CHAPTER 32: Early

668 46 122
                                    

Chapter 32: Early

Lumabas muna ako sa parlor para bumili ng tinapay sa bakery na sobrang lapit lang dito. Matagal ko na kasing naaamoy ang mga tinapay doon at matagal ko na ring gustong bumili kaya lang wala akong pera. Kaya ngayon ay gagastusin ko na ang isang daan ko. Busy kasi sila Mar kaya hindi na ako nag pasama.

I was smiling while walking. Kakaiba ang saya ko lalo na at makakauwi na rin ako sa wakas. Five months na si baby kaya kailangan ko nang makabalik sa Manila. I need to get checked. Wala kasing mga equipment sa clinic dito para sa ultrasound. Hindi ko pa tuloy alam ang gender ng baby namin ni Josh.

Malapit na ako sa patutunguhan ko nang nakasalubong ko ang dalawang lalaki na mukang magkakilala. Sa tingin ko ay nasa twenties na rin silang tatlo. Hindi ko na sila tiningnan at umiwas na lang ng daan ngunit humarang na naman sila sa daanan ko.

I frowned at them before trying to walk past by them. They are just smirking and chuckling a bit while trying to make fun of me. I gritted my teeth in annoyance and rolled my eyes. Tumalikod na lang ako at akmang babalik na sa parlor nang may makitang lalaki na mukang kilala rin nila.

Paatras pa lang sana ako nang maramdaman ko ang pag bunggo ng likod ko sa isa sa mga lalaki kanina. Pilit ko silang iniwasan pero nagawa na nila akong palibutan.

Nilahad sa 'kin ng isa sa kanila ang palad niya. "Yung pera mo." Iginalaw pa niya ang isa niyang daliri bilang senyas na ibigay ko ang hinihingi niya sa kaniya.

Ano sila? Gold? Mga ulol.

Iniwasan ko na lang siya ng tingin at akmang aalis na sa sitwasyong iyon ngunit pilit pa rin nila akong hinaharangan.

"Ano ba?!" Inis kong sabi.

"Bigay mo na kasi yung pera mo." Pilit ng lalaki.

"Wala akong pera. Tigilan niyo 'ko." Madiin kong saad.

Itinulak ko sila at mabilis na naglakad palayo ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nang mahigpit na hinawakan ng isa sa kanila ang braso ko. Bakit ba ako ang pinagtitripan ng mga gagong 'to?

Nagpumiglas ulit ako ngunit dahil mas malakas sila ay nagawa nilang hawakan ang parehas kong mga kamay at nilagay iyon sa likuran ko. Marahas nila akong hinatak papunta sa kung saan kahit na pilit pa rin akong nagpupumiglas.

"Ano ba?! Tulong– hmpp!"

The other boy covered my mouth to stop me from screaming. Dinala nila ako sa lugar na masukal at marsming puno. Sa llikod ng malaking puno ay doon ako kinapkapan ng lalaking kanina pa salita nang salita.

I was near to crying because of the growing fear inside me but then I tried kicking my legs and it hit the boy's leg causing him to lose his balance. Nang tingnan niya 'ko ay matalim na ang tingin niya at halatang galit.

Mabilis siyang tumayo at lumapit agad sa 'kin. Sinakal niya ang leeg ko dahilan para mahirapan akong huminga. Maya-maya pa ay kinapa na naman niya ang bulsa ko at pilit na kinukuha ang pera na nakalagay doon. Nagmamakaawa na ako sa isip ko kahit na hindi ko magawang magsalita dahil sa kamay na nakatakip sa bibig ko.

Nang makuha na niya ang limang libo sa bulsa ko ay pare-pareho silang ngumisi at tumawa habang ako naman ay nagwawala na dahil hindi iyon pwedeng manakaw sa 'kin. That's my only hope of going back to Manila!

Nilagay na niya sa bulsa niya ang pera ko ngunit hindi pa sila doon natapos. Kinilabutan ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko na dahan-dahang humahaplos pataas. Pilit kong iniiwas ang katawan ko ngunit wala akong magawa dahil hawak nila ako.

Tinanguan niya ang mga kasama niya. "Sige na, pre."

"Hmmpp!"

My eyes widened in shock and disgust when I felt the boy's palm behind me touching my chest. Dahil sa pag papanic ay pilit kong ibinuka ang bibig ko at kinagat ang kamay ng lalaki dahilan ng pag sigaw niya dahil sa sakit.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon