Chapter 25: Quarrel
Nang magising ako ay nasa isang tahimik na kwarto na ako. Alam kong ospital 'to pero hindi gaya nung nakaraan ay nasa private room ako ngayon. Wala akong kasama dito sa loob.
Nangangati pa rin ang ilong at halos buong muka ko hanggang ngayon. Yumuko agad ako nang maalala ang anak ko. Nang maramdaman ko ang maliit na umbok sa tiyan ko ay nakahinga na ako nang maayos, nararamdaman kong ligtas siya.
Napabaling ako sa pinto nang bumukas iyon. Iniluwa no'n ang isang lalaking naka lab coat at sumusunod sa kaniya si Josh. Lumunok na lang ako nang magsalubong ang mga mata namin. Naka facemask man siya ay hindi pa rin no'n naitago ang seryoso niyang tingin na mas nakapag pakaba sa 'kin.
Tangina, sa lahat naman ng pwede kong matawagan bakit siya pa? Sana si Marc na lang!
Hindi naman niya napansin yung umbok sa tiyan ko 'di ba? Hindi pa naman siguro siya kinausap ng doktor kanina.
Pasimple kong ipinatong ang magkabila kong kamay sa tiyan ko para takpan ang maliit na umbok no'n. Nananakit na ang dibdib ko dahil sa sobrang bilis at lakas ng pagtibok ng puso ko.
Kaya naman pala naka private room ako, mayaman 'tong nag rescue sa 'kin.
"Mabuti naman at gising ka na. Anong nararamdaman mo?" Mabait na tanong ng doktor.
Hindi ako makapag focus nang maayos dahil alam kong babanggitin rin niya mamaya ang tungkol sa lagay ng baby ko. Hindi pwedeng malaman ni Josh!
"A-Ayos lang ako, dok. Medyo m-makati lang." Sagot ko.
He nodded. "So, about your allergy–"
Pareho kaming napabaling kay Josh nang tumunog ang cellphone niya. Huminto rin sa pagsasalita si dok. Josh took a glance at his phone before looking at us.
"Sagutin ko lang 'to, excuse me." Paalam niya bago siya pumunta sa sulok at tinalikuran kami bago niya sinagot ang tawag.
Nang masiguro kong hindi na niya kami nakikita ay hinarap ko agad si dok at kinuha ang atensyon niya. Itinuro ko ang tiyan ko tsaka ako nag thumbs up. I also gave him a questioning look.
Nang kumunot ang noo niya ay bumulong ako ng sobrang hina. "Yung baby ko?" At nag thumbs up ulit ako.
He raised his eyebrow before nodding and doing a thumbs up too. I sighed in relief. Tinuro ko naman si Josh bago ang tiyan ko tsaka ako umiling. Wag, I mouthed. I also did an X sign with both index fingers.
He's frowning while trying to understand what I'm saying. And after a few seconds, his mouth parted before nodding. Ngumiti rin siya at nag thumbs up pa. Huminga ulit ako nang malalim at nginitian din siya. Mabuti na lang at mukang bata pa 'tong si dok kaya madali akong naintindihan.
Nang matapos na ang tawag ay umayos na ulit ako ng higa at umaktong parang walang nangyari. The doctor took a glance at me before clearing his throat.
"As what I'm saying earlier, na-trigger ng feathers and different kinds of dust yung allergy mo at medyo malala ang naging epekto no'n sa'yo dahil nahirapan kang huminga at nawalan pa ng malay. Good thing is nadala ka agad dito sa ospital kaya naagapan." He explained.
Tumango lang ako habang si Josh naman ay seryoso lang ang tingin habang nakapasok ang magkabilang kamay sa bulsa.
"You just need to take some medicine to help with the itchiness and always make sure to have a nasal spray around. I also advise you to wear a mask whenever you're cleaning or doing stuff that could trigger your allergy. Basta mag ingat ka lang sa mga balahibo at dust. Yun lang naman, pwede ka na rin umuwi ngayon." The doctor added.
BINABASA MO ANG
His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]
FanfictionHe roams his eyes around the crowd, trying to spot someone he can give the agreement to fulfill the warmth of his wild and naughty side without anyone knowing. Will Trish, an article editor, take advantage? WARNING! This story contains mature scenes...