What if hindi yun ang ending? :)
-
Masaya ako na tanggap ako ni Private kahit may anak ako kay Theo.
It was just a normal day for us. Private is my boyfriend na tapos tinutulungan na niya ako mag-alaga kay Travis.
"Baby, Travis is crying again." sigaw ni Private mula sa salas.
Nagluluto kasi ako ng pagkain namin ngayong tanghalian. Nasa bahay namin kami dahil hindi pa kami kasal.
"Hele-hele mo muna. 'Di pa kasi ako tapos magluto eh." Sigaw ko pabalik.
Sinulyapan ko sila panandalian at hirap na hirap si Private sa paghele. Ako naman natawa lang nang makita 'yon.
Nagpatuloy ako sa pagluluto at tumahan si Travis. Pagkaluto ko ay kumain kami ng masayang masaya ni Private.
Natutuwa ako dahil happy ending rin naman pala kami sa huli. Kabadong kabado pa naman ako na baka hindi niya na ako mahalin pagkatapos ng mga nangyari.
"Ay oo nga pala, Pinababalik nila ako sa pagmo-modeling." Balita ko kay Private.
Tumigil siya sa pagkain at tinitigan ako. "Stop it. I can't stand watching other people to see your body again. Not this time, Chelsea." seryosong sermon ni Private.
He's so possessive. Kinwento pa nga niya sa akin kung paano siya nagselos noon kay Theo at nasa loob daw ang kulo niya ng malamang model ako at nagmodel pa daw ako sa FHM. Jusko.
Tapos meron pa daw siyang kopya ng cover ko noon at tinitingnan niya yung mga litrato kong halos nude na ang dating. Galit na galit siya habang kinukwento 'yon. Jusko magmahal itong si Private.
"Oo na po, tatay." Sabi ko at natawa. Totoo naman eh, boyfriend pa ba yung ganyan? Eh parang pang tatay na yung paga-advice niya eh.
"Wala ka bang trabaho today?"
"I have but I want to see you first before I go to work." Binitawan niya ang kutsara't tinidor niya at hinila ako patayo.
Hinawi niya muna ang buhok ko bago ako halikan. Hingal na hingal kaming dalawa pagkatapos namin gawin 'yon.
BINABASA MO ANG
He's Private [KN] [Completed]
Romance"I'm a very private person. You don't ask, I don't tell."