CHAPTER 3: GROCERY
NYSSA'S POV
Nang unti-unti nang magkamalay ang bulto ko ay agad na pumormang kamao ang kamay ko nang makaramdam ng presensya sa tabi ko pero agad ding natauhan nang maalala na nandito nga pala sa tabi ko si Danica.
Humiga ako muli nang ayos bago siya tingnan, mahimbing itong natutulog habang nakahiga ang ulo sa braso ko at nakayakap sa'kin. Tumagilid naman ako para tingnan siya nang mas maayos. I can't help but admire her sleeping state probably because tahimik siya at walang lumalabas na kung ano sa bibig niya, but beside that she's really beautiful kahit na tulog.
After a few minutes her eyes slowly opened followed by a smile on her lips "Good morning!" she happily greeted me.
Bahagya naman akong natawa bago tingnan ang mga mata niya "Good morning..." I plainly said, making her pout.
"Wala namang kabuhay-buhay yang good morning mo" pagtatampo niya bago ialis ang ulo sa braso ko at ilipat sa unan. "Kakatampo naman yang good morning mo"
"Okay, magtampo ka lang..." sabi ko tsaka tumayo at bago pa man ako makalabas ng kuwarto ay narinig ko ang mga mumunting ingay mula sa kaniya dahilan para bahagya akong matawa.
When I got to the kitchen I immediately started cooking breakfast for the two of us. Nagluto lang ako ng scrambled eggs, apat na sausage at nagsangag na din ako para sa kanin namin at nang matapos ay naghain na ako at nagsalin na din ng gatas sa dalawang baso bago tawagin si Danica.
Nang makababa ito ay muli ako nitong binati ng 'Good Morning' bago kami nagsimulang kumain ng almusal.
"For sure naman, hindi ka na nagtatampo sa Parents mo" panimula ko habang sinasalinan ng tubig ang baso niya. "It's not like pinapaalis na kita sa bahay namin, it's just that. Hindi ka totally nagpaalam sa Parents mo kung nasaan ka talaga"
"They are not aware kung sino ang kasama mo at kung saan ka din natulog for the night" dagdag ko.
"And even though hindi ko alam kung anong klaseng relasyon ang meron ka sa mga magulang mo, I just want to say na away lang yan between you and your Parents. Kaya hindi na dapat magtagal yan" pagtapos ko at tumango naman siya.
"May lakad ka ba ngayon?" tanong niya at tumango ako.
"Balak kong mag-grocery since it's Sunday naman na" sagot ko at napatango naman siya bago pinagpatuloy ang pagkain.
I immediately took her to their house after we finished eating and we were welcomed by her worried Parents and siblings.
"I'm fine" pag-assure niya sa mga magulang niya bago ako lingunin at lapitan.
"This is Nyssa, by the way. Sa bahay nila ako natulog" pagpapakilala niya sa'kin bago hawakan ang kamay ko. "She's my new friend" dagdag niya bago ngitian ang mga magulang.
"Hi!" bati sa'kin ng kambal niyang kapatid.
"Hi..." bati ko pabalik bago sila ngitian.
"Salamat sa pag-accompany sa anak namin, Nessa-"
"Nyssa po" pag-correct ko sa Daddy ni Danica bago tanggapin ang nakalahad nitong kamay tsaka ibeso ang Mommy nito.
"I'm Everlasting Kim, Mommy nila" panimula ng Mommy ni Danica bago hawakan ang braso ng asawa. "And this is my husband, Florenz Kim. Daddy nila" tumango naman ako bago sila ngitian na dalawa
"Dave Kim, nice to meet you" kinamayan ko naman ang Kuya ni Danica bago isunod ang kambal nitong kapatid na si August at December Kim.
"It is nice meeting you all, but I have to go na po..." nakangiti kong sabi sa kanila at akmang yuyuko nang bahagya nang bigla akong pinigilan ni Dave.
"Kami dapat ang gumawa niyan" sagot niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Anong ibig mong sabihin Anak?" Tita Everlasting asked, but Dave's eye is still fixed on mine while a devilish smirk is flashed on his lips.
"Zip your mouth and don't utter a word" utos ko dito at bahagya naman itong natawa before pushing her hair backward and fixing his eyeglass.
"I will, don't worry..."
"...Princess" He mouthed and I immediately stop myself from punching him.
Hinarap ko naman na ang mga magulang niya at si Danica bago sila ngitian. "Mauna na ho ako" sabi ko bago tingnan si Danica na magkasalubong ang mga kilay habang nakatingin sa'min ng Kuya niya.
"Bye, Danica" ani ko at muli itong napatingin sa'kin bago ngumiti.
"Hatid na kita sa labas" She said before accompanying me to their front door up until to their gate.
"Ingat!" sigaw nito at kinawayan ko naman siya bago nagsimulang tumakbo papunta sa bahay namin.
"Pisteng yawa!" sigaw ko nang makapasok na ko sa loob ng bahay.
Agad kong inayos ang paghinga ko nang maramdaman ang pagsakit ng likod ko. "Hindi puwedeng magsabay ang init ng ulo at sakit ng likod ko..." nakapikit kong sabi. "Baka mamatay ako" dagdag ko bago nag-inhale-exhale.
"Relax ka lang, Nyssa...Relax" I said as I continued to calm myself. At para mas lalong mawala sa isip ko si Dave ay naisipan ko biglang maglinis ng bahay bago naligo at nagbihis para makapag-grocery na ako.
Hinatid naman ako sa mall ni Tatay Nathan at nang makapasok ako ay agad na kong dumiretso sa grocery store. Habang natingin sa mga snacks ay bigla akong napahawak sa tiyan ko nang may bumanga sa cart ko dahilan para tumama ang handle sa tiyan ko.
"Uy! Sorry..." napadilat ako para tingnan ang nakabangga sa'kin.
"Uy! Nandito ka din?" nakangiting tanong ni Dayton at agad naman siyang nakatanggap ng sampal sa'kin.
"Aray!" aniya habang sapo-sapo ang pisngi but later on remove his hand and looked directly straight at me. "Okay, perhaps I do deserve that"
"Okay na ko..." ani ko bago nag stretch side to side tsaka nagpatuloy sa pamimili habang nakabuntot sa'kin si Dayton.
"You did a great job pretending you didn't not know me during the dinner in the House of Stavros" sabi niya at tumango ako bago tumawa.
"Nagkakabombahan na daw sa Greece" sabi niya kaya agad akong nahinto dahil sa sinabi niya.
I looked at him, eyes wide open because of shock and fear. "Dayton, hindi pa tumatawag mga magulang ko sa'kin" sabi ko and his face immediately paled.
"Call them!" sigaw niya at agad ko namang kinuha ang cellphone ko at ganuon din siya.
"Walang sumasagot" nanginginig kong sabi sa kaniya.
"Hello, Ma!" aniya kaya napatingin ako sa kaniya at agad naman nitong inabot sa'kin ang telepono niya.
"Tita, this is Nyssa. Are you with my Parents po?" agad kong tanong habang di mapakali sa kinatatayuan ko.
"Yeah, we're drinking tea right now" She answered and my eyebrows immediately met because of that, I glance at Dayton only to see him smiling foolishly.
"Gago!" sigaw ko bago siya sapakin sa mukha.
"Tita, I'm sorry about that. Your son is just being insensitive about a topic that's why I cursed and punched him" paliwanag ko kay Tita Gabrielle.
"Be patient with my son, Nyssa" sabi nito sa'kin at masama ko namang tiningnan si Dayton na hawak-hawak pa rin ang panga. "The doctor accidentally bumped Dayton's head when he was taken out of my womb that's why he's like that"
Hindi ko naman maiwasan ang matawa dahil duon. "I understand po, Tita" sabi ko at narinig ko din ang pagtawa niya.
"I'll hung up na, Tita" sabi ko before ending the call.
"Paano nga ulit tayo naging magkaibigan?" bigla kong tanong at napahawak naman ito sa dibdib animo'y nasaktan sa sinabi ko.
"Actually hindi ko rin alam eh" seryoso niyang sagot at hindi ko naman maiwasan ang matawa dahil duon. Nagpatuloy na kaming dalawa sa pag-grocery bago nagbayad at napag-desisyunan na din na duon na siya sa bahay namin mag-di-dinner.
BINABASA MO ANG
Vida Mia
General FictionNyssa's only dream is to be a doctor and not a fucking lunatic who stalks, chase and follows the cold and quiet man named Sebastian Velez, he became her inspiration and all but when she finally got tired and decided to just stop chasing him and get...