Prologue
"Thank you A'TIN!"
"Kain na kayo ng dinner pagkatapos ha?"
"Ingat kayo!"
"Okay, A'TIN, sabay-sabay!"
"Palagi mang ma-hopia 'di ka nagsasawa
S-l-m-t nakuha mo ba ikaw 'yung a
Palagi mang ma-hopia 'di ka nagsasawa
S-l-m-t nang sobra mahalima mahal ka ng lima!"Umangat ang kaliwang kilay ko nang tumingin na naman siya sa gawi namin. Kanina pa siya lumilingon dito. May jowa ba siya dito sa audience kaya lingon siya nang lingon?
Pasimple akong tumingin sa mga katabi ko, teens. Imposible naman na jowain niya yung mga batang 'to. Anong tinitingin-tingin niya dito?
Patapos na ang concert, lagpas isang oras din silang nag peperform pero ilang oras naman ako naghintay. Buti na lang VIP seat ako kaya hindi ako nahirapang makita sila sa malapit.
Okay naman, totoo nga yung sabi-sabi na magaling sila mag perform. Malakas ang appeal at charisma nila sa tao, they know how to project, they know their expressions and how to hype up the people around the whole venue. Sanay na sanay na sila.
Hindi nga lang ako gaya ng ibang manonood na todo sigaw, palakpak, at talon. I'm just sitting here, watching quietly with a serious face as if I'm watching a documentary movie.
Hindi naman kasi ako pumunta dito para mag enjoy, I came here to spot their mistakes and shortcomings which is almost impossible to see. Ang hirap naman nilang hanapan ng sabit.
"OMG, tumingin ulit si Josh!" Kinikilig na sabi ng nasa likuran ko, nang marinig 'yon ng mga malapit sa kanila ay kinilig na rin sila.
Huminga na lang ako ng malalim at nanatiling nakatingin sa harapan, pinapanood ang last part ng concert. It's true that Josh has been looking at this side since earlier. Really, for what?
There are confetti flying everywhere, nakisayaw na rin sa stage ang mga backup dancers nila habang tinatapos ang kanta. Pagkatapos ng huling kanta, nag bow na silang lahat at nagpaalam. The concert finally ended.
Bagsak ang mga balikat ko habang naglalakad sa labas ng venue. Tangina kasi, wala man lang akong nakitang pwedeng i-report sa boss ko. Nakakainis, ang hirap pa namang maghanap ng trabaho na may maayos na sweldo at patakaran.
I sighed heavily then stopped walking for a while. Paulit-ulit muna akong huminga nang malalim para ilabas ang frustrations ko. Nakakainis talaga. Ang sarap mabuhay pero nakakainis yung way ng pamumuhay ko.
It's already past eight, hindi pa ako nag hahapunan. Wala na ngang information na nakuha, wala pang kain. Tangina talaga.
Ibinukas ko ulit ang mga mata ko, iilan na lang ang mga tao dito, nagsiuwian na siguro dahil gabi na. Naglakad na lang din ako palabas ng venue para maghanap ng masasakyan pauwi. Hashtag, pagod– hashtag, walang info– hashtag, gutom.
Palabas na ako sa mismong exit ng venue nang may paparating na kotse mula sa likuran ko kaya gumilid ako sa daan. And far from what I expected, the car stopped beside me. Nakababa rin ang bintana no'n at nakadantay ang braso ng driver doon.
"Miss,"
Kumunot ang noo ko sa boses na narinig ko. Nang lingunin ko siya, tama nga ang hinala ko.
Anong ginawa nito dito? Akala ko may after party pa sila pagkatapos ng concert.
"Pwede ka bang makausap saglit?"
Inayos ko ang bag ko at seryoso siyang tiningnan. "Para saan?" Nakakapagtaka naman 'tong lalaking 'to, hindi naman kami friends para mag usap. Tsaka ano namang pag uusapan namin?
Madilim sa parteng 'to pero kita ko pa rin na may kinukuha siyang bagay mula sa shotgun seat.
"Are you twenty-five years old and above?" Bigla niyang tanong habang kinakalutkot ang mga gamit niya.
Mas lalong kumunot ang noo ko. Anong klaseng tanong 'yan? Tsaka anong pakialam niya? "Ano bang kailangan mo?"
Inabutan niya ako ng isang papel. Tiningnan ko muna siya bago iyon kinuha.
"Ano 'to?" Tanong ko.
"NDA." Sagot niya. Ngumuso rin siya habang nakatingin sa papel, sinasabing basahin ko kung ano man ang meron do'n.
Kunot noo kong binasa ang NDA na sinasabi niya na hindi ko rin alam ang ibig sabihin. May mga salita na nakalagay dito na naiintindihan ko naman pero hindi ko pa rin maintindihan kung para saan.
"Para saan 'to?" Tanong ko nang lingunin ko ulit siya.
Inayos niya ang cap na suot niya tsaka siya tumingin sa paligid bago ibalik sa akin ang atensyon.
He tilted his head a bit. "One-time sexual agreement." Maangas niyang sagot na parang sanay na siya. Diretso rin ang tingin niya sa akin, he didn't even stutter.
I raised an eyebrow. Did Josh just ask me to have a one night stand with him? A famous man like him?
Gago ba 'to? Akala ko taken na silang lahat in secret!
____________________Kinakabahan na naman ako dito hahahaha. Sana magustuhan niyo kahit na walang proper plan sa flow ng story, as always. 😅
- Nath(Nahhhlia)
BINABASA MO ANG
His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]
FanfictionHe roams his eyes around the crowd, trying to spot someone he can give the agreement to fulfill the warmth of his wild and naughty side without anyone knowing. Will Trish, an article editor, take advantage? WARNING! This story contains mature scenes...