Chapter 28: Short Clip
Nagkagulo na ang lahat pati ang ilan naming kapitbahay ay naki-chismis na rin. Pinagtulungan ng mga lalaki naming kapitbahay na isakay si papa sa isang tricycle para itakbo sa ospital. Sumunod naman agad kaming tatlo nina mama at Patrick.
Hindi ako mapakali habang naghihintay sa labas ng emergency room. Kahit na galit sa 'kin si papa at may sama ako ng loob sa kaniya ay nag aalala pa rin ako. Papa ko pa rin siya...
Hinawakan ako ni mama sa braso kaya napatigil ako sa pabalik-balik kong paglalakad. "Tricia, maupo ka nga muna." She guided me through the waiting chair and sat beside me. "Kumalma ka, magiging ayos lang ang papa mo." Naluluha niyang sabi.
"Sorry, ma..." Iyak ko. "Nagkaroon pa tuloy ng problema." Hindi na lang sana ako umuwi kung alam ko lang na ganito ang mangyayari.
"Shh, wag mong sisihin ang sarili mo. Umuwi ka kaya muna sa bahay, ha? Nagpahinga ka. Baka mapano ka, yung anak mo." Alala niyang sabi.
Umiling naman agad ako. "A-Ayoko,"
"Kumalma ka na, Tricia. Hindi 'yan maganda sa bata." Pagalit niya sa 'kin. "Patrick, bilan mo nga muna ng inumin yung ate mo."
Tumango naman si Patrick at sumunod agad. Binigyan ako ni mama ng panyo at iyon at ipinamunas ko sa luha ko. Hinawakan ni mama ang pisngi ko kung saan dumapo ang palad ni papa kanina tsaka niya iyon sinuri. Inaamin ko na medyo mahapdi pa rin iyon hanggang ngayon.
"Tsk, masakit ba?"
Umiling na lang ako.
"Namumula pa yung pisngi mo. Tumahan ka na." Mahina niyang tinapik ang likod ko.
Pilit kong pinakalma ang sarili ko at habang dumadaan ang oras ay medyo kumakalma naman na ako hanggang sa tuluyan na akong tumahan.
Pagdating ni Patrick ay may dala na siyang malamig na tubig. Uminom ako ng kaunti at pagkatapos ay idinikit naman ni mama ang bote sa pisngi ko para mawala raw ang pamumula.
Medyo matagal rin kaming naghintay sa labas ng emergency room. Kinakabahan ako dahil baka kung ano na ang nangyari kay papa. Napalayo nga ako sa panganib na dala ng mga gagong 'yon, ako naman ngayon ang naging dahilan kung bakit nasa panganib si papa. Tangina. Napakamalas ko.
Sabay-sabay kaming tumayo nina mama nang lumabas na ang mga nurse at doktor sa emergency room. Sinalubong agad namin ang doktor para makibalita.
"Ano pong nangyari sa asawa ko, dok?" Agad na tanong ni mama.
"Na-high blood po si tatay kaya nanikip ang dibdib at nahirapang huminga. I suggest na pagpahingahin ho siya ng maigi at pakainin ho ng gulay at masusustansyang pagkain. I suggest na mag stay rin po muna siya ngayong gabi dito sa ospital para ho ma-monitor siya. Baka rin ho kasi mag trigger ng ibang underlying issues yung nangyari kay tatay, para lang ho makasiguro tayo."
We all nodded.
"Sige po. Salamat po."
Pumasok na kami doon at naabutan namin si papa na naka dextrose at walang malay. Mabuti naman at walang malalang nangyari kay papa.
"Patrick, bumalik ka kaya muna sa bahay? Kuhanin mo yung pitaka ko." Bulong ni mama.
Napakamot sa batok si Patrick. "Pamasahe?"
Dumukot si mama sa bulsa niya at ibinigay ang singkwenta at benteng papel. Oo nga pala, yung bill pa dito sa ospital. Shit. Paano na naman ba 'to?
Nahinto ako sa pag iisip nang hawakan ni mana ang braso ko. "Wag ka nang masyadong mamroblema sa pera. May naitabi pa naman ako sa bahay."
BINABASA MO ANG
His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]
FanfictionHe roams his eyes around the crowd, trying to spot someone he can give the agreement to fulfill the warmth of his wild and naughty side without anyone knowing. Will Trish, an article editor, take advantage? WARNING! This story contains mature scenes...