HP28 - Chelsea Ayala

13.8K 444 118
                                    

Hindi na dinala sa hospital ang lalaki which is ang natatandaan kong daddy ko. All I know ang mag-asawang lumapit sa akin ay ang parents ko..



Hade Ayala and Ivy Marie Ayala. Ayan ang alam kong pangalan nila. Nasa loob sila ngayon ng sasakyan nila at ako naman nasa labas hinihintay na magising ang lalaki.



Lumapit sa akin ang babae at umiiyak 'to. "Ch-Chelsea.." itinaas pa nito ang kamay niya para hawakan ang pisngi ko.



Hinayaan ko lang na gawin niya 'yon. "Are you... Ivy Marie?" Lakas na loob kong tanong sa kaniya.



Tumango siya at lalong naiyak. Siya nga.. Niyakap niya ako at napayakap na ako pabalik sa kaniya. "You're really my Chelsea." hikbi nito.



Nag-alok ako na umuwi na muna sa bahay para dalhin ang gamot kay mama at gusto ko na rin malaman ang nangyari sa buhay ko. Bakit ko sila nakalimutan at sino si mama talaga?



Nagising na rin ang daddy ko sa kalagitnaan ng daan papunta sa amin. "Finally. My daughter." Dahil kalapit ko siya ayun, nayakap niya ako patagilid.



Hinidi na lang ako umimik at hinayaan siyang gawin 'yon. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa bahay at pinatuloy sila doon.



Pina-inom ko na muna ng gamot si mama para maging maayos ang pakiramdam niya.



"Hi goodevening. You're must be Pamela Gonzales right?" my mom said to her.



"Ako nga, teka sino kayo?" tanong ni mama.



Nasa tabi ako ni mama at nasa kabilang side naman ang real parents ko. Jusko ang hassle naman nito.



"Real parents of Misty. Diba nakuha mo lang siya?" diretsang sabi ni daddy.



Tumingin sa akin si mama at parang nabasa ko ang nasa isip niya. "Ako nga.." nalungkot si mama. Iniisip niya bang iiwan ko siya kapag kinuha ako? No. Isasama ko siya.



"Pa'no mo nakuha si Chelsea?" si mommy naman ang nagtanong this time.




"Nung time na nasa Laguna pa ako at papauwi na sana kami ng asawa ko dito sa Quezon nang makita ko siyang sugatan sa kalye. Mayaman pa kami dati kaya napaayos ko ang mukha niya. Wala siyang ibang matandaan kundi ang past niya pero hindi niya alam ang pangalan so pinangalanan ko siyang Misty at sa apelyido ang pinagamit ko." kwento ni mama.

He's Private [KN] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon