Chapter 10: Concert
Nagising ako dahil sa pakiramdam ng may pumipisil sa ilong ko. Kumunot ang noo ko kasabay ng pagbukas ng mga mata ko. Muka agad ni Josh ang bumungad sa 'kin.
"Kumain ka na. May trabaho ka pa 'di ba?" Kaswal niyang sabi bago siya tumayo at nagpunas ng pawis.
Oo nga, bakit pawis na pawis 'tong lalaking 'to?
Nag inat muna ako saglit at naghikab bago bumangon. Inayos ko muna ang kama niya bago tuluyang bumangon, nagsuot na rin ako ng short at hinayaan na lang kahit na wala akong bra. Siya lang naman ang kasama ko.
Tuluyan naman na niyang hinubad ang suot niyang sando para mapunasan nang maigi ang pawis sa buong katawan niya.
"Anong ginawa mo? Nag jabol?" Tanong ko.
Mahina siyang natawa. "Hindi ako pagpapawisan ng ganito sa pagjajabol lang." Sagot niya. "Nag workout lang ako saglit. Sabi ko naman sa'yo may concert kami this month 'di ba? Kailangan pumakat yung abs ko." Nagmamayabang niyang sabi habang hinihimas ang tiyan niya.
Ngumiwi na lang ako at hindi nagsalita. Ang aga aga umiiral na agad ang kayabangan niya.
"Punta ka."
"Waka akong pera." Sagot ko.
"Bibigyan nga kita ng ticket."
Naglakad na ako papunta sa pinto. "Bahala ka sa buhay mo." Sabi ko na lang bago dumiretso sa kusina.
Pagkarating ko sa mesa ay nakahanda na agad ang pagkain. This time, tocino naman ang ulam. Nagsimula na akong kumain sa pag aakalang mag wowork out pa siya. Pero 'di kalaunan ay pumunta rin siya dito at naupo sa harapan ko. Ibang sando na ang suot niya.
Dalawang pirasong nilagang itlog lang ang kinakain niya. Siguro part na rin ng diet niya. Pero hindi kaya siya nanghihina sa ginagawa niya? Halos buong araw silang nag papractice at madaling araw na silang natatapos, tapos 'yon lang ang kakainin niya.
"Hindi ka mag kakanin?" Tanong ko.
Umiling siya. "Hindi. Diet."
"Breakfast is the most important meal of the day. Kumain ka." Kaswal kong sabi bago magpatuloy sa pag kain.
"Ayoko, mawawala abs ko diyan eh."
"Anong gusto mo? Mawala 'yang abs mo o ikaw yung mawala pag nagkasakit ka?' seryoso kong tanong.
Hindi na siya nagsalita. Sumandok na lang siya ng kaunting kanin at inilagay sa gilid ng platito. At ang gago, yung nilagang itlog lang talaga ang inulam niya at paminsan-minsan lang siyang nakikisawsaw sa ketchup ko. Tsk, bahala nga siya. Basta wala akong kinalaman diyan pag nagkasakit siya.
Pagkatapos niyang kumain ay nagsalin siya ng four season na juice sa baso at ininom 'yon. Nakakunot ang noo ko habang pinapanood siya. May isang mangkok na rin pala sa gitna ng mesa niya na may lamang mga prutas. Walang ganito dito dati eh.
"Bakit bigla kang nagkaprutas dito?" Tanong ko.
"Bakit? Bawal?" Tanong niya pabalik.
Sinimangutan ko na lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Pumunta siya sa ref at pagbalik niya ay may orange na siyang dala. Ibinigay niya sa 'kin ang isa at ang isa naman ay kinain niya. Malamang part 'to ng diet niya.
"Para healthy lifestyle." Aniya habang binabalatan ang prutas. "Tsaka eto, para sa mga bisita 'to. Para mag may pumunta dito tapos gusto nilang kumain o mag take home ng prutas, dito na lang sila kukuha, hindi na ako kukuha sa ref." Paliwanag niya.
Pagkatapos niyang balatan ang orange niya ay kinuha naman niya ang orange na ibinigay niya sa 'kin at iyon naman ang binalatan. Pagkatapos niya ay kinain na niya ang kaniya at natapos na rin naman ako sa pagkain. In fairness, matamis 'tong nabili niya.
BINABASA MO ANG
His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]
FanficHe roams his eyes around the crowd, trying to spot someone he can give the agreement to fulfill the warmth of his wild and naughty side without anyone knowing. Will Trish, an article editor, take advantage? WARNING! This story contains mature scenes...