong biyahe.



Mga 2 na yata ako nakauwi sa amin. Hinatid pa ako ni Private. "Thank you." Sabi ko bago bumaba ng kotse niya.



Pero hinigit niya ang kamay ko para pigilan ako. Nilingon ko siya at hinintay na magsalita. "I love you." He said but I just smiled.



Binitawan niya ang kamay ko tapos ako naman inintay pang mawala ng parang bula ang kotse ni Private. Nang mawala na yon ay kumatok ako sa bahay namin.



Bumungad ang antok na antok na mukha ni Mama at agad kong niyakap siya. "Kamusta po ma?" Tanong ko sa kaniya habang yakap yakap ko siya.



Pumasok kami sa loob at bumitaw ako sa yakap. Ni-lock ko ang pinto tapos hinarap si mama. "Ma.. Sorry po kung 'di po ako nakauwi kahapon.. Trabaho lang po." Agad kong bumungad sa kaniya.



Nakatingin lang naman sa akin si mama at nagshrug. Ubo ng ubo si mama at hinimas ko naman ang likod. "Ma, ayos lang po ba kayo?" Tanong ko kay mama.



"Oo naman anak. Sige na anak. Pahinga ka na. Ako'y matutulog na rin." Kiniss ko siya sa cheeks niya bago pumasok ng kwarto si mama.


Ako naman kumain na muna ng pagkaing nasa lamesa. Nagutom ako sa biyahe ah.


He's Private [KN] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon