CHAPTER 29: Stress

842 38 130
                                    

Lutang chap ahead. Mabilis ang mga pangyayari dito guiz hehe. Fast forward na tayo.

Enjoy reading!

- Nath(Nahhhlia)

Chapter 29: Stress

Alam kong kapansin-pansin na ang pagiging tahimik ko at pamumugto ng mata ko dahil napapansin ko na rin ang Pag aalala sa mga mata ni Marc tuwing tinitingnan niya 'ko. Hindi ko kasi mapigilan eh... Kusa na lang pumapasok sa isip ko. Paulit-ulit. At habang naiisip ko 'yon, paulit-ulit din akong nasasaktan. And every time I do, I end up crying.

Wala akong ganang kumain at halata iyon sa kilos ko. Hindi umiimik si Marc dahil siguro pansin niya na wala akong gana. Ilang araw na lang at interview ko na sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya, kailangan ko nang ayusin ang sarili ko.

"T-Tricia?"

"... Hmm?" I replied without looking at him.

"May... p-problema ba?"

Sa ilang araw na napapansin niya akong ganito ay ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para itanong sa 'kin ang tanong na 'yon.

"Uhm, pansin ko kasi na wala ka sa mood nung mga nakaraang araw hanggang ngayon tapos namumula pa yung mata mo..." Silence. "Nag aalala lang kasi ako, baka mapano ka, tsaka yung baby. Hindi lang ako makapag tanong sa'yo nung nakaraan kasi baka gusto mo pang mag isip-isip. Hindi ko na kasi napigilan ngayon." Mahinahon niyang paliwanag.

I slowly nodded while chewing on my food and looking down.

"Pwede mo naman akong sabihan... Kung gusto mo tsaka kung okay kang sa'yo."

I swallowed my food and zoned out for a second. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang kusang pagtulo ng luha sa kaliwa kong mata.

"Trish..." Alala niyang banggit sa pangalan ko.

Kumikirot na naman ang puso ko. Tangina... Nahihirapan na 'ko. Is there any way that I could erase that fucking memory? Is there any way to shut my mind to forget all of my problems for a while?

Marc quickly stood up when I began sobbing. Naaligaga na siya pero hindi niya alam kung anong gagawin, nagdadalawang isip rin siya kung hahawakan ba niya ako o hindi.

Kalaunan ay humawak siya sa magkabila kong balikat. Iniluhod niya ang isa niyang tuhod sa sahig at hinilig ko naman ang ulo ko sa balikat niya. He immediately tapped my back and let me cry on his shoulder.

Sobrang bigat na ng pakiramdam ko. Sobrang sakit na sa dibdib. Sobrang hirap na. Gusto kong iwasan, alam kong nakakasama sa 'kin, pero hindi ko alam kung paano... Gusto ko na lang maglaho kahit na ilang araw lang para makapag pahinga ako. I'm so drained right now. I need a break.

I kept crying for a couple of minutes on Marc's shoulder. Hindi naman siya tumigil sa pag haplos sa likod ko hanggang sa kumalma na ako. Dahan-dahan kaming umalis sa yakap at agad niyang pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Ano ba talagang problema?" Alala niyang tanong. Dinukot niya ang panyo niya sa bulsa tsaka niya iyon ibinigay sa 'kin.

Inabot ko naman iyon tsaka ko pinunasan ang sarili kong luha. I can't make up words because of sobbing.

"Ano ba talagang problema, Tricia?" Tanong niya ulit.

Dahan-dahan akong umiling para sabihin sa kaniya na ayaw ko pa munang sabihin.

He sighed. "Basta pag hindi mo na kaya, pwedeng pwede mo naman akong sabihan. Lagi ka na lang stressed. Sobrang dami mo nang iniisip. Pasensya na, wala rin akong magawa."

I shook my head again. "A-Ayos lang. S-Salamat."

"Ayos ka na ba? Gumaan ba kahit papaano yung nararamdaman mo?" Concerned niyang tanong.

His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon