CHAPTER 34: Find

896 40 87
                                    

Chapter 34: Find

I was lost for a moment while looking at the tarpaulin. I mean, it's been a while since I saw them. They all look so good. And the improvements are seen. From the design of the tarp, to their physical appearances. They all improved a lot for the past four years.

But above anything else, there's just one guy who captured my eyes. And it was no other than the reason why Moon has these beautiful expressive eyes, Josh.

Josh... He looks so good. I mean, gwapo na siya noon. Pero mas gumuwapo siya ngayon. Hindi halata sa kaniya na lagpas trenta na ang edad niya. Tumatanda ba siya nang paurong? This is so unfair.

God, I miss him. I miss him so much. Walang araw na hindi ko siya na-miss, na hindi ko siya naisip. Every fucking day and night, I think about him. Araw-araw akong nag aalala sa kaniya. Araw-araw ay nadadagdagan ang mga katanungan ko tungkol sa kaniya. At araw-araw ay mas nami-miss ko siya.

So, I guess he's back performing after being on hiatus.

Nabalik ako sa katinuan nang hawakan ko ang kamay ni Moon ngunit wala akong naramdaman. Kinabahan agad ako at luminga-linga sa paligid. Ngunit nahinto rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang makita si Moon mula sa kabilang gilid ng kalsada. Tumatakbo siya galing sa dalawang batang babae na halos kasing edad niya lang.

"Mama! Mama, crinkles?" She asked.

I frowned. "Ha? Naubos mo na ba? Malaki 'yon ah? Baka naman mabulunan ka niyan." Sunod-sunod kong sabi habang hinahayaan siyang kumuha ng isa pang tinapay sa plastik. Iyon na lang ang natitirang tinapay kaya hinayaan ko na lang siya.

When I looked back at the two kids where Moon came from earlier, I saw them fighting for a piece of crinkles. Bumalik ang tingin ko kay Moon at doon ko lang na-realize ang ginawa niya. Gosh, why is my baby so kind?

Napansin din ni Moon ang pag aaway ng dalawa. Ibinalik niya ang tinapay sa supot at muling bumalik sa kabilang gilid ng kalsada. Mabuti na lang at wala masyadong dumadaang sasakyan dito. Sinundan ko lang siya ng tingin habang nagtataka.

She took the piece of cookie and broke it in half before handing it to each of those girls.

"Thank you!" Wika ng dalawang batang babae.

"You're welcome!" Moon replied while waving her hand.

Kusa na lang akong napangiti habang tumatakbo siya pabalik sa 'kin. Sinalubong ko siya ng yakap bago ko siya binuhat. Ibinigay ko na ulit sa kaniya ang natitirang tinapay tsaka ko siya hinalikan sa pisngi.

"Ang bait naman ng baby ko." Puri ko sa kaniya.

She giggled. "That's what my mama told me."

I pouted. "Aww, my baby Moon." Hinalikan ko ulit siya sa pisngi. "Mama is so proud of my baby Moon, always."

"Love you, mama ko!"

"I love you too, baby Moon." She pouted her lips so I kissed her there.

Unti-unti akong naglakad palapit sa tarpaulin na katatapos lang ikabit. Ang ilan ay nakatingin doon at binabasa ata ang nilalaman. Habang ako naman ay si Josh pa rin ang tinitingnan.

"'Nak, 'di ba gusto mo nang makita ang papa mo?"

She nodded quick. "Yes! Gustong gusto, mama!" Excited niyang sagot. May maliit na piraso pa ng tinapay sa gilid ng labi niya.

"Well, we might see him by next month, my Moon." I enthusiastically said.

Her eyes sparkled. "Next month, mama? Malapit na?"

I nodded. "Hmm-mm. Hopefully."

"Where is he now po?"

"Nasa Manila pa rin. Pero pupunta sila dito." Itinuro ko ang tarpaulin na tiningnan naman agad niya. "Do you see those handsome men over that tarpaulin? Your papa is one of them." I whispered.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon