CHAPTER 18: PHONE
NYSSA'S POV
"Tara na!" ani Dayton bago tumayo sa sofa at naglakad papalapit sa'min.
Tinuro ako nito bago nagsalita. "Maligo ka na and wear something comfortable, street wear to be specific, baka kasi mag-gown ka eh" agad kong hinampas ang braso nito dahil dun.
"Tara!" aya niya kena Kimon.
"Pero kararating lang namin" nakangusong sabi ni Andreas sa naglalakad nilang bulto.
"Babalik din tayo para sunduin siya, wag ka na umiyak" sagot ni Dayton bago akbayan si Kimon at Sebastian.
"Ay!" aniya bago ako muling lingunin. "Take your time, malayo naman mga bahay namin" tumango na lang ako bago sila hinatid sa gate namin.
Nang makasakay na sila sa sasakyan ay napangiti ako nang idungaw ni Andreas ang ulo sa bintana. "Bye!" nakangiti nitong sigaw habang nakaway dahilan para matawa ako at kumaway na din pabalik.
Pumasok na ko sa bahay at nagpahinga na muna saglit, pagkaupo ko sa sofa ay naisipan kong tawagan ang mga magulang ko.
"Out of reach?" nagtataka kong tanong bago tingnan ang caller id ni Daddy sa phone ko. "OUT OF REACH!?" hindi ko makapaniwalang tanong bago ibaba ang cellphone at sinubukang tawagan ang mga ito gamit ang telepono.
"Hello?" ani ko nang may sumagot na sa tawag.
"Ysa, anak" agad naman akong napangiti nang marinig ang boses ni Nanay Luz. "Okay ka lang ba diyan? Ba't ka pala napatawag?"
"Okay lang po ba kayo diyan? Especially sina Mommy po?" tanong ko at ilang minuto naman itong natahimik. "Nay, okay lang po ba kayo diyan?"
"Hindi kasi sinasagot nina Daddy tawag ko eh" dagdag ko at nanatali pa din itong tahimik hanggang sa ibaba nito bigla ang tawag.
"Huh?" nagtataka kong tanong dahil sa kinilos ni Nay Luz.
Hindi yun gawain ni Nay Luz at lalo naman ng mga magulang ko. "Try ko na lang kay Dayton mamaya" sabi ko bago ilapag ang telepono sa puwesto at nagtungo na sa kuwarto ko.
"Street wear..." ani ko habang naghahalungkat ng susuotin para sa lakad na to.
"Ba't parang wala akong masusuot?" tanong ko bago tingnan ang closet ko na punong-puno ng damit. "Baliw ba ko?" tanong ko bago muling naghanap.
"Makaligo na nga" sabi ko nang malapag ang simpleng jeans at itim na button down polo sa kama ko.
At habang nagsasabon ay hindi ko pa rin maiwasan ang mapaisip kung bakit hindi sinasagot ng mga magulang ko ang tawag ko at sa kinikilos din ni Nay Luz.
"Ano bang nangyayari sa kanila?" tanong ko habang iniisip ang lagay nila sa Greece.
Huminga ako nang malalim bago ayusin ang pagligo ko at subukan silang tawagan mamaya gamit ang phone ni Dayton. Nang makalabas sa banyo ay agad na kong nagbihis at nag-ayos.
"Nasaan na yun?" tanong ko bago lumuhod at hanapin yung pakaw ng hikaw ko.
"Ah! Tangina!" sigaw ko bago hawakan ang ulo ko nang mauntog sa vanity pero on the bright side ay nakita ko ang pakaw ko.
Pinulot ko na ito at muling bumalik sa pag-aayos bago sinuot ang mga hikaw ko. "Sapatos..." ani ko bago nagtungo sa closet at naghanap ng foot socks.
"Did I gained weight?" nagtataka kong tanong dahil ang sikip ng pantalon ko pagnaka-upo. "Bloated lang" sagot ko bago tinanggal ang pagkakabutones ng pantalon para makapag-medyas ako.
At habang nasa kuwarto pa ko ay inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko. "Wallet, susi ng bahay, cellphone, alcohol..." ani ko bago inisip kung ano pa bang kulang.
"Powerbank" ani ko bago kunin ang powerbank sa cabinet ng side table ko at ilagay ito sa bag na dala ko.
"Wallet, susi ng bahay, cellphone, alcohol, powerbank..." muli naman akong napaisip kung ano pang wala sa gamit ko at napatingin na din sa loob ng kuwarto ko.
"Panyo!" sigaw ko bago nagtungo sa closet at kumuha ng panyo at nang madaanan ko ang vanity ay kinuha ko na din ang maliit kong pabango at panlinis ng salamin bago iyon iayos sa bag ko.
"iPad ko" dagdag ko bago ito kunin at hinawakan na lang.
Sinabit ko na ang bag sa balikat ko bago sinara ang ilaw at aircon sa kuwarto at nagtungo na sa ibaba, nagsuot na muna ako ng sapatos bago muling chineck ang mga dala kong gamit.
"Ysa" napalingon naman ako dahil dun at nakita si Kimon. "Okay ka na?" tanong nito at tiningnan ko naman muli ang gamit ko bago siyang muling harapin.
"Yup! Okay na lahat" sagot ko at kinuha naman nito ang bag ko at pinauna akong lumabas.
Napalingon naman ako nang makitang hindi ito sumunod. "May problema ba?" tanong ko nang lumabas ito ilang minuto.
Ni-lock naman nito ang pinto bago naglakad papalapit sakin. "Chineck ko lang kung nakasara ba yung gaas" sagot nito at napatango naman ako bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kotse.
"Hello" ani ko nang makasakay sa shotgun kung saan ako hinatid ni Kimon.
Nang makasakay na din si Kimon sa driver seat ay agad itong nagmaneho. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko bago sila lingunin.
"Uy! Couple kayo?" tanong ni Dayton habang nakaturo kay Sebastian.
Napatingin na din ako dito at napamura sa sarili ko. "Dapat pala hindi na ko nagpalit" komento ko na ikinatawa nila.
Mula kasi sa itim na button down polo ay nagpalit ako sa isang sando na pinatungan ng kulay grey na cardigan. "Putangina..." mura ko na ikinalakas ng tawa nina Dayton.
"Ay! Dayton" pagkuha ko sa atensyon nito. "Pede ko ba mahiram phone mo?" tanong ko na ikinakunot ng noo ko.
"Tawagan ko lang parents ko-"
"Hindi" agad nitong sagot bago itapon sa likurang bahagi ng sasakyan ang cellphone. "Walang mag-ce-cellphone ngayon" dagdag pa nito bago hablutin ang cellphone ni Andreas at Sebastian tsaka itapon din palikod.
"Ka-chat ko mommy ko" ani Andreas. "Hindi ko man lang na-send message ko" nagtatampong anito at hinalikan na lang ni Dayton ang pisngi ni Andreas bilang sagot.
"Wala akong dalang cellphone" sagot ni Kimon bago maingat na iliko ang sasakyan.
"Bayan" disappointed kong sagot bago inayos ang pagkakaupo at tumingin na lang sa mga nadadaanan namin.
Sana maging maayos na lang ang lakad na to.
BINABASA MO ANG
Vida Mia
General FictionNyssa's only dream is to be a doctor and not a fucking lunatic who stalks, chase and follows the cold and quiet man named Sebastian Velez, he became her inspiration and all but when she finally got tired and decided to just stop chasing him and get...