CHAPTER 31: Apart

814 34 61
                                    

Chapter 31: Apart

"Tricia," alalang tawag sa 'kin ni Josh.

"Subukan mong lumapit." Banta ng lalaking 'to.

Halata na hindi na alam ni Josh ang gagawin. Pati ako ay wala nang maisip na paraan para idepensa ang sarili ko. I'm so scared right now. Scared for my life, my baby's life, and also Josh's.

"Lara, itigil mo na 'to." Pakiusap ni Josh.

"No, walang titigil." May diin niyang saad. "Kayo ang may gusto nito. I gave you several chances! At dito ka pa rin sa babaeng 'to bumagsak!" Turo niya sa 'kin.

Nilingon ni Lara ang lalaking may hawak sa 'kin ngayon tsaka siya tumango. Kasabay no'n ay ang pilit na paghatak sa 'kin ng lalaki palayo.

"Wag!" I cried as I struggled to get out of his grip.

"Tricia!" Akmang hahabulin na ako ni Josh nang tutukan naman siya ng baril ng lalaki. Hinatak din ni Lara ang braso niya na marahas naman niyang inalis.

"Hayaan mo na siya, Josh."

"Manahimik ka!" Sigaw niya kay Lara.

"Wag mong sinisigawan si Lara!" Nanggagalaiting sigaw ng lalaki.

Josh still tried to take a step towards us one by one but the man kept pointing his gun at him. Natatakot ako dahil baka magkamali ang lalaking 'to sa pagkakahawak niya ng baril at aksidente niyang matamaan si Josh.

"Tulong!" Sigaw ko. "Tulong! Tu– hmppp!" Tinakpan niya ang bibig ko kaya hindi ko na nagawang sumigaw pa ulit. Mas mabilis siyang umatras nang makarating na kami sa hagdan.

Pahirapan kami sa pagbaba dahil sa pagpupumiglas ko. Narinig ko ang mabilis na yabag ng mga paa palapit sa amin. At doon ko nakita si Josh na pababa na sana sa hagdan ngunit nagpaputok ng isang beses ang lalaki. Umalingawngaw ang tunog no'n sa buong lugar at napapikit na lang ako dahil sa lakas no'n. Nang makitang ayos lang si Josh ay nakahinga ako nang maluwag.

He looked so lost and desperate. Hindi niya alam ang gagawin at ganon din ako. Nang magsalubong ang paningin namin ay bahagya akong umiling sa kaniya.

"No," he whispered.

I shook my head once again telling him not to come near us anymore. Maaaring sa pangalawang pagkakataon ay matamaan na siya ng bala o kung ano man. I don't want to lose him...

Nakita ko pa ang pagkuha niya ng cellphone sa bulsa bago siya tuluyang nawala sa paningin ko. Patuloy lang naman akong kinaladkad ng lalaking 'to hanggang sa makarating na kami sa ground floor.

Dito na niya inalis ang pagkakatakip niya sa bibig ko. Sisigaw pa lang sana ako nang mabilis niya akong tutukan ng baril sa noo.

"Subukan mo." Banta niya.

I gulped and closed my trembling lips instead.

"Umayos ka. Punasan mo 'yang luha mo. Wag mong subukang gumawa ng kahit ano, sa'yo ko na ipuputok 'to." Tukoy niya sa baril.

Pinapunta niya ako sa gilid niya at itinago ang baril sa jacket ngunit ramdam ko pa rin na nakatutok iyon sa 'kin.

"Maglakad ka lang nang normal. Wag kang umiyak!"

My whole body almost trembled in fear. Walang pumapasok sa isip ko at tanging takot lang ang nararamdaman ko. Sumunod na lang ako sa kaniya sa takot na baka may gawin siya sa akin at madamay pa ang baby ko.

Nang makalabas na kami sa building ay isinakay na naman niya ako sa kotse niyang walang plaka. Dito ko na sinubukang manlaban para makatakbo sa pamamagitan ng pagsipa sa tiyan niya. Lumabas agad ako sa kotse ngunit bago pa man ako makalayo ay nahatak na niya ang buhok ko.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon