CHAPTER 22: Deceived

1K 41 144
                                    

Chapter 22: Deceived

"Hindi mo ginawa 'yon."

He took steps towards me to hold my arms. "Hindi mo ginawa 'yon, 'di ba? Hindi mo itinuloy. Tell me." He insisted.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko tsaka ako yumuko at dahan dahang umiling. Hindi ako nagsalita, ngunit alam kong sapat na ang itsura ko ngayon para ihain sa kaniya ang sagot ko.

It's my first time seeing him cry, hearing him sob makes my heart break into pieces. And the worst part is I'm the one who caused his pain.

I'm such a bad mother, a bad person. I really don't deserve him.

"Tricia naman," he stomped his feet in frustration. "Why?" He gripped my arm tight. "Bakit mo... Bakit mo naman ginawa 'yon? Dapat sinabihan mo man lang ako. I deserve to know! I have the rights to know! Trish, anak ko rin 'yon eh! May karapatan din ako! Hindi ka dapat nag desisyon nag isa!"

He let out his frustrations. I can feel his hands trembling as he talked in a raised voice, but not too loud as a shout.

Nanatili ako sa pwesto ko habang mahinang humihikbi. Binitiwan niya kalaunan ang braso ko at hinagis ang papel sa lapag kasabay ng malakas niyang pag padyak. Sinabunutan niya rin ang sarili niya at ramdam kong gusto niyang ilabas ang galit niya pero pinipigilan niya lang.

"Tangina naman, Tricia, anak ko 'yon, anak ko rin 'yon eh..." My heart broke when I heard his light sob. "Bakit nagdesisyon ka na lang bigla para sa kaniya? Hindi mo man lang ipinaalam sa 'kin. Hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon na malaman kong may nabubuhay na pala sa sinapupunan mo." He wiped his tears with his hand. "Hindi mo man lang siya binigyan ng pagkakataong mabuhay. You already took our child's life... Tricia, you're something to me already. But what you did made me wanna hate you."

I just felt my heart got crushed with the last sentence he said. I know that it's my fault, kasalanan ko naman kung bakit galit siya sa 'kin ngayon. At dapat lang na panindigan ko 'to. I caused this problem, and I'll choose to suffer alone.

"I'm sorry..." I finally said after a long silence. "Hindi pa kasi ako handa."

"At sa tingin mo handa rin ako?" Tanong niya pabalik. "Tricia, hindi ako handa sa biglaang responsibilidad pero hindi rin ako duwag para takbuhan ang responsibilidad ko at hindi ka panagutan, kayo ng anak natin. I'm more than willing to father your child since it's mine, I know it's mine. Hindi ako handa pero kaya kong mag adjust para sa inyo. Kaya kong mag sakripisyo para sa inyo."

Umiling ako. "Hindi 'yon ganon kadali,"

"Was aborting our child easier then?" He asked that made me bite my lip.

"Anong nararamdaman mo habang nakikita mong dumadaloy ang dugo ng anak natin sa binti mo? Anong nararamdaman mo habang unti-unti mo siyang pinapatay sa sinapupunan mo? Anong pakiramdam na patayin ang sarili mong anak?" He painfully asked. "Was it fulfilling? Huh? Nabawasan ba no'n ang problema at alalahanin mo sa buhay?" He asked with a hint of anger.

I gritted my teeth, feeling guilty and hurt. Tears continued streaming down my both cheeks. My chest kept beating loud and fast.

"Kung sana sinabi mo sa 'kin yung tungkol do'n edi nakapag isip pa sana tayo ng solusyon 'di ba? We could've faced it together. Hindi mo kailangang solohin ang lahat ng problema mo. But you chose not to, and you even chose the worst thing to do!"

"I don't want the baby!" I suddenly bursted.

Rinig na rinig ang hikbi at mahina kong pag iyak. Pain crossed Josh's eyes for the nth time.

"Bakit? Dahil na naman ba sa agreement natin? Kasi iniisip mo na baka dahil doon kaya lang ako nagpapakita ng motibo sa'yo?" Nasasaktan niyang tanong.

"Hindi ba madaling intindihin yung salitang hindi pa ako handa?" I asked again.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon