CHAPTER 26: Team Up

1.1K 35 154
                                    

⚠️: uyy, na-miss nila. HAHA!

Chapter 26: Team Up

Pina-check muna sa 'kin ni Josh yung kahon na ipinadala sa 'kin para malaman ko kung anong itsura no'n at bakit ako nasabugan ng kung ano sa muka. May spring pala iyon sa ilalim kaya nang buksan ko ang kahon ay sumabog sa muka ko yung laman na balahibo.

After making sure that everything's good, we immediately left. Sa kalagitnaan ng biyahe ay bumabagsak na ang ulo ko dahil sa antok. Sa tingin ko ay pasado alas diyes na kaya antok na antok na 'ko.

I sighed heavily before closing my eyes. Ilang minuto lang ang lumipas nang hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako na nakahinto na ang kotse, nakaparada na rin, nandito na pala agad kami.

Naghikab ako at pumikit ulit, ngayon ko lang na-realize na ibinaba pala ni Josh ang sandalan ng upuan ko kaya medyo maayos ang tulog ko.

"Tara na, para makatulog ka na nang maayos." Ani Josh na nakapag pamulat sa 'kin.

Kinuha na niya ang mga gamit ko mula sa backseat bago siya bumaba ng kotse. Binuksan ko na rin ang pinto sa tabi ko at bago pa man ako makababa ay nilahad na muna niya ang kamay niya para alalayan ako. I held onto his hand before stepping out.

Pumaikot ang braso niya sa bewang ko at humilig naman ako sa balikat niya. Mahigpit ang hawak niya sa bewang ko, halatang inaalalayan ako dahil napupunta ang bigat ko sa kaniya dahil antok na antok na talaga ako.

Pagkarating namin sa unit niya ay dumiretso agad ako sa kwarto niya at nahiga sa kama. Binuksan naman niya ang aircon at ipinatong ang mga gamit ko sa sahig.

"Patayin mo na yung ilaw." Utos ko. Hindi kasi ako makapag concentrate matulog pag may ilaw o kaya maliwanag.

He took off his shirt leaving only his boxer shorts before turning off the light and joining me here. I left a space for him where he lay down.

I sighed heavily as I closed my eyes. He pulled me closer to him, placing my head on top of his arm and pulling my body closer to him. Nakadikit ang noo at ilong ko sa dibdib niya at nakapatong ang braso ko sa bewang niya. Hindi ko na pinansin ang pwesto namin dahil sa antok.

"Bukas, kakausapin natin yung lawyer ko. Okay lang ba sa'yo?" Bulong niya.

"Hmm, bukas na tayo mag usap tungkol diyan. Antok na 'ko." Kunot noo kong sagot.

"Okay, goodnight." He said while caressing my hair. I felt his lips on my forehead for a second before hugging me again.

Bahagya akong napangiti dahil doon. Idinikit ko na lang ang labi ko sa dibdib niya bilang sagot sa paghalik niya sa noo ko. Unti-unti na rin akong kinain ng antok hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Nang magising ako kinabukasan ay nakadantay ang braso at binti ko kay Josh habang nakataas naman ang braso niya. He's still asleep, even a bit snoring. Umunan ako sa dibdib niya at muling ipinikit ang mga mata ngunit gumalaw naman siya at mukang nagising. I confirmed he was awake when he began caressing my back.

"Nagugutom ka na ba?" Paos niyang tanong.

I nodded.

"Anong gusto mo?"

"Kikiam..." Bulong ko.

"Kikiam?" Medyo nagtataka niyang tanong. "Wala akong stock na kikiam. Hotdog, tocino, longganisa lang ata."

"Longganisa na lang."

He yawned. "Hmm, sige. Magluluto na 'ko."

Imbis na bumangon ay humarap siya sa 'kin at niyakap din ako pabalik. Pumagitna ang binti ko sa pagitan ng mga binti niya at idinikit ang muka ko sa dibdib niya.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon