⚠️
Chapter 8: Carfun
Akala ko ba busy 'to? Eh bakit tamang malling lang siya?
"Ano ba?!" Pilit kong hinatak ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Nilingon niya ako at tiningnan ko naman siya ng masama. "Bakit ba nangangaladkad ka?!" Inis kong sabi. Pilit kong hinihinaan nag boses ko dahil ayaw kong makakuha ng atensyon mula sa ibang tao. Iniisip ko na lang din ang career niya.
"Mag usap tayo." Walang emosyon niyang sagot bago muling hinawakan ang kamay ko na hinatak ko naman ulit.
"Pwede mo namang sabihin sa 'kin nang maayos, hindi yung bigla mo na lang akong hahatakin kung saan. Sasama naman ako sa'yo eh." Frustrated kong tugon.
He sighed. "Ngayon, nasabi ko na. Tara na." Hinawakan na ulit niya ang kamay ko at naglakad na naman.
"Teka lang!" Pigil ko sa kaniya pero hindi na niya ako pinakinggan. Basta naglakad na lang siya at sumunod na lang ako hanggang sa makarating na kami sa underground parking.
Wala masyadong tao dito kaya nagawa kong magpumilit na umalis sa pagkakahawak niya pero mahigpit ang kapit niya sa 'kin. Hanggang sa makarating na kami sa harap ng kotse niya. Binuksan niya ang pinto ng shotgun seat at doon ako pinaupo bago siya pumasok sa kabila. Inis niyang inalis ang hood at facemask niya.
Irita ko siyang tiningnan, nakasimangot ako at salubong ang kilay, umiigting din ang panga ko dahil sa inis na nararamdaman.
"Ano na naman ba kasing problema mo? Akala ko ba busy ka?" Inis kong tanong.
"Akala ko ba kaibigan mo lang 'yon?" Inis din niyang tanong.
Marahas akong bumuga ng hangin at umiling bago siya muling nilingon. "Tangina, 'yan na naman." Reklamo ko. "Kaibigan ko nga siya. Bakit ba ayaw mong maniwala? Sa tingin mo ba nagsisinungaling ako?"
He scoffed. "Lalaki ako, Tricia. Alam ko ang tingin ng lalaki sa babae kung may kakaiba o wala. At may kakaiba sa tingin nung lalaking sinasabi mo na kaibigan mo lang." He smirked and faked a laugh. "Hah, kaibigan niya muka niya." Mahina niyang sabi na para bang nagpaparinig.
"Ano bang ginawa sa'yo nung tao at galit na galit ka? Hindi ka naman inaano." Irita ko pa ring sabi.
"Wala akong pakialam sa kaniya. Ang gusto ko lang malaman, yung totoo. Magkaibigan lang ba talaga kayo o baka pinopirmahan ka no'n at hinahayaan mo lang?" He scoffed again. "Tangina, ako nga walang ineentertain na ibang babae, tapos ikaw?"
"Ni-hindi ko nga alam kung sino yung mga nakakasalamuha mo sa trabaho mo eh. Pinaghinalaan ba kita? Kung wala kang tiwala sa 'kin, edi wala! Basta alam ko sa sarili ko na nagsasabi ako ng totoo! Magkaibigan lang kami! Pinag usapan na natin 'yan noon pero hindi ka pa rin pala naniwala! Edi wag! Nakakainis ka!" Depensa ko.
Pinagkrus ko ang mga braso ko tsaka ako inis na sumandal habang nakatingin lang sa ibaba. Nakakainis talaga siya. Ang babaw niya mag isip! Hindi man lang niya ako iniintindi! Ipinagpipilitan niya talaga yung kaniya!
"Akala mo naman kung sino." Bulong ko.
Mukang narinig niya 'yon dahil nilingon niya 'ko.
"Sino? Tricia, may agreement tayo. No other boys and no other girls." He firmly said.
"Kaibigan ko nga lang siya! Friend! Ang kulit mo!"
"Pero hindi ganon ang turing niya sa'yo!"
"Eh anong gusto mo? Wala akong kaibiganin? I-unfriend ko siya? Wala akong kausaping ibang lalaki kahit sa trabaho? Kahit na boss ko?" Sunod-sunod kong tanong. "Josh naman, kailangan ko rin ng kaibigan. Kailangan ko ng makakausap, kailangan ko ng mapagtatanungan, kailangan ko ng taong masasabihan tungkol sa araw ko, kailangan ko ng masasabihan pag may problema ako, kailangan ko ng mahihingan ng tulong pag nahihirapan ako, kailangan ko ng kaibigan. Bawal ba 'yon?" May diin at sunod-sunod kong sabi.
BINABASA MO ANG
His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]
FanfictionHe roams his eyes around the crowd, trying to spot someone he can give the agreement to fulfill the warmth of his wild and naughty side without anyone knowing. Will Trish, an article editor, take advantage? WARNING! This story contains mature scenes...