CHAPTER 25

105 10 0
                                    

Matapos ang halos dalawang oras na pagtawid sa karagatan, sa wakas nakadaong na rin kami at hinihintay ko nalang ang pagdating ng pinsan ni Peru upang buhatin pababa si Kurt. Pagkalipas ng limang minuto, meroon ngang lumapit sa'kin na malaking lalaki at nagpakilalang pinsan ni Peru.








"Ma'am kakain ho muna ba kayo bago tayo umalis?" tanong nitong pinsan ni Peru ng maibaba at maisakay niya na si Kurt sa kotse.









"Archie nalang kuya. Ahm alis nalang ho tayo para maaga tayong makarating sa bahay nila Lola." sagot ko naman.

Lola na rin ang tawag ko dun sa Lola ni Peru dahil yon daw ang gustong tawag nito sa kanya ng lahat. At kahit medyo nagugutom na rin ako, pinili ko pa rin ang wag na munang kumain dahil unfair naman yon para kay Kurt.

Naging tahimik ang buong byahe namin at patindi na rin ng patindi ang antok na nararamdaman ko. Hanggang sa hindi ko na nakayanan at tuluyan na akong naigupo ng antok, at ang huli kong nakita ay isang Arch na may nakasulat na WELCOME TO BORONGAN.



Kaagad akong nagmulat ng aking mga mata ng maramdaman kong nakatigil lang ang sasakyan namin, at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng mapansin kong nakaunan na pala ako kay Kurt! Jusme Arcenith, wag ka munang lumandi ngayon!

Dahan-dahan akong bumangon at inayos muna ang aking sarili bago ko naisipan ang bumaba upang magtanong kay Kuya Lando.







"Gising ka na po pala ma'am. Nandito na tayo sa sakayan papunta sa baryo namin." nakangiti nitong sabi sabay turo sa'kin ng maliit na bangkang demotor.







"Hindi ho ba yan lulubog kuya Lando?" naka-ngiwi kong tanong dito na tinawanan lang naman nito.







"Hindi ho ma'am. Matibay ho yan at gawa sa magandang klase ng kahoy!" masaya naman nitong sagot sa'kin at inumpisahan na ang paghakot sa mga gamit namin ni Kurt.

Ng pumasok ako sa loob ng sasakyan, pansin ko ang bahagyang paggalaw ni Kurt kung kaya't kaagad kong tinakpan ang ilong niya ng panyong binigay sa'kin ni Vandross na basta ko lang na isinuksok sa bulsa ng sout kong jeans.

Bahagyang kumunot ang nuo ni Kurt ngunit hindi Ito nagpumiglas gaya noong si Vandross ang gumawa nito sa kanya. At ng mapansin ko ang paglalim ng paghinga nito, tsaka ko lang inalis ang kamay kong nakatakip sa ilong niya.








"Paniguradong gutom ka na dahil kahapon ka pa walang kain." napapabuntong-hininga kong sabi sabay haplos sa kanyang buhok na hanggang balikat nito. Tsk, mas maganda pa nga ang buhok nito kesa sa'kin e!

Napapa-pikit nalang ako ng buhatin na ni kuya Lando si Kurt at isakay ito sa bangkang demotor na gumigewang-giwang sa tuwing humahakbang si kuya Lando patungo sa may bubong na parte nitong bangka.  Maglalagay nalang kase ng bubong hindi pa nilubos!








"Sakay na ma'am Archie!" pukaw sa'kin ni kuya Lando ng makita niyang nakatanga lang ako.

Lakas-loob kong inihakbang ang aking paa, at muntikan pa akong mapasigaw ng bigla itong gumewang ng tamaan ng hindi ganun kalakas na alon. Naku naman, oo nga at marunong akong lumangoy pero takot parin akong mahulog sa tubig na ito! Hindi naman ito madumi, sadyang hindi lang talaga ako komportable na mabasa ng tubig na hindi ko pa kabisado at marami pang tao ang nakatingin!

So far masaya naman pala ang pagsakay ng maliit na bangkang demotor na ito. Mayroon kaming nadaanan na ibang baryo at meroon ding mga lalaki na sumisisid at nangunguha ng mga buhangin?...Ewan kung buhangin nga ba yon dahil parang small version lang ang mga yon ng bato.

Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)Where stories live. Discover now