CHAPTER 20: Unhappy

1K 38 153
                                    

Sabaw pero mahabang chapter haha. Enjoy.

Chapter 20: Unhappy

"Good morning."

"Good morning, ma'am."

She smiled. "Take a seat." She said while pointing at the visitor's chair.

Naupo agad ako doon at naghintay na matapos siya sa pagbabasa sa resume ko. Hapon na at hindi ko alam kung may mahahanap pa ba akong job interview sa oras na 'to. Kaunti lang ang nahanapan ko ng job hiring ngayong araw hindi gaya dati.

"Hmm, miss Patricia Ortiz." Tawag niya sa pangalan ko.

I smiled while nodding.

"I actually know you," she said without taking off her slight smile. "Ikaw yung writer sa isang site 'di ba? Yung nagsulat tungkol sa issue ni SB19 Josh?" She directly asked.

Kumurap ako ng ilang beses at muling ibinalik ang ngiti nang mapagtantong nawala pala iyon kani-kanina lang. Tumango na lang ako.

"Yes, but I resigned."

She nodded too before sighing. "Actually," sa boses pa kang niya ay parang may aasahan na akong hindi ko magugustuhan. "Hindi kami tumatanggap ng writer or editor na nagsusulat ng tungkol sa paninira ng iba. We are fair and square here." She said like she's apologizing already.

I forced a smile before bowing my head. I'll take that as a rejection already. "I understand. Thank you po."

Dahan-dahan akong tumayo para umalis, ayaw ko na rin kasing magsayang ng oras dahil maghahanap pa ako ng ibang job hiring

"But to be honest, your skills are good."

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig iyon. Nanatili akong nakatakikod habang siya naman ay nagsalita muli.

"Pwede naman akong gumawa ng consideration basta hindi ka gagawa ng ganong klase ng article gamit ang pangalan ng site namin."

I sighed before looking down and up again. I looked back at her and met her eyes.

"Pasensya na po pero editor lang po ako sa dati kong trabaho. Kung ano man pong article yung nabasa niyo na nakapangalan sa 'kin, malamang hindi po talaga ako ang nagsulat no'n." I made my smile much wider. "But I'll consider your offer. Thank you, ma'am."

She has this weird smile on her lips that I can't describe. Nanatili iyon hanggang sa tuluyan na akong nakaalis doon. Paglabas ko ay bagsak ang balikat ko. Inaantok at napapagod na ako dahil sa buong araw kong paglakakad pero kailangan kong sulitin ang oras na may job hiring pa sa paligid.

Ayoko namang magtrabaho sa isang environment na maninira ng kapwa ang tingin sa 'kin ng ibang tao. May trabaho nga ako, madadamay naman ang mental health ko. Isa pa, siguradong may ibang trabaho pa naman diyan sa paligid. Tsaka ko na lang babalikan ang kumpanyang 'to pag wala na akong choice.

Pagdating ko sa apartment ay pagod na pagod ako, naka dalawang basong tubig pa ako dahil sa uhaw. Nang buksan ko ang data ng cellphone ko ay chat agad ni Josh ang bumungad sa 'kin. Nay chat siya mula tanghali hanggang kaninang ten minutes ago. Hindi ko na kasi nagawang mag online buong araw dahil busy ako.

Me
Nakauwi na 'ko. Sorry hindi na ako nakapag reply sa mga chat mo kanina, hindi na kasi ako nag online since busy ako maghanap ng trabaho.

Ikaw? Nakauwi ka na ba?

Kumain ka na ba?

After a few minutes, he went online. Nang nabasa na niya ang chat ko ay inbis na mag reply siya ay tumawag na lang siya.

Hindi na ako nagtanong kung nasaan na siya dahil sa condo na ang background niya. Nakabihis siya ng pang alis at mukang kakarating lang din.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon