Chapter 37: Journey
Pagkatapos ng napaka simpleng proposal na naganap ay pinag pahinga muna ako ni Josh para raw gumaling na agad ako. Alam ko na gusto pa niya akong makausap para masagot ang mga katanungan niya pero mas inuuna niya lang ang kalagayan ko.
I still can't believe that I'm already engaged to my one and only love. Wala mang singsing ay sapat naman na sa akin ang simple niyang pagtatanong sa 'kin kanina. Ang mahalaga ay engaged pa rin kami.
Pareho kaming nakahiga ngayon sa kama. Nakaunan ako sa braso niya at nakapatong ang isa kong kamay sa dibdib niya. Mahina niyang tinatapik ang balakang ko na mas nakakapag paantok sa 'kin.
Ginawa naman niya akong bata. Pero shuta, gusto ko pa rin naman. Ang tagal naming hindi nakapag harutan 'no. Kaya babawi ako ngayon. Kailangan ko na talagang gumaling as soon as possible.
And after a few minutes, I fell asleep.
"Hindi sila pwede sa eroplano kasi wala silang identification cards. Wala akong choice, van or ferry."
Boses agad ni Josh ang una kong narinig nang magising ako. Nang imulat ko ang mga mata ko ay naabutan ko siyang pabalik-balik na naglalakad sa isang direksyon habang may kausap sa telepono.
"Oo, matagal talaga yung biyahe. Pero wala nga tayong choice." He stopped walking and sighed too, looking stressed. "Mas prefer ko yung van over ferry. Mas safe kasi sa van since private 'yon... Edi mag rerent ako. Ayos lang kahit mahal."
Nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad. Mukang hindi na niya napansin na kanina ko pa siya tinitingnan dahil focused siya sa pakikipag usap.
"Dre, hindi na lang ako idol ngayon, tatay na rin ako. Responsibilidad ko yung mag ina ko. Kung safe ako, dapat mas safe sila. Wala akong pake kung mahal yung renta." Umiiling niyang sabi.
Kusa na lang akong napangiti dahil sa narinig. That was touching. That's so responsible of him. Ugh, I'm so glad I met Josh.
Lumingon ako sa kanan ko kung nasaan nakapwesto ang isa pang hospital bed. Natutulog pa rin si Moon hanggang ngayon at nakayakap pa sa isang malaking unan. Napansin ko rin sa bintana na padilim na pala sa labas. Lumubog na ang araw at paangat na ang buwan. Kailangan nang gumising ni Moon, gabi na pala.
"Sige, chat mo na lang ako. Bye."
Ibinalik ko ulit ang tingin ko kay Josh nang marinig ang mga huling salitang binanggit niya sa kausap. Nang lumingon siya sa akin ay nagtama agad ang paningin namin. Mukang nagulat pa siya nang makitang gising na ako.
Agad niya akong nilapitan at hinawakan sa noo. "Oh, gising ka na pala. Anong nararamdaman mo? Masama pa rin ba yung pakiramdam mo? Nagugutom ka na ba?" Sunod-sunod at alala niyang tanong.
"Medyo okay na yung pakiramdam ko pero nanghihina pa rin ako. Medyo nagugutom na rin ako." Nilingon ko ulit si Moon. "Gisingin mo na pala si Moon, mahihirapan siyang matulog mamayang gabi pag hindi mo pa siya ginising."
"Hmm, anong gusto mong kainin?"
"May tira pa si Moon kaninang umaga, 'di ba? 'Yon na lang. Sayang naman."
"Sigurado ka? Eh sabaw?"
"Hmm, may ihahatid naman siguro mamaya galing sa ospital mismo. Hintayin na lang natin."
He nodded. "Okay. Gisingin ko lang siya."
"Nakatulog ka rin ba?" Tanong ko habang sinusundan siya ng tingin papunta sa kabilang kama.
"Medyo. Binantayan ko rin kasi si Moon at baka mahulog siya sa kama." Tinakpan niya ang bibig niya tsaka siya nag hikab. Ngayon ay kapansin-pansin na ang pagod sa itsura niya.
BINABASA MO ANG
His Prey • SB19 Josh [COMPLETED]
Hayran KurguHe roams his eyes around the crowd, trying to spot someone he can give the agreement to fulfill the warmth of his wild and naughty side without anyone knowing. Will Trish, an article editor, take advantage? WARNING! This story contains mature scenes...