"Mom! Are you even serious?!" Napatayo ako nang masabi niya 'yon.
Gulat na gulat ako na si Theo pala ang boyfriend ko dati. 'Di pa ako fully na nakakaalala pero sana naman 'wag siya 'yun.
"See it for yourself." May kinuha siya sa pitaka niya't kinuha ang litratong gusot at nakatiklop.
Kinuha ko 'yon mula sa kaniya at tiningnan. Tumulo ang isa kong luha ng makita kong si Theo nga ang kalapit ko. Tiningnan ko ang sarili ko nung dati pa lang ako.. 'Di kagaya ng mukha na meron ako.
"Pero pa'no n'yo nalaman na ako si Chelsea? I mean, 'Di ko na kamukha ang isang Chelsea dati." Lumapit sa akin si mommy at hinawakan ang dalawa kong kamay.
Tinuro niya ang isang parte sa kaliwang braso ko.. Ang birth mark ko. "Model ka diba? I've seen you on magazines and nakita ko 'yan. As a mother, alam ko agad na ikaw 'yan." sabi nito sa akin.
May napapala rin pala minsan ang pagiging model ko eh. Pero hindi ko matanggap na si Theo ang dati kong kasintahan. Pero dati lang naman 'yun diba? Napakawalanghiya. Alam kaya niya na ako si Chelsea?
"I think we should go. Uhm Misty.. I'm planning to take you and your mom sa bahay natin. Atleast maganda ang buhay n'yo dun." sabi ni daddy.
Tiningnan ko si mama at nakita kong tumango siya. Lumingon muli ako sa kila daddy at nag-oo.
"Great. We'll pick up tomorrow okay?" Hinalikan niya ako sa noo ko at si mommy naman niyakap ako.
Hinatid ko sila sa may pinutan ang may naalala ako. "Mom, may kilala ka bang Private? Private Gonzales?" I asked her and napatigil siya.
"Yes.. But you're not the Chelsea na ex niya. Step sister mo 'yon." Wait parang ang gulo yata. May kapatid ko? As far as I know solo nila ako.
"Nag-ampon kami ng isang ka-edad mo at pinangalanan kong Chelsea because we missed you. I'll explain tomorrow, pahinga ka na." sabi nito sa akin at pumasok sa kotse.
Umalis na sila sa lugar namin ako naman tulalang pumasok sa bahay namin. Dalawa kaming Chelsea. Who's her?
Kinabukasan
Nasundo agad kami ni mommy at daddy ng maaga. Nakapag-impake na kami ng kakaunti naming mga gamit.
BINABASA MO ANG
He's Private [KN] [Completed]
Romance"I'm a very private person. You don't ask, I don't tell."